Grade 4 e.p.p. quarter 2 aralin 2 he mga kagamitan sa paglilinis at pag-aayos ng sarili
1 of 23
Downloaded 386 times
More Related Content
Grade 4 e.p.p. quarter 2 aralin 2 he mga kagamitan sa paglilinis at pag-aayos ng sarili
2. I. LAYUNIN:
1. Nasasabi ang mga kagamitan sa paglilinis at
pag-aayos ng sarili
2. Naipakikita ang wastong paraan ng pagga -
mit ng mga kagamitan sa paglilinis at pag-
aayos sa sarili
II. PAKSANG ARALIN:
Paksa: Mga Kagamitan sa Paglilinis at Pag-
aayos ng Sarili Sanggunian: Curriculum Guide
2013–EPPHE – Oa-1Kagamitan: Iba’t ibang
pansariling kagamitan tulad ng suklay,
nailcutter, sipilyo, bimpo, tuwalya, at iba pa.
3. PANIMULANG PAGTATAYA:
Ibigay ito sa mag-aaral. Ipasuri ang mga nasa larawan.
Pabilugan ang wastong letra kung saan ito ginagamit.
1. a. kuko b. buhok c. ngipin
d. talampakan
2. a. ngipin b. ulo c. buhok
d. kuko
3. a. katawan b. buhok c. kili-kili
d. ilong
4. PAGGANYAK
Ipasuri sa mag-aaral ang
kanilang sarili bago pumasok
ng paaralan at tanungin:
Ano-anong paghahanda sa
sarili ang ginagawa mo?
6. Tingnan at suriing mabuti ang
mga kagamitan sa paglilinis
ng katawan na nasa larawan.
Alin sa mga ito ang ginagamit
mo araw-araw? Alin ang
ginagamit mong isang beses
sa isang linggo?
7. Palagi mong isaisip na kailangan mong
maging malinis at maayos. May mga
kagamitan na dapat mong gamitin para
sa iyong sarili lamang at may mga
kagamitang maaari ring gamitin ng iba
pang kasapi ng pamilya.
8. May mga akmang
kagamitan sa paglilinis at
pag–aayos sa sarili.
Suriin at pag-aralan ang
wastong paggamit sa
sumusunod na larawan.
9. Shampoo – ito ay nagbibigay
ng kaaya-ayang amoy sa ating
buhok. Ito rin ang nag-aalis ng
mga kumapit na dumi at alika-
bok sa ating buhok.
10. Suklay o hairbrush –
ito ay ginagamit sa
pagsusuklay ng buhok
upang matanggal ang
mga buhol-buhol o
gusot sa ating buhok.
12. Panggupit ng kuko o nail -
cutter – ito ay ginagamit sa
pagpuputol o paggugupit ng
kuko sa kamay at paa.
Dapat pantayin ang kuko na
ginupit gamit ang nail file o
panliha.
14. Sipilyo – ito ay ginagamit kasama
ang toothpaste upang linisin at
tanggalin ang mga pagkaing dumi -
dikit o sumisingit sa pagitan ng
mga ngipin pagkatapos kumain.
Toothpaste- ay nagpipigil sa
pagdami ng mikrobyo sa loob ng
bibig. Pinatitibay nito ang mga
ngipin upang hindi ito mabulok.
15. Sa pagmumumog dapat guma-
mit rin ng mouthwash upang
lalong makatulong sa pagpapa-
natili ng mabangong hininga.
Ito rin ay nakatutulong sa pag-
pupuksa sa mga mikrobyong
namamahay sa loob ng bibig
sanhi ng mabahong hininga.
17. Sabong pampaligo – ito ay nag-
aalis ng dumi at libag sa katawan
at nagbibigay ng mabango at
malinis na amoy sa buong
katawan.
Bimpo – ito ay ikinukuskos sa
buong katawan upang maalis ang
libag sa ating buong katawan.
18. Tuwalya – ito ay
ginagamit na pamunas
sa buong katawan
pagkatapos maligo para
matuyo.
19. PAGLALAHAT
Upang mapanatiling malinis at
maayos ang sarili, dapat gu -
mamit ng iba’t ibang pansari-
ling kagamitan tulad ng
suklay, nailcutter,
sipilyo, bimpo, tuwalya, atbp.
20. Hanay B
a. Ginagamit ito upang maging
malinis at matibay ang ngipin.
b. Ginagamit ito sa pag-aayos
ng buhok.
c. Pinapanatili nito ang bango
at tinatanggal ang mikrobyo sa
bibig.
d. Pang-alis ito ng libag at iba
pang dumi sa katawan.
e. Ginagamit ito bilang
pamputol ng kuko.
21. II. Sagutin ang mga tanong:
1. Bakit dapat ugaliing
maging maayos palagi ang
ating sarili?(2 puntos)
2. Ano ang magandang
maidudulot nito sa ating
katawan?(3 puntos)
22. Gumupit ng mga larawan ng iyong
pansariling kagamitan at idikit ito sa bond
paper. Sabihin kung paano mo gagamitin
ang mga ito upang mapanatiling malinis at
maayos ang iyong sarili.
Ilagay ang mga ito sa isang folder.