ºÝºÝߣ

ºÝºÝߣShare a Scribd company logo
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
Ito ay bukang Bibig na hango sa karanasan
ng tao at nagsisilbing patnubay sa dapat
gawin sa buhay. (Nacin et.al ). Sa anyo ,
Kadalasa’y anyong Patula na isa o dalawa ang
taludtod na may sukat at tugma
Halimbawa
1. Sa kapipili, ang nakuha ay bungi
- Ang Taong mapaghanap, hindi makuntento,
magkaminsan ay lalong minamalas
2. Ang tumilaok siyang nangitlog
- kung sino ang masalita siyang gumagawa. Ang
manok kapag tumilaok ibig sabihin nangitlog
siya. Ang tao kapag lubhang denipensahan ang
sarili, ibig sabihin may kasalanan sya.
Ito ay matalinhagang pahayag na nakatago
sa likod ng salita ang tunay na kahulugan
nito. Natututunan ang kahulugan ng idyoma
sa tulong ng maga salitang dito’y
nakapaligid. Natututuhan pa rin ang
kahulugan sa tulong ng malalim na pag-
unawa sa diwa ng pangungusap.
Gumaganda ang pangungusap sa tulong ng
idyoma dahil di nito inilalantad agad-agad
ang diwang taglay nito. Binibigyan pa rin
ang mambabasa ng pagkakataong kilitiin ang
sariling isip.
Naniningalang pugad - nanliligaw
Kabunguguang balikat - kaibigan
Di mahulugang karayom - matao
Nagbibilang ng poste - walang gawa/trabaho
Isang kahig, isang tuka - naghihirap
Alog na ang baba - matanda na
May bulsa sa balat - kuripot
Nagtataingang kawali - bingi
Di maliparang uwak - malawak
Balat-sibuyas - sensitibo
Makabagbag damdamin - Nakakalungkot
Pagsweldo ng tulisan - di mangyayari
Magmamahabang dulang- mag-aasawa
Anumang pahayag ay gumaganda kung
katuwang nito’y mga tayutay sa iba’t ibang uri nito.
Patutulad / Simili- Ang Paghahambing ng dalawang
bagay sa tulong ng mga salitang pahambing sa
masining na pahayag.
Halimbawa:
Simputi ng labanos ang binti ni Adela.
Ang ugali niya’y kawangis ng asong ulol
Pagwawangis / Metapor- Ang Paghahambing ng
dalawang bagay o tao na di ginagamitan ng anumang
salitang pahambing. Tahasang binabanggit ang
salitang katulad ng isang bagay o anumang
inihahambing sa pinaghahambingan.
Halimbawa:
Labanos ang binti ni Adela.
Ang ugali niya’y asong ulol.
Personipikasyon – Ito ang uri ng tayutay na ang
bagay na walang buhay ay mistulang may buhay sa
tulong ng pandiwa. Dito, Pandiwa na kadalasang
ginagamit sa tao upang ilarawan sa bagay upang
mag – anyong may buhay.
Halimbawa:
Lumalakad ang ulap sa kalawakan.
Tumatangis ang ulap sa kalawakan.
Paurintao - Uri ng tayutay na ang bagay na walang
buhay ay mistulang may buhay sa tulong ng pang-
uri. Ang pang – uring gamit ay pantao sa ikakapit sa
bagay kaya ang bagay na inilalarawan ay waring may
buhay na’t gumagalaw.
Halimbawa:
Ang masinop kong sapatos, palagi akong dala-dala.
Ang matalino kong bolpen di pa ako binibigo.
Sinekdote - Uri ng tayutay na tumutukoy sa isang
bahagi upang tukuyin ang kabuuan. Maaring bahagi
ng katawan ng isang tao o bahagi ng bahay na kahit
bahagi lang ang banggitin, tumutukoy na ito sa
kalahatan.
Halimbawa:
Huwag na huwag kang tutuntong sa aming hagdan.
Sampung mga kamay ang nagtulong – tulong sa
pagbuo ng proyekto.
Oksimoron – sa Uring ito ng tayutay palasak na
gumagamit ng dalawang salitang magkasalungat
ang kahulugan upang ipahayag ang diwa ng
pangungusap. Dalawang salitang maaaring positibo
o negatibo ang hatid na kahulugan.
Halimbawa:
Hihiga’t babangon siya sa pag- aalala.
Lakad- takbo siya sa paghahanap ng nawawalang
anak.
Metonimya – Ang Pagtukoy sa isang salita o pahayag
upang katawanin ang isang bagay o pangngalan. Sa
halip na payak o simpleng salita ang tukuyin,
pinapalitan ito ng salitang matalinghaga.
Halimbawa:
Ang ina ng bansang Pilipinas ay maliit sa sukat
ngunit malaki ang puso.
Ilaw siya sa karimlan ng mga taong naguguluhan.
Pagtawag – Ang bagay na abstrak, walang buhay at
hindi nakikita ay kinakausap o tinatawag na parang
may buhay at nakikita. Ang pagtawag sa salitang
abstrak ay may himig ng pagnanais o ng parang
hinanakit.
Halimbawa:
Kaligayahan kay ilap- ilap mo.
Ulap iduyan mo ako.
Paradoks - Katumbas ito ng mga salawikain o
sawikain, nagbibigay – aral at puno ng
kagandahang asal. Madalas, nagsisilbing
pampaalala sa nakakalimot ng kagandahang asal.
Halimbawa:
Kung may isinuksok may madudukot.
Ang di lumingon sa pinanggalingan di makararating
sa paroroonan.
Paglumanay / Eupemismo – Ang orihinal na
katawagan ay pinagagaan sa kahulugan , sa
pagpapalit ng katawagan upang di maging mabigat
sa pandinig o damdamin ng iba ang sitwasyon.
Halimbawa:
Iginupo ang puri ( ginagahasa ) ng batang iyan ng
kanyang kadugo.
Iba ang tabas ng mukha nya ( Pangit o Maganda )
sa mga kapatid.
Pag-uyam/ Ironiya – Ito ang pagtukoy sa
kabaliktaran ng katotohanan na may pangungutya.
Ginagawa ang pag-uyam upang di tahasang
ipamukha ang tunay na negatibong kahulugan ng
pangyayari.
Halimbawa:
Ang ganda ng damit mo para kang manang.
Ang ganda ng mga grades mo, karamiha’y bagsak.
Hiperbole / Eksaherasyon – Sobra sa dapat o sa
katotohanan ang binabanggit na pahayag. Kung
susuriin ang diwa ng pahayag animo’y may
pagyayabang na nais ipangalandakan.
Halimbawa:
Bumaha ng pera sa amin nang dumating ang tatay
galling Saudi.
Wala akong pakialam kahit ikaw na lamang ang
lalaki sa mundo.
Onomatopeya – Ang tunog o himig ng salita ay
nagpapahiwatig ng kahulugan nito. Sa bagay na
ito, Lubhang kailangang sensitibo sa tunog ng
salita ang nakikinig upang maiugnay sa tinutukoy.
Halimbawa:
Dinig na dinig ko ang langitngit ng kawayan.
Ang kalabog ng martilyo ay napakalakas.
Aliterasyon – Ang pag-uulit ng tunog- katinig sa
simulang titik sa mga salita sa loob ng pahayag.
Pare-Parehong tunog ng katinig ng simulang titik
ang karamihan ng mga salita sa loob ng
pangungusap ang tinutukoy.
Halimbawa:
Si Berto ay bababa ng bahay bukas ng bukang
liwayway.
Katulong, Katuwang , Kabalikat sa karamihan ng
kinamulatan.
Asonansya - Ang maraming pag- uulit ng
magkaparehong tunog – patinig sa simulang titik ng
mga salita sa loob ng pahayag. Dito’y pare-
parehong naming titik ng patinig ang simula ng
karamihan nga mga salita sa loob ng pangungusap.
Halimbawa:
Aalis ako anak sa aking anyong aninag ang
kasiyahan.
Isinilang sa ilang ang isang inakay ng inang bayan.
Alusyon - Ang pag – alalang muli sa kaalamang
patuloy na naiimbak sa likod ng utak ng taong may
pinag-aralan. Kabilang ang mga ito sa ating wikang
frozen na naaalala’t nagagamit sa panahong
talagang kailangan. Ito ang mga salitang kapag
nabanggit , agad matutukoy kung nasa kategoryang
literature, mitolohiya o bibliya.
Alusyon sa Heograpiya – sa pangungusap ay
may binabanggit na nauukol ang kaisipan sa
heorapiya.
Halimbawa:
Mt. Mayon ang Mt. Fuji ng Pilipinas.
Lungsod ng Baguio ang Amerika ng Pilipinas.
Alusyon sa Literatura may binabanggit sa
pangungusap na tinutukoy din sa literature n
a isang kilalang tao o pangyayari.
Halimbawa:
Wala na yatang Maria Clara sa panahong
kasalukuyan.
Marami pa ring Dona Victoria ang nakakalat
sa lipunan.
Alusyon sa Mitohiya – tauhan o pangyayaring
bahagi ng mitolohiya ang nasa loob ng
pahayag.
Halimbawa:
Adonis sa laki ng katawan ang mga lalaking
nag-eehersisyo sa tuwi-tuwina
Ang Kapalaran niya’y Oedipus Rex.
Alusyon sa Bibliya - ang ginagamit na
pangalan ng tao o pangyayari sa akda ay
hango sa bibliya .
Halimbawa:
Ang tiwala’t pagmamahal sa kanyang asawa’y
walang iniwan kay Jose na asawa ni Maria
Walang Iniwan kay Job ang Naging kapalaran
niya.

More Related Content

Iba’t ibang mga matalinghagang salita

  • 2. Ito ay bukang Bibig na hango sa karanasan ng tao at nagsisilbing patnubay sa dapat gawin sa buhay. (Nacin et.al ). Sa anyo , Kadalasa’y anyong Patula na isa o dalawa ang taludtod na may sukat at tugma Halimbawa 1. Sa kapipili, ang nakuha ay bungi - Ang Taong mapaghanap, hindi makuntento, magkaminsan ay lalong minamalas 2. Ang tumilaok siyang nangitlog - kung sino ang masalita siyang gumagawa. Ang manok kapag tumilaok ibig sabihin nangitlog siya. Ang tao kapag lubhang denipensahan ang sarili, ibig sabihin may kasalanan sya.
  • 3. Ito ay matalinhagang pahayag na nakatago sa likod ng salita ang tunay na kahulugan nito. Natututunan ang kahulugan ng idyoma sa tulong ng maga salitang dito’y nakapaligid. Natututuhan pa rin ang kahulugan sa tulong ng malalim na pag- unawa sa diwa ng pangungusap. Gumaganda ang pangungusap sa tulong ng idyoma dahil di nito inilalantad agad-agad ang diwang taglay nito. Binibigyan pa rin ang mambabasa ng pagkakataong kilitiin ang sariling isip.
  • 4. Naniningalang pugad - nanliligaw Kabunguguang balikat - kaibigan Di mahulugang karayom - matao Nagbibilang ng poste - walang gawa/trabaho Isang kahig, isang tuka - naghihirap Alog na ang baba - matanda na May bulsa sa balat - kuripot Nagtataingang kawali - bingi Di maliparang uwak - malawak Balat-sibuyas - sensitibo Makabagbag damdamin - Nakakalungkot Pagsweldo ng tulisan - di mangyayari Magmamahabang dulang- mag-aasawa
  • 5. Anumang pahayag ay gumaganda kung katuwang nito’y mga tayutay sa iba’t ibang uri nito. Patutulad / Simili- Ang Paghahambing ng dalawang bagay sa tulong ng mga salitang pahambing sa masining na pahayag. Halimbawa: Simputi ng labanos ang binti ni Adela. Ang ugali niya’y kawangis ng asong ulol Pagwawangis / Metapor- Ang Paghahambing ng dalawang bagay o tao na di ginagamitan ng anumang salitang pahambing. Tahasang binabanggit ang salitang katulad ng isang bagay o anumang inihahambing sa pinaghahambingan. Halimbawa: Labanos ang binti ni Adela. Ang ugali niya’y asong ulol.
  • 6. Personipikasyon – Ito ang uri ng tayutay na ang bagay na walang buhay ay mistulang may buhay sa tulong ng pandiwa. Dito, Pandiwa na kadalasang ginagamit sa tao upang ilarawan sa bagay upang mag – anyong may buhay. Halimbawa: Lumalakad ang ulap sa kalawakan. Tumatangis ang ulap sa kalawakan. Paurintao - Uri ng tayutay na ang bagay na walang buhay ay mistulang may buhay sa tulong ng pang- uri. Ang pang – uring gamit ay pantao sa ikakapit sa bagay kaya ang bagay na inilalarawan ay waring may buhay na’t gumagalaw. Halimbawa: Ang masinop kong sapatos, palagi akong dala-dala. Ang matalino kong bolpen di pa ako binibigo.
  • 7. Sinekdote - Uri ng tayutay na tumutukoy sa isang bahagi upang tukuyin ang kabuuan. Maaring bahagi ng katawan ng isang tao o bahagi ng bahay na kahit bahagi lang ang banggitin, tumutukoy na ito sa kalahatan. Halimbawa: Huwag na huwag kang tutuntong sa aming hagdan. Sampung mga kamay ang nagtulong – tulong sa pagbuo ng proyekto. Oksimoron – sa Uring ito ng tayutay palasak na gumagamit ng dalawang salitang magkasalungat ang kahulugan upang ipahayag ang diwa ng pangungusap. Dalawang salitang maaaring positibo o negatibo ang hatid na kahulugan. Halimbawa: Hihiga’t babangon siya sa pag- aalala. Lakad- takbo siya sa paghahanap ng nawawalang anak.
  • 8. Metonimya – Ang Pagtukoy sa isang salita o pahayag upang katawanin ang isang bagay o pangngalan. Sa halip na payak o simpleng salita ang tukuyin, pinapalitan ito ng salitang matalinghaga. Halimbawa: Ang ina ng bansang Pilipinas ay maliit sa sukat ngunit malaki ang puso. Ilaw siya sa karimlan ng mga taong naguguluhan. Pagtawag – Ang bagay na abstrak, walang buhay at hindi nakikita ay kinakausap o tinatawag na parang may buhay at nakikita. Ang pagtawag sa salitang abstrak ay may himig ng pagnanais o ng parang hinanakit. Halimbawa: Kaligayahan kay ilap- ilap mo. Ulap iduyan mo ako.
  • 9. Paradoks - Katumbas ito ng mga salawikain o sawikain, nagbibigay – aral at puno ng kagandahang asal. Madalas, nagsisilbing pampaalala sa nakakalimot ng kagandahang asal. Halimbawa: Kung may isinuksok may madudukot. Ang di lumingon sa pinanggalingan di makararating sa paroroonan. Paglumanay / Eupemismo – Ang orihinal na katawagan ay pinagagaan sa kahulugan , sa pagpapalit ng katawagan upang di maging mabigat sa pandinig o damdamin ng iba ang sitwasyon. Halimbawa: Iginupo ang puri ( ginagahasa ) ng batang iyan ng kanyang kadugo. Iba ang tabas ng mukha nya ( Pangit o Maganda ) sa mga kapatid.
  • 10. Pag-uyam/ Ironiya – Ito ang pagtukoy sa kabaliktaran ng katotohanan na may pangungutya. Ginagawa ang pag-uyam upang di tahasang ipamukha ang tunay na negatibong kahulugan ng pangyayari. Halimbawa: Ang ganda ng damit mo para kang manang. Ang ganda ng mga grades mo, karamiha’y bagsak. Hiperbole / Eksaherasyon – Sobra sa dapat o sa katotohanan ang binabanggit na pahayag. Kung susuriin ang diwa ng pahayag animo’y may pagyayabang na nais ipangalandakan. Halimbawa: Bumaha ng pera sa amin nang dumating ang tatay galling Saudi. Wala akong pakialam kahit ikaw na lamang ang lalaki sa mundo.
  • 11. Onomatopeya – Ang tunog o himig ng salita ay nagpapahiwatig ng kahulugan nito. Sa bagay na ito, Lubhang kailangang sensitibo sa tunog ng salita ang nakikinig upang maiugnay sa tinutukoy. Halimbawa: Dinig na dinig ko ang langitngit ng kawayan. Ang kalabog ng martilyo ay napakalakas. Aliterasyon – Ang pag-uulit ng tunog- katinig sa simulang titik sa mga salita sa loob ng pahayag. Pare-Parehong tunog ng katinig ng simulang titik ang karamihan ng mga salita sa loob ng pangungusap ang tinutukoy. Halimbawa: Si Berto ay bababa ng bahay bukas ng bukang liwayway. Katulong, Katuwang , Kabalikat sa karamihan ng kinamulatan.
  • 12. Asonansya - Ang maraming pag- uulit ng magkaparehong tunog – patinig sa simulang titik ng mga salita sa loob ng pahayag. Dito’y pare- parehong naming titik ng patinig ang simula ng karamihan nga mga salita sa loob ng pangungusap. Halimbawa: Aalis ako anak sa aking anyong aninag ang kasiyahan. Isinilang sa ilang ang isang inakay ng inang bayan. Alusyon - Ang pag – alalang muli sa kaalamang patuloy na naiimbak sa likod ng utak ng taong may pinag-aralan. Kabilang ang mga ito sa ating wikang frozen na naaalala’t nagagamit sa panahong talagang kailangan. Ito ang mga salitang kapag nabanggit , agad matutukoy kung nasa kategoryang literature, mitolohiya o bibliya.
  • 13. Alusyon sa Heograpiya – sa pangungusap ay may binabanggit na nauukol ang kaisipan sa heorapiya. Halimbawa: Mt. Mayon ang Mt. Fuji ng Pilipinas. Lungsod ng Baguio ang Amerika ng Pilipinas. Alusyon sa Literatura may binabanggit sa pangungusap na tinutukoy din sa literature n a isang kilalang tao o pangyayari. Halimbawa: Wala na yatang Maria Clara sa panahong kasalukuyan. Marami pa ring Dona Victoria ang nakakalat sa lipunan.
  • 14. Alusyon sa Mitohiya – tauhan o pangyayaring bahagi ng mitolohiya ang nasa loob ng pahayag. Halimbawa: Adonis sa laki ng katawan ang mga lalaking nag-eehersisyo sa tuwi-tuwina Ang Kapalaran niya’y Oedipus Rex. Alusyon sa Bibliya - ang ginagamit na pangalan ng tao o pangyayari sa akda ay hango sa bibliya . Halimbawa: Ang tiwala’t pagmamahal sa kanyang asawa’y walang iniwan kay Jose na asawa ni Maria Walang Iniwan kay Job ang Naging kapalaran niya.