1. PILIPINAS Malaya ka na ba!
Naisa-isa ang mga hakbang na ginawa ng Pamahalaan
para sa unti-unting paglilipat
sa mga Pilipino sa kapangyarihang mamahala.
BEC PELC II.C.1
2. Guide Card
Pilipinas handa na ba kayong maglaro? Welcome kapamilya! Ngayong hapon nandito tayo sa silid
aralan ng Pasig Elementary School upang malaman ang galing ng ating mga kontestants at
makapasa sa ibat ibang round ng pagsubok tungkol sa mga mahahalagang pangyayaring may
kinalaman sa pagkakaroon ng malayang pamahalaan sa panahon ng Amerikano. Kaya nyo bang
isa-isahin ang mga hakbang na ginawa ng pamahalaan para sa unti-unting paglilipat sa Pilipinas
sa kapangyarihang mamahala?
PILIPINAS GAME KA NA BA?
Tatalakayin dito ang mga ginawa ng mga pinunong
Pilipino, upang makamit ang kalayaan mula sa mananakop na Amerikano. Isinulong ng
mga pinunong Pilipino ang mahinahong paraan sa halip na dahas. Nagsagawa ng
mgamisyon para sa kalayaan dito sa Pilipinas at sa Amerika, hanggang sa magbunga ang
kanilang mga pagsisikap ang makapagtaguyod ng batas pangkalayaan
3. Hangarin ng nga Americano na sanaying ang mga Pilipino sa
pagsasarili. Sa pagsasakatuparan nito, isinagawa nang dahan-dahan ang
mga hakbang tulad pag pili ng mga Pilipinong may talino at kakayahang
humawak ng mga tungkulin sa pamahalaan. Ang kongreso ng Estados
Unidos ay nag patibay ng ibat ibang mga batas na magbibigay ng
pagkakataon sa mga Pilipino na humawak ng mataas na katungkulan sa
pamahalaan.
Tatalakayin dito ang mga ginawa ng mga pinunongPilipino, upang
makamit ang kalayaan mula sa mananakop na Amerikano. Isinulong
ngmga pinunong Pilipino ang mahinahong paraan sa halip na dahas.
Nagsagawa ng mgamisyon para sa kalayaan dito sa Pilipinas at sa
Amerika, hanggang sa magbunga angkanilang mga pagsisikap ang
makapagtaguyod ng batas pangkalayaan
4. Ang batas na ito ay inakda ni Kinatawan Henry
Allen Cooper kayat tinawag ding Batas Cooper.
Pinagtibay noong 1902. Ito ang nagkaloob ng
karapatan sa mga Pilipino at nagsilbing Batas
Organiko ng Pilipinas. Ang pinakamahalagang
tadhana ng batas na ito ay ang paglikha ng
Lehislatura ng Pilipinas na may dalawang
kapulungan. Ang Komisyon ng Pilipinas ang
magiging mataas na kapulungan at ang Asembleya
ng Pilipinas anf magiging mababang kapulungan na
bubuin ng mga kinatawan na inihala ng mga taong
bayan.
5. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas
Cooper. Idinaos ang halalan para sa
asembleya noong Hulyo 1907.
Ipinagkaloob ng mga mamayanan sa
Partido Nacionalista ang malaking suporta
at pagtitiwala. Sa 80 puwesto sa
Asembleya, 59 ang nakuha ng mga
Nacionalista, 16 sa mga Progresibo at 5 sa
nga independiente .
6. Noong ika-3 Octubre 1916 nagkaroon ng
halalan para sa Lehislatura ng Pilipinas.
Sa halalang ito karamihan sa mga
nagwagi ay mula sa Partido Nacionalista.
Pormal na binuksan ang pulong ng
Lehislatura noong Ocktubre 16, 1916. Si
Manuel L. Quezon ang nahalal ng
pangulo ng Senado at si Sergio Osmena
naman ang nagging Ispiker ng
kapulungan ng mga Kinatawan
7. Ang paghahangad ng mga Pilipino na lumaya
ay hindi namatay nang isuko ang kanilang
laban sa mga Amerikano. Pinatunayan ito ng
mga pagkakapanalo ng mga Nacionalista sa
Asembleya at sa Lehislatura ng Pilipinas. Dahil
dito, lumikha ang lehislatura ng Komisyon sa
Pagsasarili upang mangampanya sa Kongreso
ng Amerika na bumuo ng batas para sa
kalayaan ng Pilipinas. Maraming ipinadalang
misyon ngunit walang nangyari. Subalit
nanatiling tapat ang mga Pilipino sa pag -
asa na silay magiging Malaya balang araw
8. Noong 1931 nagpadala si Manuel L. Quezon ng isa
pang misyon sa Estados Unidos. Tinawang itong
Misyong OS-ROX dahil pinamumunuan ito nina
Sergio Osmena at Manuel Roxas. Dahil sa kanilang
pagsisikap, pinagtibay ng Kongreso ng Amerika noong
1932 ang Batas Hare-Hawes-Cutting. Itinatadhana
nito ang pagtatatag ng sampung taong pamahalaang
Komonwelt at pagkatapos ay ipagkakaloob ang kalayaan
ng Pilipinas. Ngunit hindi ito pinagtibay ng Lehislatura
ng Pilipinas dahil maraming tadhana nahindi ayon sa
interes ng mga Pilipino
9. Nang hindi maaprubahan ang Batas-Hare-
Hawes-Cutting, tumulak si Manuel L Quezon sa
Washington DC. Dahil sa maganda niyang
talumpati sa Kongreso ng Amerika, Nahikayat
niyang Bumuo muli ng isang batas para sa
kalayaan ng Pilipinas. Ito ay isinulat ni Senador
Tydings at Congresman McDuffie. Ang batas ay
nilagdaan nina Pangulong Franklin Roosevelt
noong Marso 24, 1934. Ito ay pinagtibay ng
Lehislatura ng Pilipinas noong mayo 1 1934.
10. Mga kapamilya Game ka na ba? Para sa
ating elimination round , kilalanin ang Gawain 1
mga nasa larawan na may kinalaman sa
pagtataguyod ng kalayaan ng ating
bansang Pilipinas sa Panahon ng
Amerikano.
11. Mga kapamilya! para sa ating susunod
na round sagutin kung anong
Gawain 2
mahalagang pangyayari ang
tinutukoy.Pabilisan ang round na ito
_________1. Ito ay itinatag bilang paghahanda sa pagsasarili.
_______2. Ang nagsilbing mataas na kapulungan ng asamblea
ng Pilipinas.
_______3. Ang batas na itoy nagsasaad ng pagkilala sa
kalayaanngpilipinaskungitoy mayroong nang matatag na
pamahalaan.
______4. Misyong pangkalayaan kinatawan nina Sergio Osmena
at Manuel Roxas.
______5. Ito ang batas na pinagtibay ni Pangulong Franklin D.
Roosevelt na sinunod sa pagbibigay ng kalayaan.