1. Gil John Martin H. Lazaro
BEED SPED
2014-28445
Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat isa, dahil dito nakasalalay ang
kinabukasan ng bawat tao. Para sa aki’y ito ang aking magiging sandata upang
magkaroon ng magandang buhay pagdating ng tamang panahon. Madalas ko ring marinig
sa aking mga magulang, na aking pagbutihin ang aking pag-aaral, sapagkat ito daw ang
kanilang pinakamahalagang maipapamana nila sa akin kung sila man ay mawawala man.
Matapos kong pakinggan si Propesor David San Juan sa kanyang
pagpapaliwanag tungkol sa programang K-12 , agad na pumasok sa aking isipan na hindi
dapat ituloy ng ating gobyerno ang programang ito. Una sa lahat, ito ay magdudulot ng
malaking pagbabago sa bansa at unang maapektuhan ay ating pambansang wika . Para sa
akin , sa programang K-12 , mas pinagtutuunan ng pansin ng ating gobyerno na mas
matutunan natin ang paggamit ng wikang Ingles, nang gayon hindi daw mahirapan ang
mga Pilipino sa pagpunta nila sa ibang bansa. Isinusulong din nila ang K-12 upang
mapantayan ng Pilipinas ang tinatawag nating global standards upang maiwasan ang
diskriminasyon sa ating mga Pilipino. Ang tanging masasabi ko lamang sa gustong
mangyari ng ating pangulo , itong kanyang nais mangyari ay walang patutunguhan,
sapagkat para sa aki’y ang dapat pagtuunan ng pansin ng ating pangulo ay ang pagkaubos
ng mga propesyunal at manggagawang Pilipino sa ating bansa, hindi magtatag ng isang
programa na parang ang layunin ay ipamigay tayong mga Pilipino at alilain ng mga
dayuhan. Sa katunayan , ako ay nagulat sa aking natuklasan na ang mas mahihirap na
bansa sa atin ay ang siya pang mas malaki ang ibinabahagi sa atin sa antas ng edukasyon.
Sa tingin ko , darating ang panahon na ang mas mahihirap na bansa sa atin ay tuluyan
tayong mauunusan dahil sa kanilang malaking pagpapahalaga sa kanilang edukasyon.
Sinasabi rin ng ating gobyerno na sa programang K-12 , pagkatapos maghayskul ng isang
estudyante ay maaari na siyang makapagtrabaho kahit hindi na magkolehiyo. Para sa
akin, tunay nga namang napakagaling ng ating pangulo, hindi man lang niya naisip na
2. karamihan na nga sa mga kabataan ngayon ay ayaw ng mag-aral, hindi ba niya lubos
maisip na baka sa mga sumunod na taon, magulat na lamang tayo sa biglang pagbaba ng
porsyento ng mga estudyanteng nasa kolehiyo. Sa aking nakikita, hindi pa kayang
ipatupad ng Pilipinas ang programang K-12, ang matinding trapik na nga lamang sa
kamaynilaan ay hindi na masolusyunan paano pa ang gusto nilang mangyaring baguhin
sa ating edukasyon. Sa kahit anong anggulo ko tingnan ang nais mangyari ng ating
pangulong, mukhang hindi ito magiging matagumpay. Kulang pa sa preparasyon para
ilunsad ang programang ito.
Ang K-12 ay nangangailangan ng malaking pondo para maipatupad ng ating
gobyerno. Sa aking pagkakaalam, ilang trilyon na ba ang ating utang sa pandaigdigang
banko, tapos ay uutang na naman tayo para sa programang ito, hindi kaya tuluyan ng
mawala ang bansang Pilipinas sa mapa ng mundo dahil kulang na lang lumubog na tayo
sa ating mga utang. Base na rin sa mga napapanuod ko sa telebeisyon na mga
dokomentaryo, kulang na kulang ang mga klasrum sa mga pampublikong paaralan sa
ating bansa, ang iba nga’y nawalan na ng palikuran dahil ginawa na ring klasrum upang
mapagkasya ang mga estudyante, paano pa kaya kung magdadagdag pa ng dalawang taon
ng pag-aaral sa hayskul. Para na ngang sardinas na pinilit pinagkakasiya sa isang maliit
na lata ang mga kapwa ko mag-aaral sa mga pampublikong paaralan, tapos pipilitin ng
ating pangulo na maipatupad ang programang K-12 para lamang hindi tayo mahuli sa
ibang bansa. Kung ako ang ating pangulo, mas uunahin ko muna ang kalagayan ng aking
mga kababayan bago ko intindihin ang sasabihin ng ibang bansa. Siksikan sa klasrum at
hiraman ng libro, tunay nga namang It’s more fun in the Philippines, sana naman
magising na ang ating pangulo sa katotohanang hindi pa handa ang ating bansa sa nais
niyang mangyari. Isa pa sa aking nakikita kung bakit hindi dapat ituloy nag K-12 ay ang
pangangailan ng bansa ng mga gurong magtuturo para sa senior highschool.
Ako ay maniniwala pa sanang magiging matagumpay ang programang K-12
kung malaki ang porsyentong ibinibigay ng ating gobyerno sa ating edukasyon.
Pinagbasihan ko na lang ang ating unibersidad, ang Unibersidad ng Pilipinas, itinuturing
na pinakamagaling na unibersidad sa buong Pilipinas, ngunit gaano kalaki lang ba ang
ibinibigay sa atin ng gobyerno na pondo sa edukasyon. Bilang isang atleta, kitang kita ko
rin ang kakulangan na suporta sa amin kung ikukumpara sa ibang unibersidad. Sa tingin
ko’y mas uunlad ang ating bansa kung mas bibigyan lamang ng malaking porsyento ang
3. ating edukasyon kahit hindi na ipatupad pa ang K-12 na nais nila. Handa akong makiisa
at sumuporta sa mga kilusan na tumutuligsa at nagsusulong na ipatigil ang programang
K-12 at bigyan ng malaking pondo ang edukasyon. Naniniwala akong hindi pa huli ang
lahat para itigil ito, mas maganda nang hangga’t maaga pa ay matigil na ito kaysa sa huli
tayo ay magsisi at ang mga katulad kong estudyante ang lubos na maapektuhan.