1. ICT Aralin 10
ANG COMPUTER FILE
SYSTEM
CATHY PRINCESS R. BUNYE
Teacher
PAETE ELEMENTARY SCHOOL
2. KAYA MO NA BA?
Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman o kasanayan? Tsekan
() ang thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang thumbs down icon
kung hindi pa.
• Naipaliliwanag ang konsepto ng computer file
system
• Nakagagawa ng folder at subfolder
• Nakakapag-save ng file sa folder
• Nakapagdedelete ng di-kailangang folder o file
• Naisasaayos ang files gamit ang computer file
system
3. Gawain A: Tingnan ang larawan at basahin
ang sumusunod na talata
ANG MASINOP NA SI MARTHA
4. Masinop na mag-aaral si Martha. May
kani-kaniyang lalagyan ang lahat ng
kaniyang gamit sa pag-aaral. Maayos na
nakalagay sa kaniyang mesa ang
kaniyang mga aklat. Mayroon din siyang
kahon para sa kanyang mga aklat.
Mayroon din siyang kahon para sa
kaniyang mga gamit na panulat,
pangguhit, pangkulay, at iba pa.
5. Sagutin ang mga tanong na ito:
• Paano naisasaayos nang mabuti
ni Martha ang kaniyang mga gamit
sa pag-aaral?
• Bakit mahalaga ang maging
masinop sa mga gamit at papeles
sa pag-aaral?
6. Ang Computer File System
Ang computer file system ay ang nagsasaayos ng files at datos
sa computer sa paraan na madali itong mahanap at ma-access.
Ang mga hard disk, CD-ROM,flash drives, at iba pa ay mga
storage devices o imbakan na maaaring gamitin upang
maingatan ang kopya ng mga files.
7. Mga soft copy ng files ang inaayos at
iniimbak sa computer file system. Tandaan
na may dalawang uri ng files- ang soft copy
at ang hard copy.
SOFT COPY- Ito ang mga elektronikong files
na nabubuksan gamit ang computer at
application software. Maaari itong maging
word document, spreadsheet, presentation,
mga litrato, at mga audio at video files.
8. Hard copy- Ito ang dokumento o imaheng
nakasulat o nakaimprenta sa papel.
Lahat ng files sa ating computer ay may
filename. Ang filename ay ang pangalan na
ginagamit upang madaling malaman ang isang
computer file na naka save sa computer. Kung
tayo ay gagawa ng dokumento, dapat bigyan ng
makabuluhang filename ang isang dokumento.
9. Ang mga file ay maaaring i-save sa mga folder at
sub-folder. Naisasaayos ang pagsave ng file at
napapadali ang paghahanap kung kakailanganin
itong muli. Ang computer file address ang
kumpletong pathway kung saan makikita ang naka
save na file. Ito ay binubuo ng sumusunod na
bahagi.
C:/Users/neo/Documents/PERSONAL FILES/Exercise for a Healthy
10. 1.Device- Ito ang hardware device o drive (Local disk,
Universal Serial Bus-USB Flash Drive,atbp) kung saan
nakasave ang file.
2.Directory o Folders- Ito ay partikular na lalagyan ng mga
files. Maaari itong magkaroon ng mga sub-folders, base sa
uri ng files.
3.Filename- ang natatanging pangalan ng isang computer file.
4.File extension- tumutukoy sa uri ng computer file,
halimbawa: Microsoft word file(.doc o .docx), Microsoft Excel
File(xls o .xlsx) at Microsoft Powerpoint Presentation (.ppt o
.pptx).
11. MGA URI NG FILES
May iba’t-ibang uri ng files na maaaring i-save sa
computer.
1.Document files ( mga files na gawa sa pamamagitan
ng software para sa mga word processing, electronic
spreadsheet, desktop publishing, at iba pang
productivity tools
2.Image files
3.Audio files
4.Program files- ginagamit bilang pang install ng mga
application at system files.
12. Ang sumusunod na pamamaraan ay makatutulong
upang matutuhan ang mga kasanayan sa computer file
system.
Gawain A: Paggawa ng Folder
1. I- on ang iyong computer
2. I-click ang start button na makikita sa taskbar at piliin ang
Documents
3. I-click ang organize button na makikita sa toolbar sa itaas,at
kaliwa ng screen.
4. I-click ang New Folder. Pansinin na magkakaroon ng bagong
folder. Kung di mo makikita ang organize button,i-click ang New
Folder na makikita malapit sa organize button
13. •5. I-click ang New Folder. Pansinin na magkakaroon
ng bagong folder. Kung di mo makikita ang
organize button,i-click ang New Folder na makikita
malapit sa organize button
•6. I-Type sa kahon sa ilalim ng folder ang iyong
pangalan o pangalan ng inyong grupo. Ito ang
magiging Folder Name. Halimbawa A. Antonio o
Group 1A.
•7. I-press ang Enter sa keyboard.
•Mayroon ka na ngayong folder kung saan puwede
kang mag save ng files.
14. Gawain B: Paggawa ng Subfolder
1.Buksan ang ginawang folder sa pamamagitan ng
double click o pag-click dito nang dalawang beses.
2.Gawin ang hakbang 4-5 sa Gawain A upang
makagawa ng isang subfolder sa loob ng folder na
una mong ginawa.
3.Tingnan na magkakaroon muli ng bagong folder. I-
type ang Mga Gawain bilang pangalan nito.
4.I-press ang Enter sa Keyboard
15. Ngayon, mayroon ka nang subfolder sa loob ng iyong folder.
Makakatulong ang folders at subfolders upang madaling
mahanap ang mga nai-save na files.
Gumawa ng isa pang folders sa loob ng unang folder na
ginawa.Sundan ang ma hakbang na nabanggit sa itaas.Pangalan
itong MGA LARAWAN.
Magkakaroon ka ng dalawang subfolders sa loob ng iyong main
folders
(maaring nakapangalan iyo o sa iyong pangkat)
16. GAWAIN C:PAG-SAVE NG MGA FILE SA FOLDER AT SUBFOLDER(OPTIONAL)
Matapos matutuhan ang paggawa ng folders at subfolders,subukin namang mag
save ng files sa mga ito.Sundan ang sumusunod na pamamaraan:
1.I-click ang start button na makikita sa task bar at piliin ang ALL PROGRAMS.
2.I-click ang ACCESSORIES folder at piliiin ang NOTEPAD.
3.Magbubukas ang NOTEPAD application gaya ng nasa larawan.
Ang NOTEPAD ay isang text editing tool na kasama sa MicrosoftWindows.Pwede
itong gamitin sa paggawa ngWeb Pages gamit ang HTML CODING.Sa pagkakataong
ito,
Gagamitin lamang ang NOTEPAD sa paggawa ng text tile.
4.I-type ang sumusunod sa binuksang Notepad window:
Ako sikami sina_____________________________________________________
Ako/Kami ay masaya dahil_____________________________________________
17. 5.I-click ang File option na makikkta sa menu bar ng Notepad
window.
6.Piliin ang Save As Command.
7.Bubuksan ang Save As dialog box.I –type sa Filename box ang
Sample File.
8.Sa kanang bahagi ng dialog box.hanapin ang sariling folder na
naka save sa Documents folder,I-double click ang folder at I-double
click ang folder na MGA GAWAIN upang buksan ito tulad ng nasa
larawan.
9.I-click ang save button.
10.Tiyakin nai-save nang tama ang file.Maari mo itong tingnan sa
folder na iyong ginawa,
18. • GAWAIN D: Pag Copy at Paste ng File sa Folder
Sundan ang sumusunod na proseso sa pag-copy at paste ng file sa
iyong folder.
1. I click ang start button na makikita sa task bar
2. I-click ang pictures folder
3. Bubukas ang Picture folder. Pumili ng larawan sa Sample Picture
Folder.
4. I-click ang Organize button na makikita sa Menu Bar ng Folder.
5. Piliin ang copy. Ginagamit ang Copy command upang gumawa ng
iba pang kopya ang isang File.
19. 6. Buksan ang folder ng mga larawan na ginawa mo sa
Gawain B sa loob ng iyong main folder. I-click muli ang
organize command sa Menu bar at piliin ang Paste. Ang
Paste command ay ginagamit upang ilagay ang kinopyang
file sa Folder na nais mong paglagyan.
7. Magkakaroon ngayon ng larawan sa loob ng subfolder
na Mga Larawan.
20. Gawain E. PaG-Delete ng File
Maari ring mag delete o magtangal ng files o folders na di na kailangan.
Sundan ang prosesong sumusunod:
1. Buksan ang subfolder ng Mga Larawan.
2. I-click ang larawang naka save.
I-click ang Organize Button na makikita sa Menu Bar ng folder at
piliin ang Delete command
May lalabas na dialog box na may tanong kung sigurado kang
gusto mong i-delete ang file. I click ang Yes kung sigurado ka na o
ang No kung hindi mo pala ito gustong burahin.
21. 3. Kapag na delete na ang larawan,mawawala ito sa folder
at mapupunta ito sa Recycle Bin kung saan maaari mo
itong i-restore kung nais mong ibalik ito sa folder.
22. Ang files sa computer ay dapat na maisaayos at mai-save
upang madali itong ma-access. Kailangang bigyan ng isang
angkop at natatanging filename ang bawat isa at mai-save ito
sa tamang folder o sub-folder. Maaari din tayong mag-delete
ng mga folder o file na hindi na kailangan upang makatipid ng
espasyo sa ating storage device.
Ang computer file system ay isang sistema na dapat
matutuhan upang maisaayos ang mga nagawang dokumento
at ang impormasyong nakokolekta.
23. Gawain F: Paggawa ng Subfolders
Sa pamamagitan ng mga kasanayang natutuhan tungkol sa
pagsasaayos ng files sa tulong ng computer file system, gumawa ng
tatlong folder na gamit ang mga pangalang sumusunod:
Folder 1:Word Processing
Folder 2: Electronic Spreadsheet
Folder 3: Graphic Editing
Ilagay ang folders na ito sa loob ng Subfolders na Mga Gawain.
24. Gawain G: Paglilipat ng Files sa Ibang Folder
Maghanap ng dalawa hanggang tatlong image files
mula sa isang Folder ng computer na iyong ginagamit.
Ilipat ang mga ito sa iyong subfolders na Graphic
Editing gamit ang cut at paste commands.
25. SUBUKIN MO!!
Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
1. Ito ay isang pamamaraan ng pag-save at pagsasaayos ng mga
computer fies at datos para mapadali itong mahanap at ma-
access.
a. Filename c. File format
b.Computer File System D. Soft copy
2. Ito ang mga elektronikong files na mabubuksan natin gamit ang
ating computer at application software.
a. Soft copy c. Device
b. Folder d. Hard Copy
26. • 3. Ang bukod-tanging pangalan na ibinibigay sa isang computer file na
naka-save sa file system.
a. Filename c. Device
b. File location d. Directory
4.Tumutukoy ito sa isang uri ng computer file.
a. Filename c. File location
b. File extension d. File host
5. Paraaan upang makatiyak na nailagay ang file sa computer system para
madali itong ma-access kung kinakailangan
a. Pagkatapos gawin ang document file ay i-save ito sa tamang folder
b. Bigyan ng Filename na madaling tandaan at kaugnay sa dokumentong
nagawa.
c. Buksan ang Folder upang siguraduhing nai-save ang file
d. Lahat ng nabanggit.
27. KAYA MO NA BA?
Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman o
kasanayan? Tsekan () ang thumbs up icon kung
taglay mo na ito o ang thumbs down icon kung hindi
pa.
• Naipaliliwanag ang konsepto ng computer file system
• Nakagagawa ng folder at subfolder
• Nakakapag-save ng file sa folder
• Nakapagdedelete ng di-kailangang folder o file
• Naisasaayos ang files gamit ang computer file system
28. PAGYAMANIN NATIN
Kahalagahan ng Computer File System
Magsagawa ng panayam sa limang 5 taong nagtratrabaho sa
opisina. Alamin kung paano nila nagagamit ang computer file
system sa kanilang mga gawain sa opisina. Gamitin ang
sumusunod ba tanong:
1. Bakit kailangang matutuhan ang kasanayan sa
pagsasaayos ng mga files gamit ang computer file system?
2. Sa paanong paraan nagagamit ang computer file system
upang mas maging produktibo sa trabaho?