1. Jemima Nicole S. Francisco
2012-22524
Fil 50
ANG HULING LAGDA NI APOLINARIO MABINI
Kung iyo nang nakalimutan ang mga napag-aralan tungkol sa kasaysayan o naisantabi
ang interes tungkol dito, talagang isang malaking katanungan kung bakit Ang huling lagda ni
Apolinario Mabini ang pamagat ng dula. Sa aking lagay ay ganoon nga ang nangyari. Naitanong
ko sa aking sarili kung ano nga ba ang rason kung bakit ganoon ang pamagat ng dula sapagkat
medyo pumupurol na ang aking kaalaman tungkol sa ating kasaysayan.
At aking napagtanto na kaya pala ganoon ang pamagat ng dula ay dahil sa paglagdang
ginawa ni Apolinario Mabini. Ito ang pinakahuling paglagda na ginawa niya bago siya pumanaw.
At ang paglagdang iyon ay sumisimbolo sa pag-anib, pagsuko at pagpapasakop sa mga
Amerikano. Iyon nga ba ang dahilan ni Mabini kung bakit siya lumagda?
Bakit nga ba lumagda si Mabini? Ipinakita sa dula na siya ay ipinatapon sa Guam kasama
ang kanyang kapatid, si Artemio Ricarte na kanyang matalik na kaibigan at ilan sa mga
rebolusyonaryong nahuli tulad nila. Doon nila nalaman na matapos lamang ng dalawang buwan
ng kanilang pagkakapatapon ay lumagda na si dating pangulong Emilio Aguinaldo upang
magpasakop sa mga Amerikano. Ipinakita sa dula na tila ba nagkasagutan sina Mabini at
Aguinaldo ukol sa pasyang ginawa ni Aguinaldo. Inungkat din dito ang pagpaslang kina Bonifacio
at Luna at tinanong ni Mabini si Miyong kung may kinalaman ba siya rito ngunit hindi tuwirang
siya tuwirang sumagot bagkus ay matalinhagang sumagot na ang kanyang mga nagawa at
desisyon ay dahil lamang sa sitwasyon. Sa huli ay humingi ng tawad si Aguinaldo kay Mabini.
Pinauwi mula sa Guam sina Mabini, Ricarte at ang mga rebolusyonaryong kasama nila
lulan ng S.S. Thomas. Napuno ng kagalakan ang kanilang mga puso dahil sa wakas ay nakauwi
2. na sila sa kanilang Inang Bayan kahit hindi pa rin sila nagpapasakop sa mga Amerikano. Ngunit
sila ay nagkamali. Umakyat sa barko si Gen. Taft at sinabing hindi sila bababa sa barko hanggat
hindi sila lumalagda sa kasunduan. Kapag sila ay lumagda, Malaya na sila. Kung hindi naman,
sila ay isasakay sa lantsa patungong Hong Kong at kahit kalian ay hindi na sila maaaring bumalik
pa sa Pilipinas. Napaisip si Mabini. Kahit paaniy natulungan siyang magpasya ng nars na si
Salud. Sinabi ni Salud na marami na siyang nagawa para sa bayan. Sa panahon na iyon ay
kailangan naman ni Mabini na isipin at unahin ang kanyang sarili, hayaang iba ang lumaban at
pairalin na ang kanyang puso sa pagdedesisyon. Ang ninanais ni Mabini ay makauwi na sa
Nagtahan kayat nagpasya na siyang gawin ang huling paglagda, ang lagda na tungkol sa
pagpapasakop sa mga Amerikano ngunit kaya lamang niya nagawa ito ay dahil nais niya nang
makauwi at makapagpahinga dahil alam niyang malapit na siyang mamaalam sa kanyang Inang
Bayan. At ganun nga ang nangyari, pagkatapos ng dalawang buwan ay pumanaw na si Mabini. Si
Ricarte naman ay ipinatapon sa Hong Kong. Nagtangka siyang bumalik sa Pilipinas ngunit
ipinatapon siya ulit sa Hong Kong.
Nakatutuwang isipin na nagkaroon ng dula para kay Apolinario Mabini. Ako ay nalungkot
sa pambungad na salita ng mga karakter sa dula na kakaunti lamang ang mga impormasyong
makikita sa kasaysayan tungkol kay Mabini. Ganoon nga ang nangyari at nangyayari. Ngunit
kung babalikan natin ang nakaraan ay napakarami niyang nagawa para sa bayan. Magmula sa
paglaban sa mga Espanyol, sa paggawa ng mga panukala at batas hanggang sa paninindigan
para sa kanyang bayan hanggang sa siya ay mamatay, masasabi nating talagang isang tunay na
bayani si Mabini. Ang dulang ito ay hindi lamang nagpapakita at nagpapahayag ng pasasalamat
ngunit itinataas nito si Mabini maging ang kanyang mga nagawa para sa bayan na nararapat
lamang nating tularan, pahalagahan at alalahanin tulad ng ginagawa nating pagpapahalaga at
pag-gunita sa mga ginawa nina Rizal, Boniacio at ng iba pang mga bayani. Si Apolinario Mabini
ay hindi lamang basta isang aralitiko. Isa siyang tunay na ehemplo ng isang Pilipinong bayani,
isang Pilipinong makabayan na walang ibang hangad kundi ang ikabubuti, ikaka-ayos at
ikauunlad ng kanyang bayan.