ºÝºÝߣ

ºÝºÝߣShare a Scribd company logo
Ibalon
Epiko ng
Bikol
Ibalon
Ayon sa salaysay ni Padre Jose
Castaño sa narinig niyang kwento
ng isang manlalakbay na mang-
aawit na si Cadugnong, ang
epikong Ibalon ay tungkol sa
kabayanihan ng tatlong magigiting
na lalaki ng Ibalon na sina Baltog,
Handiong, at Bantong. Ibalon ang
matandang pangalan ng Bikol.
Bantong HandiongBaltog
Si Baltog ay
nakarating sa lupain
ng Ibalon dahil sa
pagtugis niya sa isang
malaking baboy-ramo.
Siya’y nanggaling pa sa
lupain ng Batawara.
Ibalon
Mayaman ang
lupain ng Ibalon at
doon sya nanirahan.
Siya ang kinikilalang
hari ng Ibalon.
Ibalon
Naging maunlad ang
pamumuhay ng tao.
Subalit may muling
kinatatakutan ang mga
tao, isang malaki at
mapaminsalang baboy-
ramo
na sa
tuwing
sumasapit
ang gabi ay
namiminsala
ng mga
pananim.
Si Baltog ay
matanda na upang
makipaglaban.
Tinulungan sya ng
kanyang kaibigang si
Handiong.
Ibalon
Pinamunuan ni
Handiong ang mga
lalaki ng Ibalon
upang kanilang
lipulin ang mga
dambuhalang
buwaya
Mababangis na
tamaraw
Lumilipad na mga
pating
Halimaw na
kumakain ng tao
Napatay nila ang mga
ito maliban sa isang
engkantadang
nakakapag anyong
magandang dalaga na
may matamis na tinig.
Ito si Oril.
Tumulong si
Oril sa
paglipol ng iba
pang
masasamang
hayop sa
Ibalon.
Naging payapa ang
Ibalon. Ang mga tao ay
umunlad. Tinuruan niya
ang mga tao ng maayos
na pagsasaka.
Ang mga piling tauhan
ni Handiong ay
tumulong sa kanyang
pamamahala at
pagtuturo ng maraming
bagay.
Ang sistema ng pagsulat
ay itinuro ni Sural.
Itinuro ni Dinahong
Pandak ang paggawa ng
palayok na Iluad at iba
pang kagamitan sa
pagluluto.
Si Hamblon naman ay
nagturo sa mga tao ng
paghahabi ng tela.
Si Ginantong ay
gumawa ng
kaunaunahang bangka,
araro, itak at iba pang
kasangkapan sa bahay.
Naging lalong maunlad
at masagana ang Ibalon.
Subalit may isang
halimaw na namang
sumulpot.
Siya si
Rabut.
Nagagawa
niyang bato
ang mga tao
o hayop na
kanyang
maengkanto.
May nagtangkang
pumatay sa kanya
subalit sinamang
palad na naging
bato.
Nabalitaan ito ni
Bantong at
inihandog niya ang
sarili kay Handiong
upang siya ang
pumatay kay Rabut.
Nalaman ni Bantong
na sa araw ay tulog
na tulog si Rabut.
Kanya itong pinatay
habang natutulog.
Nagalit ang Diyos sa
ginawang pataksil
na pagpatay kay
Rabut.
Diumano, masama
man si Rabut, dapat
ay binigyan ng
pagkakataong
magtanggol sa sarili.
Pinarusahan ng
Diyos ang ibalon sa
pamamagitan ng
isang napakalaking
baha.
Nasira ang mga
bahay at pananim.
Nalunod ang
maraming tao.
Nakaligtas lamang
ang ilang nakaakyat
sa taluktok ng
matataas na
bundok.
Nang kumati na ang
tubig, iba na ang
anyo ng Ibalon.
Nagpanibagong
buhay ang mga tao
ngayon sa
pamumuno ni
Bantong.

More Related Content

Ibalon