Halimbawa ng mga Lathalain sa Filipino Journalism. Ang mga lathalain ay nakuha din lamang sa bro-browse ko sa internet. Subalit ito ay pinaghirapan ko sa pag-hahanap ng mga ito.
1 of 1
Downloaded 44 times
More Related Content
Halimbawa ng mga Lathalain 2
1. Lathalaing pansariling karanasan
Ano kaya ang sasabihin ko sa kanya? Ano kaya ang pwede naming mapag-usapan? Yan
lagi ang mga tanong na pumapasok saking isipan sa tuwing nakikihalubilo ako sa ibang
tao. Ako yung tipo ng tao na bihirang makipagusap sa iba pwera nalang kung matagal
na kitang kakilala, kababata, kamag-anak o pamilya. Minsan ay nasabihan narin akong
suplado dahil nga hindi naman ako pala kibo di tulad ng iba. Sa tingin ko ay mas
nasanay kasi akong mag-isa. Dalawa lang kaming magkapatid kaya kadalasan wala
akong mapagsabihan ng aking saloobin o kakuwentuhan, buti nalang ay nariyan ang
barkada, kasama sa kalokohan, kakulitan, katawanan, at minsan kasamang
lumabas. Para sakin ay hindi naman masama kung nag-iisa ka dahil sa mga panahong
ikoy mag-isa ay mas nauunawaan ko ang mga bagay bagay sa aking paligid at ang mga
taong nakapaligid sakin.
Lathalaing pansariling karanasan
Bawat taon ang pinakahihintay ay ang araw ng pasko dahil ito ay masaya lahat ay
kompleto kasama ang buong pamilya ngunit ito ang hindi ko pa nararanasan ang
mabuo ang pamilya sa araw ng pasko .Palaging nasa malayo si papa tuwing araw ng
pasko wala kaming magagawa dahil kailangan niyang kumayod para mapag aral kami
,kinakaya niya lahat ng lungkot at mga pagsubok ganoon din saamin na kinakaya namin
ang lahat gustuhin man namin siyang umuwi kaso mahirap dahil narin sa mahal ang
pamasahe pauwi kaya tinitiis namin ang lahat kahit gustong gusto na naming siyang
makasama , kung kayat ang tanging hiling ko sa darating na pasko ay makasama
namin siya .
Lathalaing pangkasaysayan
Ang Bayan ng Santo Tomas ay isang ika-5 klaseng bayan sa lalawigan ng Pangasinan.
Binubuo ito ng 10 barangay ito ay ang Barangay La Luna , Poblacion East ,Poblacion
West , Salvacion ,San Agustin , San Antonio , San Jose , San Marcos , Santo
Domingo at Santo Ni単o .Mayroon ding pinagdiriwang festival ang bayan ng Sto
Tomas ito ay ang Mais Festival na pinagdiriwang tuwing buwan ng Marso , at noong
Marso 2008 ay nasungkit ang kauna unahang titulo na Guinness World Records
certificate for longest barbecue laban sa Montevideo, Uruguay.Kung kayat
nakagawian na ng taga Sto Tomas na ipagdiwang ito at isa rin itong papuri para kay
St. Thomas Aquinas dahil sa magandang ani ng mga palay at mais .