ºÝºÝߣ

ºÝºÝߣShare a Scribd company logo
Sa aming pananaw, mahalagang mapag-aralan ang magkakaibang aspeto ng buhay ng mga
Pilipino. Napansin naming na dumarami na ang mga taong nag hahanap buhay sa kalye marahil dahil ito
sa kahirapan. Dahil sa pagbabagong ito, ninais naming maintindihan ang mga taong nag tatrabaho sa
kalye. Maaaring nag papakita ito ng isang makabagong Pilipino. Isang Pilipino na mas matapang at
maparaan sa buhay.

        Karamihan sa atin ay nabubuhay ng hindi masyadong inaalala kung ano ang kakainin. Hindi natin
kinakailangang intindihin ang pagkain ilalagay sa mesa at kung anu-ano pang pang araw-araw na
pangangailangan. Noon aming makasalamuha ang mga nagtratrabaho sa kalye, umulan man o umaraw,
aming naunawaan na ang buhay ay hindi madali para sa lahat.

        Madaming mga Pilipino ang nabubuhay sa trabahong kalye upang mairaos ang pamilya. Hindi
man sila nakapagtapos ng pag-aaral, sila ay nagiwan sa amin ng mga aral sa buhay na hindi makukuha sa
loob ng apat na sulok ng silid-aralan. Ibinahagi nila ang kahalagahan ng lakas ng loob. Sa magulong
buhay sa kalye, kailangan ng lakas ng loob dahil maraming mga masasamang tao na maaring
magsamantala sa kanila. Kagaya ng kwento ng mga barker, ang mga pulis o MMDA ang kadalasang
nagiging problema nila. Kailangan din na maging matiyaga kahit masama ang panahon dahil wala silang
kakainin sa araw na iyon pag hindi sila nag trabaho. Sa kabila ng lahat, nanalaytay pa din sa kanila ang
kahalagahan ng pakikisama sa kapwa. Magiging imposible ang pagtratrabaho sa kalye kung wala ang
pakikisama. Kailangan nila ito upang magkaroon ng maayos na trabaho at manatiling buhay sa
trabahong kalye. Pinahahalagahan nila ang relasyon sa kapwa dahil isa ito sa mga aspeto na
nagpapanatili sa kanilang trabaho. Higit sa lahat, ang pagmamahal sa pamilya ang kanilang nagiging
inspirasyon upang magpatuloy sa buhay mahirap man ito. Marami sa kanila ang nagsabi na kahit hindi
na sila kumain basta mapakain lamang nila ang kanilang pamilya ay okay na. Ipinapakita nito ang sobra-
sobrang pagmamahal ng mga Pilipino sa kanilang pamilya. Talagang gagawin nila ang lahat upang
patuloy na mabuhay ang kani-kanilang pamilya lalo na ang kanilang mga anak.

        Mahirap man sila sa tingin ng iba, naramdaman naming ang sobra-sobrang paghanga sa kanila.
Sila ang tipo ng taong handang harapin ang pagsubok ng buhay ng buong puso para sa kanilang
pinakamamahal na pamilya. Kami man ay nakakapag-aral sa isang magandang paaralan ngayon, mas
masusubukan ang aming katatagan sa pagsabak namin sa totoong mundo, ang buhay sa kalye.

More Related Content

Grp. 1 (tth 1030 12) buhay kalye

  • 1. Sa aming pananaw, mahalagang mapag-aralan ang magkakaibang aspeto ng buhay ng mga Pilipino. Napansin naming na dumarami na ang mga taong nag hahanap buhay sa kalye marahil dahil ito sa kahirapan. Dahil sa pagbabagong ito, ninais naming maintindihan ang mga taong nag tatrabaho sa kalye. Maaaring nag papakita ito ng isang makabagong Pilipino. Isang Pilipino na mas matapang at maparaan sa buhay. Karamihan sa atin ay nabubuhay ng hindi masyadong inaalala kung ano ang kakainin. Hindi natin kinakailangang intindihin ang pagkain ilalagay sa mesa at kung anu-ano pang pang araw-araw na pangangailangan. Noon aming makasalamuha ang mga nagtratrabaho sa kalye, umulan man o umaraw, aming naunawaan na ang buhay ay hindi madali para sa lahat. Madaming mga Pilipino ang nabubuhay sa trabahong kalye upang mairaos ang pamilya. Hindi man sila nakapagtapos ng pag-aaral, sila ay nagiwan sa amin ng mga aral sa buhay na hindi makukuha sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan. Ibinahagi nila ang kahalagahan ng lakas ng loob. Sa magulong buhay sa kalye, kailangan ng lakas ng loob dahil maraming mga masasamang tao na maaring magsamantala sa kanila. Kagaya ng kwento ng mga barker, ang mga pulis o MMDA ang kadalasang nagiging problema nila. Kailangan din na maging matiyaga kahit masama ang panahon dahil wala silang kakainin sa araw na iyon pag hindi sila nag trabaho. Sa kabila ng lahat, nanalaytay pa din sa kanila ang kahalagahan ng pakikisama sa kapwa. Magiging imposible ang pagtratrabaho sa kalye kung wala ang pakikisama. Kailangan nila ito upang magkaroon ng maayos na trabaho at manatiling buhay sa trabahong kalye. Pinahahalagahan nila ang relasyon sa kapwa dahil isa ito sa mga aspeto na nagpapanatili sa kanilang trabaho. Higit sa lahat, ang pagmamahal sa pamilya ang kanilang nagiging inspirasyon upang magpatuloy sa buhay mahirap man ito. Marami sa kanila ang nagsabi na kahit hindi na sila kumain basta mapakain lamang nila ang kanilang pamilya ay okay na. Ipinapakita nito ang sobra- sobrang pagmamahal ng mga Pilipino sa kanilang pamilya. Talagang gagawin nila ang lahat upang patuloy na mabuhay ang kani-kanilang pamilya lalo na ang kanilang mga anak. Mahirap man sila sa tingin ng iba, naramdaman naming ang sobra-sobrang paghanga sa kanila. Sila ang tipo ng taong handang harapin ang pagsubok ng buhay ng buong puso para sa kanilang pinakamamahal na pamilya. Kami man ay nakakapag-aral sa isang magandang paaralan ngayon, mas masusubukan ang aming katatagan sa pagsabak namin sa totoong mundo, ang buhay sa kalye.