5. Si Fidel Valdez Ramos (ipinanganak 18 Marso 1928) ay
ang ikalabing-dalawang Pangulo ng Republika ng
Pilipinas (30 Hunyo 1992 – 30 Hunyo 1998).
Sa ilalim ni Ferdinand Marcos, siya ay inatasan na maging
pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe
ng Integral National Police noong 1975, at pangalawang
pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981.
Sa ilalim ni Corazon Aquino, siya ay nagsilbing chief of
staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at kalaunang
Kalihim ng Pambansang Pagtatanggol.
Siya ay nahalal na Pangulo ng Pilipinas noong 1992.
Isinilang siya noong 18 Marso 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina
Narciso Ramos at Angela Valdez.
Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950. Kumuha rin siya ng
masteral ng civil engineering saUniversity of Illinois, Masters in Business Administration
sa Pamantasang Ateneo de Manila, at nanguna sa klase niya sa Infantry training at kursong Special
Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia.
Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader ng Sandatahang Lakas
ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea at Vietnam. Naging tanyag siya sa pamumuno
sa isang pulutong ng mga sundalong tumalo sa pwersang komunista ng mga Tsino sa Labanan sa Burol
ng Eerie. Kabilang sa mga medalya at parangal na natanggap niya bilang sundalo ang Philippine Legion
of Honor, ang Gold Cross, ang Philippine Military Merit Medal, ang United States Legion of Merit, ang
FrenchLegion of Honor at ang U.S. Military Academy Distinguished Award.
Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita Martinez at mayroon silang limang anak na babae.
6. Karerang Militar
Sa ilalim ni Ferdinand Marcos na ikalawang pinsan ni Ramos, si Ramos ang namuno sa
Philippine Constabulary o PC na sa panahong ito ay ang pangunahing serbisyo ng
Sandatahang Lakas ng Pilipinas na nagsisilbing pambansang kapulisan noong 1972 nang
ipataw ni Marcos ang Martial Law. Ito sumusugpo sa komunismo at mga kaguluhan sa bansa.
Sinasabing si Ramos bilang chief ng PC at isa sa mga nagpapatupad ng Martial Law ay
responsable sa pagdakip ng mga kalabang pampolitika ni Marcos, mga aktibista, mga
nagpoprotesta, mga komunista at mediang bumabatikos kay Marcos. Gayunpaman, sinasabing
siniguro ni Ramos na mapoprotektahan ang mga karapatan ng mga nabilanggo sa ilalim ng
Martial Law.
Si Ramos ay naging kandidato bilang bagong Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ng
Pilipinas noong 1981 ngunit pinili ni Marcos si Fabian Ver na maging chief of staff nito. Si
Ramos ay hinirang na vice-chief of staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas noong 1982. Si
Ramos ay naging acting chief of staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas noong 1985 ngunit
si Ver ay muling ibinalik bilang chief of staff matapos na mapawalang sala ito sa kaso ng
pagpatay kay Ninoy Aquino.
Himagsikang People Power
Noong 22 Pebrero 1986, si Ramos kasama ni Enrile ay nagprotesta laban sa sinasabing
pandaraya ni Ferdinand Marcos sa snap election laban kay Corazon Aquino. Kanilang
inurong ang kanilang pagsuporta kay Marcos at sumuporta kay Corazon Aquino. Ang
pamilya Marcos ay napilitang lumikas sa Hawaii, Estados Unidos dahil sa 1986 people
power at si Aquino ang naging pangulo ng bansa.
7. Chief of Staff ng Sandatahang Lakas at Kalihim ng Pambansang
Pagtatanggol
Sa ilalim ni Aquino, si Ramos ay
hinirang na Chief of Staff ng
Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Siya
ay kalaunang hinirang ni Aquino na
Kalihim ng Pambansang Pagtatanggol.
Sa panahong ito, hinawakan ni Ramos
ang mga operasyong militar na
sumugpo sa 9 na pagtatangkang coup
laban sa pamahalaan ni Aquino.
9. Sinundan:
Fabian bakla
Chief of Staff ng Sandatahang
Lakas ng Pilipinas
1986–1988
Susunod:
Renato De Villa
Sinundan:
Rafael M. Ileto
Kalihim ng Tanggulang Pambansa
1988–1991
Susunod:
Renato De Villa
Sinundan:
Corazon Aquino
Pangulo ng Pilipinas
1992–1998
Susunod:
Joseph Estrada
10. Termino (1992-1998)
Si Ramos ay tumakbo at nagwagi sa 1992 halalan ng pagkapangulo.
Ekonomiya
Ipinatupad ni Pangulong Fidel Ramos ang inatas ng IMF-World Bank na programang
repormang tinatawag na "Philippines 2000" na naglalayong baguhin ang ekonomiyang batay sa
agrarian tungo sa isang industriyal na pinapatakbo ng pamilihan.[1] Sa ilalim ng pamumuno ni
Ramos mula 1992 hanggang 1998, ang aberaheng paglago ng GDP ay 3.1
porsiyento.[2] Tinangka ng administrasyong Ramos na akitin ang pamumuhunan ng mga
dayuhan sa pamamagitan ng mga reporma sa batas at piskal na nagpapanatili sa mga sahod na
mababa at nagpapalawig ng sonang nagpoproseso ng pagluluwas. Ang mga kasuotan at
elektronics ay bumubuo ng 50 porsiyento ng mga pagluluwas ng Pilipinas. Binuwag ni Ramos
ang mga monopolyo at ginawang pribado ang mga mahahalagang industriya. Gaya ni Corazon
Aquino, umutang si Ramos mula sa IMF upang bayaran ang utang pandayuhan ng Pilipinas.
Sinasabing ang paglago ng utang pandayuhan ng Pilipinas ay kawalang kakayahan ng
pamahalaan na lumikom ng mga buwis at ang Pilipinas ay may pinakamataas na rate ng
pagtakas sa pagbabayad ng buwis sa Asya. Ang ekonomiya ng Pilipinas ay nakasalalay pa rin sa
4.2 milyong mga OFW na nagtatrabaho sa ibang bansa na nagpapadala ng kanilang sahod sa
Pilipinas. Ang mas maraming mga Pilipino ay nagtatrabaho sa ibang bansa kesa sa buong sektor
ng pagmamanupaktura sa Pilipinas. Noong 1996, ang GNP rate ay 7.2 porsiyento at ang GDP at
5.2 porsiyento. Ang implasyon ay bumagsak sa 5.9 porsiyento mula sa 9.1 porsiyento noong
1995. Ang Krisis Pinansiyal sa Silangang Asya noong 1997 ay muling nagpabagal ng pag-unlad
ng Pilipinas. Ang deficit ng Pilipinas noong 1998 ay umabot ng P49.981 bilyong mula
sa surplus na P1.564 bilyon noong 1997. Ang piso ay bumagsak sa P40.89 kada dolyar mula
13. Pang-ilang pangulo ng bansa si
Ramos?
A. Ikalawang Pangulo ng Republika ng
Pilipinas
B. Ikasampung Pangulo ng Republika ng
Pilipinas
C. Ikalabindalawang Pangulo ng Republika ng
Pilipinas
14. Ano ba ang buong pangalan ni
Ramos?
A. Fidel Valdez Ramos
B. Fidel Ramos
C. Fidel Ramos y Vergara