1. Nasasabi ang mensahe ng larawan o pangyayaring nasaksihan
Naiintindihan na ang ibang salita ay magkasingkahulugan at ang iba ay
magkasalungat
2. Magpakita ng larawan. Itanong: Ano ang makikita sa larawan?
Ano ang mensaheng nais ipinahihiwatig ng mga larawan?
(Larawan ng isang lugar na nilindol o binaha)
(Larawan ng isang batang masayang-masaya dahil nakatapos
ng pag-aaral)
Ano ang kahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga salita
na nasa loob ng kahon?
MABILIS
3. Ipakikita ang larawan ng ibat ibang relihiyon na nagpupuri at
nagpapasalamat sa kani- kanilang kinikilalang Diyos.
Itanong: Ano-ano kaya ang kanilang mga ginagawa? Bakit kaya
sila nagpapasalamat at nagpupuri sa Diyos
5. Tungkol saan ang binasa?
Ano-ano ang nilikha ng Diyos?
Bakit niya nilikha ang mga tao?
Bakit niya ibinigay sa mga tao ang lahat ng Kaniyang nilikha?
Nagagawa pa ba sa ngayon ng mga tao ang mga tungkulin
na inaatang sa kaniya ng Diyos
6. Dapat mahalin at pangalagaan ang mga nilikha ng Diyos.
Dapat magpasalamat at papurihan Siya dahil sa Kaniyang mga
nilikha.
9. Magkasingkahulugan ang dalawang salita kung magkapareho
ang kanilang kahulugan.
Samantala, magkasalungat naman ang mga salita kung ang
kanilang kahulugan ay magkaiba.
10. Isulat ang K kung magkasing kahulugan ang pares ng salita at
isulat ang L kung HINDI.
_______ 1. liwanag at dilim
_______ 2. araw at gabi
_______ 3. tao at hayop
_______ 4. nilikha-ginawa
_______ 5. babae at lalaki
13. Natutukoy ang mga sanhi at bunga sa mga pangyayari sa binasang teksto.
F2PT-IVf-i-1.10
14. Pagdugtungin sa pamamagitan ng guhot ang mga
magkaugnay na mga pahayag.
Hanay A mHanay B
1. Makatatapos ako ng pag-aaral A. kung maaga
akong magigising
2. Hindi ako mahuhuli sa pagpasok B . kung mag-
eehersisyo ako palagi
3. Lalakas ang katawan ko C. kung mag-aaral
akong mabuti
17. Ipasagot ang mga gabay na tanong sa Sagutin Natin sa LM,
pahina___ Gabayan ang mga mag-aaral sa pagtukoy ng sanhi
at bunga ng mga pangyayari sa teksto. Bigyang-pansin ang
mga ginagamit na pang-ugnay gaya ng kaya, upang, dahil at
iba pa
Magpabigay ng mga halimbawa ng pangungusap na may sanhi
at bunga
Ipabigay ang kahulugan ng ilang salitang di gaanong
naintindihan at ipagamit ang mga ito sa pangungusap
19. Ipagawa ang bahaging Gawin Natin sa LM, sa pahina ___
Ipagawa ang bahaging Sanayin Natinsa LM, pahina ___, itoy
malayang pagsasanay
20. Ano ang ibig sabihin ng sanhi at bunga? Paano malalaman na
ang isang bagay ay sanhi at bunga? Tingnan ang bahaging
Tandaan Natin sa LM. pahina ___.
22. Isulat ang S kung sanhi at B kung bunga ang mga
sinalungguhitan sa
pangungusap.
_______1. Marami ang isda sa karagatan dahil hindi
nagpapaputok ng dinamita ang mga mangingisda.
_______2. Pinuputol ang mga puno sa kagubatan kaya
nagkakaroon ng baha.
_______3. Malago ang mga gulay dahil dinidiligan ito
araw-araw.
24. Punan ng tamang salita ang mga patlang upang maging
madulas ang bigkas ng mga pahayag.
1. banal ___ kasulatan
2. malusog ___ pangangatawan
3. marupok ___ tali
4. dyip ___ luma
5. bulaklak ___ sampagita
25. Magpakita ng larawan ng mga sumusunod: sumasayaw,
kumakanta, nagdo-
drawing at gumagawa ng bagay na mabuti sa kapwa.
Itanong: Ano-ano ang mga nasa larawan? Ginagawa rin ba
ninyo ito? Kailan
ninyo ito ginagawa?
26. Bakit ninyo ito ginagawa?
Ipabasa ang tula sa bahaging Basahin Natin sa LM, pahina
___.
Ipasagot ang Sagutin Natin sa mga mag-aaral sa LM, sa
pahina ___
27. Talakayin ang pang-angkop na na. Sabihin na ito ay ginagamit
kung ang
salitang sinusundan ay nagtatapos sa mga katinig maliban sa
katinig N.
Magpabigay ng mga halimbawa ng salitang inuugnay ng pang-
angkop na na.
28. Ipagawa ang bahaging Gawin Natin sa LM, pahina ___.
Ipagawa ang bahaging Sanayin Natin na makikita sa LM sa
pahina ___.( Ito ay Malayang Pagsasanay)
Kailan at papaano ginagamit ang pang-angkop na na? Tingnan
at pag-aralan
ang bahaging Tandaan Natin sa LM , pahina __.
29. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Linangin Natin sa LM, pahina
___.
30. Daglatin ang mga sumusunod:
Binibini
Doktor
Kagalang-galang
Ginoo
Attorney
Kailan ginagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa
mga salitang dinaglat?
31. Nagagamit ang kaalaman sa paggamit ng malaki at maliit na letra at mga
bantas sa pagsulat ng mga salitang dinaglat
F2KM-IVf-3.2
32. Paggamit ng malaki at maliit na letra at bantas sa mga salitang
dinaglat
Tukoy-Alam
Ano ang bantas na dapat gamitin sa mga salitang dinaglat?
Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung wasto ang gamit ng
malaking letra at ekis (x) naman kung hindi ang pagkakagamit
ng malaking letra.
1.Kap.___3. kgg___ 5. Bb___ 2.dr.___ 4.kag
33. Pagpapakita ng larawan ng isang doktor, abogado, pastor, at
kapitan ng baranggay.
Itanong: Sino-sino ang mga nasa larawan? Paano natin sila
tinatawag? Ano ang kanilang kaugnayan sa ating paksa?
34. Ipaunawa sa mga mag-aaral ang pagkakaroon ng kaalaman at
kasanayan sa wastong paggamit ng malaki at maliit na letra at
mga bantas sa pagsulat ng mga salitang dinaglat.
Ipatukoy sa mga bata ang mga salitang dinaglat sa akda.
Ipatukoy kung papaano nagsisimula ang mga salitang dinaglat
at anong bantas ang inilalagay sa katapusan nito.
Magbigay pa ng mga halimbawa ng mga salitang dinaglat sa
mga mag-aaral.
35. Ipagawa ang Gawin Natin sa LM , pahina __.
Ipagawa sa mga mag-aaral ang nasa bahaging Sanayin Natin
sa LM , pahina __ . (Ito ay Pinatnubayang Pagsasanay)
36. Ano ang pagdadaglat? Paano isinasagawa ang pagdadaglat?
Anong bantas ang ginagamit sa pagdadaglat? Tingnan at pag-
aralan ang bahaging Tandaan Natin sa LM , pahina ___.
Ipasagot ang Linangin Natin sa LM, sa pahina ___.
37. Basahin at pag-aralan ang paraan kung paano ang
pagdadaglat. Magbigay ng
limang halimbawa at gamitin ito sa sariling pangungusap