Grade 4- E.P.P. Quarter 3 Week 1 Aralin 4 Agriculture- Intercropping ng Halamang Ornamental sa Halamang Gulay
1 of 18
Downloaded 509 times
More Related Content
Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 1 aralin 4 agriculture- intercropping ng halamang ornamental sa halamang gulay
2. Ang pagtatanim ng pinagsa-
mang halamang ornamental
at gulay ay kasiya-siyang
gawain. Bukod sa nagbibigay
ganda sa bakuran, nakapagbi-
bigay pa ito ng sariwang
gulay na makakain.
3. Magiging maayos ang pagtata -
nim kung mayroong kaalaman na
angkop sa halamang ornamental
at gulay. Hindi mahirap
magsagawa ng ganitong gawain,
dahil kahit sa mga paso lamang
na nakaayos ay maaari ng
maging kaakit-akit ang gawain.
4. Isa rito ay ang mga halamang
herbs. Ito ay kalimitang ginaga
-mit na halamang pantanim
gaya ng murang dahon ng
sibuyas, pechay, letsugas,
mani(maaaring nakakain at
ornamental), upland kangkong,
at kamote.
5. Ang mga halamang herbs
na ito ay maaring makasa -
ma ng mga ornamental na
mint, cosmos, marigold,
zinnia, portulaca, bermuda
grass, at dahlia.
6. Magsasagawa ng isang survey para
matukoy ang pagbabago ng kalakaran
sa pagpapatubo ng halamang ornamen-
tal.
Pupunta kayo sa lugar na may tanim na
halamang ornamental, obserbahan ninyo
kung maaari itong taniman na kasama
ng halamang gulay at itatanong ang
nakahandang mga survey questions.
7. Mga katanungan: (Survey questions)
1. Ano-anong halamang gulay ang
maaaring isama sa tanim na hala -
mang ornamental?
2. Sa mga halamang ornamental na
namumulaklak, maaari po bang
isama sa taniman ang halamang
gulay na namumunga?
8. 3. Sa paanong paraan
maaaring gawin kapag ang
isasamang halamang gulay
ay madaling maani sa
tamang panahon?
9. Sa nakalap na impormasyon tungkol
sa isinagawang pagsu-survey ang
naging kasagutan sa unang tanong
ay mas mainam ipagsama ang mga
halamang may iba’t ibang taas o laki
halimbawa sa isang vegetable land -
scape yaong nasa pinaka-ibaba ay
mga iba’t ibang kulay ng letsugas at
mayana, sa bandang gitna ay mga
10. okra o talong at camia o San
Francisco at sa itaas ay malung
gay at katuray, euphorbia, at
ilang-ilang.
Sa ikalawang kasagutan naman
ay opo, maaaring isama ang mga
namumulaklak sa mga namumu -
ngang halaman.
11. At sa ikatlong kasagutan, yaong
mga letsugas kahit madali ang
kaniyang panahon ng pag-aani
ay maaaring unti-untiin lamang
sa pamamagitan ng pagkuha ng
mga dahon na maaari nang
anihin hanggang sa maging
magulang na ito.
13. Ang pagbabago sa kalakaran sa pagpa-
patubo ng halamang gulay na kasama sa
halamang ornamental ay isang kaaya-
ayang gawain. Maraming makukuha
kapag may tanim kang namumulaklak na
halamang ornamen tal at mga madada -
hong gulay. Sa pagtatanim ng mga
ganitong halaman ay mabibigyan ka ng
kasiyahan at sariwang gulay. Karaniwan
na itinatanim ay mga herbs taglay ang
14. ganda ng tanim, ang sukat nito ay di
gaanong matataas at ang lugar ay
maaari kahit sa maliit na espasyo sa
bakuran ng tahanan. Sa paggawa
ng vegetable landscape ay payak at
madaling maisasaayos, nakadarag-
dag pa ito sa gamit sa kusina na
kung saan madali na ito makukuha.
15. PAGTATAYA:
Pabuuin ang mga bata ng salita sa bawat kahon.
Papiliin ng sagot sa sumusunod: cosmos,
sunflower, fortune plant, palmera, at kamatis.
17. PAGWAKAS NA PAGTATASA:
Ipagawa sa mga mag-aaral ang nasa ibaba:
Isulat sa puwang kung anong uri ng halaman
ang sumusunod.Ipasulat
kung gulay o ornamental.
1. Kamatis ______________
2. Pechay ______________
3. Gumamela ______________
4. Santan ______________
5. Talong ______________
Powerpoint source by:
ARNEL C. BAUTISTA
DEPED. LUMBO E/S