1. May mga pagkakataong ikaw ay hindi
nagiging tapat sa mga gawaing ginagawa.
Napipilitang magsinungaling dahil sa takot
na mapahiya o mapagalitan ng nakakatanda.
Nangyari na ba sa iyo ang ganito?
Aralin 5
Honesto: Batang Matapat, Idolo ng Lahat!
2. Honesto: Batang Matapat, Idolo ng
Lahat!
Siya si Honesto, anak nila G. at Gng. Anastacio
Castro. SIya ay labimpitong taong gulang at
kasalukuyang nasa ikalimang baitang ng Paaralang
Elementarya ng Sala sa bayan ng Cabuyao. Si
Honesto ay kakaiba sa karaniwang mga mag -aaral
dahil sa murang edad ay kinailangan na niyang
maghanapbuhay upang makatulong sa gastusin ng
pamilya. Buong sipag niyang tinutulungan ang
kanyang mga magulang upang maitaguyod ang
pangangailangan nilang magkakapatid. Tunay na siya
ay isang mabait at huwarang anak at kapatid sa para
kanyang pamilya.
3. Isang araw habang si Gng. Anacay
ay nagtuturo ay tinawag niya si Honesto
sa harap ng klase. Tila nagulat at
natakot ang bata kaya siya ay
nagdalawang isip na tumayo at lumapit
sa guro. Hanggang sa siya ay lapitan na
ng guro at malugod na ipinagmalaki at
ginawang halimbawa ang mga gawi na
nakasanayang gawin ni Honesto sa
paaralan at maging sa kanyang
pinapasukan na trabaho.
4. Nagsimulang magkuwento si Gng. Anacay.
Alam niyo ba mga bata na kayo ay mapalad na
magkaroon ng isang kamag - aral na
kinagigiliwan ng maraming tao dahil sa kanyang
pagiging matapat. nagbulungan ang mga bata
at tila nagtaka kung sino ang tinutukoy ng guro.
Nakakwentuhan ko si Gng. Villanueva
(Coordinator ng Yes - O Club)noong isang araw,
ayon sa kanya siya daw ay humanga sa ginawa
ng isa ninyong kamag - aral. Habang siya ay
abala sa pangungolekta ng mga naipong plastik
na bote ay nilapitan siya ng mga bata at nag -
alok ng tulong. Agad naman siyang pumayag at
tinawag ang batang ito na aking tinutukoy
5. Agad naman siyang tumugon sa aking ipinagawa.
Makalipas ang ilang minuto, dala - dala na niya ang
pera na napagbentahan mula sa mga plastik na bote.
Agad siyang inabutan ng guro ng pangmerienda ngunit
mabilis na tinanggihan ang alok at masiyang bumalik
sa kanyang klase. Sa hindi kalayuan napansin ni Gng.
Villanueva ang grupo ng mga bata na naiinis na
nagkukuwentuhan. Hmp. Nakakainis talaga malaki
naman ang napagbentahan sa plastik na bote ewan ba
kung bakit ayaw niya pang bawasan. ang wika ng isa.
Agad naman sumigunda ang isa pang mag - aaral,
Baka sumisipsip lang paano laging liban sa klase.
Napaisip ng malalim ang guro hinggil sa narinig na
usapan ng mga bata. At agad na ikinatuwa ang
pagiging matapat na bata ng kanyang mag - aaral.
6. Biglang nagtaas ng kamay si Jocelyn, Maam,
Maam ako po ba ang tinutukoy ninyo? lakas loob na
tanong ng bata at umalingawngaw ang tawanan sa
loob ng silid - aralan. Agad na nagpatuloy sa
pagkukwento si Gng. Anacay. Bilang pagpapatuloy
kaninang umaga naman nakasalubong ko papasok ng
paaralan si Mang Max at agad na kinamusta ang
batang ito. Sabi ko naman medyo dumadalas siya sa
pagliban sa klase at doon ko napagalaman na siya
pala ay kasalukuyang namamasukan sa construction
upang kumita ng pera at maipangdagdag sa kanilang
pangagastos. Naantig ako sa aking narinig at mas lalo
niya pa akong pinahanga sa mga sumunod na sinabi
ni Kuya Max.
7. Alam mo ba Gng. Anacay lubos akong
nagagalak sa batang iyan, noong isang
araw ay umalis ako ng maaga sa site na
pinaggagawan ng aking bahay. Kinailangan
ko kasing dumalo sa miting pambarangay
na ipinatawag ni Kapitan Kiko Alimagno.
Ako ay tiwala sa aking mga trabahador
ngunit noong isang araw ay binalikan ko
ang mga naganap sa site gamit ang CCTV
Camera na aking inilagay sa hindi kalayuan.
Ako ay nabigla sa aking nasaksihan, noong
araw na ako ay dumalo ng miting mga alas -
4:00 hapon.
8. Sa aking pag - alis pala ay agad ding nag -
alisan ang aking mga manggagawa kahit hindi pa
oras ng uwian ng bigla akong may narinig na
boses at nagsabing,mga kasama maaga pa po
alas - 5:00 ang ating uwian higit kumulang isang
oras pa po bago tayo maaaring umuwi, ang
mahinahon na paliwanag ng bata. Aba!, akala mo
kung sino ka kabago - bago mo ganyan ka.
paangil na sagot ng isa. Oo nga atsaka wala
naman si Boss minsan lang naman ito, dugtong
pa ng isa. Bahala po kayo basta ako ay uuwi ng
tama sa oras iyong itinakda ng may - ari,
mahinahon ngunit malaman na pagpapaliwanag
ng bata.
9. Wow! tunay na kahanga - hanga naman
talaga siya sa kanyang mga kilos at gawi.
Dapat siya ay kinikilala sa flag ceremony
upang tularan pa ng mga batang tulad
namin. Eh Maam sino po ba ang batang
ito na dapat naming tularan? makulit na
pagtatanong ng mga mag -aaral ni Gng.
Anacay. Dito na ipinagmalaki ng guro sa
lahat si Honesto isang batang matapat at
dapat iniidolo ng lahat. Dahil dito ay agad sa
mungkahi ng kanyang mga mag - aara ay
agad na ipinatawag ni Gng. Anacay ang mga
magulang ni Honesto.
10. Sagutin ang mga tanong:
1. Ilarawan si Honesto. Alin sa mga katangian niya ang
nagpapakita ng pagiging matapat?
2. Papaano hinangaan ni Gng. Anacay si Honesto? Isalaysay ito sa
klase.
3. Bilang isang indibidwal, paano mo maipapakita ang matapat na
paggawa sa paaralan? Sa lahat ng uri ng paggawa?
4. Magtala ng mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagiging
matapat sa ibat - ibang mga gawaing pampaaralan at sa uri ng
paggawa.
5. Sa iyong palagay, bakit gustong makaharap ng guro ang mga
magulang ni Honesto? Magbigay ng sapat na batayan.
11. Ano ang gagawin mo sa sitwasyong inilahad sa ibaba
para maipakita ang pagiging matapat. Ilahad ang iyong
magiging damdamin.
1. Bumili ka ng pagkain sa kantina nang mapansin mong
sobra ang sukli na ibinigay sa iyo ng tindera.
2. May dumating na delivery ng materyales sa iyong
pinapasukang pabrika. Agad mong tiningnan ang
inventory sheet ng mga inorder ninyong materyales at
natuklasan mong may mga sumobrang materyales na
iyo namang kakailangan sa paggawa ng isang proyekto
sa paaralan.
3. Si Romy isang working student, pumasok siya sa
paaralan na hindi nakapag -aral ng leksyon at antok na
antok pa dahil kinailangan niyang mag - overtime sa
kanyang pinapasukan. Biglang nagbigay ng pagsusulit
ang kanyang guro
12. Mag-isip ng karanasan na nagpapakita ng
pagiging matapat. Pumili ng isang karanasan
gamit ang graphic organize at iulat ito sa klase.
Pagiging
Matapat
Karanasan
Unang
Pagpipilian
Ikalawang
Pagpipilian
Ikatlong
Pagpipilian
13. Kaya mo bang maging matapat sa lahat ng pagkakataon?
Gumawa ng Self - Assessment Organizer. Punan ang bawat kahon ng
mga sagot batay sa iyong natutuhan at karanasan.
Pangalan
ng Bata
A. Nalaman Ko
B. Kaya Ko
C. Sinisimulan Ko
D. Gagawin Ko
E. Natututo Ako
14. Tandaan Natin
Ang pagiging matapat ay ugaling dapat ipagmalaki.
Ang taong nagpapakita ng ganitong pag - uugali
saanman at kailanman ay makakamit ang tunay na
kaligayahan at magkakaroon ng isang maayos, payapa
at maunlad na pamumuhay. Iniiwasan niyang
magsinungaling at pagtakpan ang mga maling gawi na
ginawa ng iba.
Sa pagiging matapat marami kang maaaring
matapakang ibang tao lalot higit iyong may mga
baluktot at maling sistema sa buhay. Hindi bale ng
mapahiya at mapagalitan ng mas nakakatanda huwag
lang mabalewala ang ugali ng pagiging isang matapat
na indibidwal sa paaralan man o sa paggawa at saan
mang dako pa iyan.
15. Subukin Natin
Iguhit ang simbolo ng thumbs up kung ang pangungusap
ay naglalahad ng wastong kaisipan at thumbs down
naman kung hindi.
_______1. Ikaw ay may proyekto na dapat
bayaran sa E.P.P. Agad mo itong sinabi sa
iyong nanay pati ang eksaktong halaga ng
naturang halaga nito.
______2. Nalimutan ni Archie na gawin ang
kanyang takdang - aralin sa Math. Biglang
nagwasto ng kuwarderno si Bb. Tan, nang
tawagin niya si Archie ay sinabi niyang
naiwan niya ang kanyang takdang - aralin sa
bahay.
16. ______3. Si Ericka ay kumandidato bilang pangulo ng
Supreme Pupil Government sa kanilang paaralan. Sa
mismong araw ng botohan ay may nakita siyang
nakakalat na balota na siyang gagamitin sa botohan
agad - agad ay ibinalik niya ang mga ito sa gurong
taga - pangasiwa.
______4. Si Mang Aldo ay nangungupit ng mga labis
na kagamitan mula sa opisina na kanyang
pinagtatrabahuhan at agad na ibinebenta sa labas
ang mga kagamitang kanyang nakuha sa mas
mababang halaga.
______5. May malasakit sa mga gawain sa pabrika si
Ruby nakatingin man o hindi ang kanyang amo sa
oras ng trabaho.