3. 1 Ako ang tunay na puno ng ubas at
ang aking Ama ang tagapag-alaga. 2
Inaalis niya ang bawat sangang hindi
nagbubunga, at kanya namang
pinuputulan at nililinis ang bawat
sangang nagbubunga upang
magbunga pa nang lalong sagana.
4. 3 Nalinis na kayo sa pamamagitan ng
salitang sinabi ko sa inyo. 4 Manatili
kayo sa akin at mananatili din ako sa
inyo. Hindi magbubunga ang sangang
hindi nananatili sa puno. Gayundin
naman, hindi kayo magbubunga kung
hindi kayo mananatili sa akin.
5. 5 Ako nga ang puno ng ubas at kayo
ang mga sanga. Ang nananatili sa
akin, at ako sa kanya, ang siyang
nagbubunga nang sagana, sapagkat
wala kayong magagawa kung kayo'y
hiwalay sa akin. 6 Ang hindi
nananatili sa akin ay matutuyo at
itinatapon, gaya ng sanga. Ang
6. 7 Kung nananatili kayo sa akin at
nananatili sa inyo ang aking mga
salita, hingin ninyo ang anumang
nais ninyo at ibibigay iyon sa inyo. 8
Napaparangalan ang aking Ama kung
kayo'y masaganang nagbubunga
bilang aking mga alagad.
7. 9 Kung paanong inibig ako ng Ama,
gayundin naman, iniibig ko kayo;
manatili kayo sa aking pag-ibig. 10
Kung tinutupad ninyo ang aking mga
utos, mananatili kayo sa aking pag-
ibig; tulad ko, tinutupad ko ang mga
utos ng aking Ama at ako'y nananatili
sa kanyang pag-ibig.
8. 11 Sinabi ko sa inyo ang mga bagay
na ito upang mapasainyo ang
kagalakan ko at nang sa gayon,
malubos ang inyong kagalakan. 12
Ito ang aking utos: magmahalan kayo
gaya ng pagmamahal ko sa inyo. 13
Walang pag-ibig na hihigit pa kaysa
pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng
9. 14 Kayo'y mga kaibigan ko kung
tinutupad ninyo ang aking mga utos. 15
Hindi ko na kayo itinuturing na mga
alipin, sapagkat hindi alam ng alipin
ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa
halip, itinuring ko kayong mga kaibigan,
sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng
narinig ko sa aking Ama.
10. 16 Hindi ninyo ako pinili, kayo ang
pinili. Pinili ko kayo upang kayo'y
magbunga at manatili ang inyong
bunga upang ang anumang hingin
ninyo sa Ama, sa aking pangalan, ay
ibibigay sa inyo. 17 Ito nga ang utos
ko sa inyo: magmahalan kayo.