2. Mark 12:32-42
v32Dumating sila sa isang lugar na tinatawag na
Getsemani. Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad,
"Maupo muna kayo rito habang ako'y nananalangin."
v33At isinama niya sina Pedro, Santiago at Juan.
Nagsimulang mabagabag at maghirap ang kanyang
kalooban. v34Sinabi niya sa kanila, "Ang puso ko'y
labis na nalulungkot at halos ako'y mamatay na!
Maghintay kayo rito at magbantay."
3. Mark 12:32-42
v35Lumayo siya nang kaunti, at pagkatapos ay
nagpatirapa upang manalangin na kung maaari'y huwag
nang sumapit sa kanya ang oras ng paghihirap.
v36Nanalangin siya, "Ama ko, Ama ko! Magagawa mo
ang lahat ng bagay. Alisin mo sa akin ang paghihirap na
ito, ngunit hindi ang kalooban ko kundi ang kalooban
mo ang masunod."
4. Mark 12:32-42
v37Nagbalik siya at dinatnan niyang natutulog ang
tatlong alagad. Sinabi niya kay Pedro, "Natutulog ka ba,
Simon? Hindi ka ba makapagbantay kahit isang oras man
lamang? v38Magbantay kayo at manalangin upang
huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu'y
nakahanda ngunit ang laman ay mahina."
5. Mark 12:32-42
v39Muling lumayo si Jesus upang manalangin at inulit
niya ang kanyang kahilingan. v40Nagbalik siyang muli sa
kanyang mga alagad, at sila'y naratnan niyang natutulog
dahil sila'y antok na antok. At hindi nila malaman kung
ano ang kanilang isasagot sa kanya.
6. Mark 12:32-42
v41Sa ikatlo niyang pagbabalik ay sinabi niya sa kanila,
"Natutulog pa ba kayo at namamahinga? Tama na,
sapagkat dumating na ang oras upang ang Anak ng Tao'y
ibigay sa kamay ng mga makasalanan. v42Magsitayo
kayo! Narito na ang magtataksil sa akin."
7. 1 Timothy 3:16
v16Hindi maikakaila na napakadakila ng hiwaga ng ating
relihiyon:
Siya'y nahayag nang maging tao,
pinatunayang matuwid ng Espiritu at nakita ng mga
anghel.
Ipinangaral sa mga Hentil,
pinaniwalaan ng lahat, at itinaas sa kalangitan.
8. Mark 14:27
v27Sinabi ni Jesus sa kanila, "Ako'y iiwan ninyong lahat,
sapagkat sinasabi sa kasulatan, 'Papatayin ko ang pastol
at magkakawatak-watak ang mga tupa.'
10. Luke 22:43
v43Nagpakita sa kanya ang isang anghel mula sa langit
at pinalakas ang loob niya. v44Dala ng matinding
hinagpis, siya'y nanalangin nang lalong taimtim, at
pumatak sa lupa ang kanyang pawis na parang
malalaking patak ng dugo.
Editor's Notes
#2: Intro: Story of Martin Luther - A Mighty Fortress