2. Mesopotamia Nagmula sa mga salitang
Griyego na meso na ang ibig sabihin ay
pagitan at potamos o ilog. Sa makatuwid,
ang Mesopotamia ay literal na
nangangahulugang lupain sa pagitan ng mga
ilog.
Ang Mesopotamia ang itinuturing na lunduyan
ng kabihasnan (cradle of civilizations).
Mahalaga ang Mesopotamia sa kasaysayan ng
daigdig sa kadahilanang ang lugar na ito ay
pinamalagian at sinakop ng ilang
matatandang kabihasnan.
3. Kabilang sa mga ito ang mga Sumerian,
Akkadian, Babylonian, Assyrian at
Persian. Samantala, ang mga Hittite at
Elamite ay nagtangka ring sakupin ang
lupaing ito. Ang mga panulat na nagmula
rin sa lugar na tio ay ang syan itinuturing
na kauna-unahan sa buong daigdig.
4. Ang Mesopotamia ay matatagpuan sa pagitan
ng mga ilog na Tigirs at Euphrates.
5. Ang Mesopotamia ay matatagpuan sa rehiyon
ng Fertile Crescent. Ito ay isang paarkong
matabang lupain na nagsisimula sa Persian
gulf hanggang sa silangang baybayin ng
Mediterranean Sea. Wala itong likas na
hangganan kung kaya mahirap itong
ipagtanggol sa ibang mananakop.
Uruk Itinuturing na isa sa kaunaunahang
lungsod sa daigdig na umusbong mula sa
Mesopotamia mahigit 4500 BCE na ang
nakakalipas.
6. Sa pagtatapos ng Panahong Neolitiko, ang
mga nomadikong mamamastol ay namalagi
sa katimugang bahagi ng Mesopotamia at
nagsimulang mamuhay sa pamamagitan ng
pagsasaka.
Noong una, ang mga Sumerian ay
namumuhay sa paraang nomadiko. Ang
nomadikong pamumuhay ay tumutukoy sa
gawi ng mga tao o pangkat ng tao na kung
saan sila ay nagpapalipat-lipat ng tirahan
kung kinakailangan.
7. Ang mga latiang malapit sa bunganga ng
mga ilog ng Tigris at Euphrates ay nagsilbing
panginainan ng kanilang mga pinapastol na
hayop at pinagmumulan ng mga isda. Naging
posible din ang pagsasaka dahil sa tubig na
nagmumula sa mga latian.
8. Sa kalaunan, ang mga Sumerian ay lumikha
ng mga istruktura gaya ng mga dam, dike
upang maiwasan ang pagbaha at mga kanal
na pang-irigasyon sa tuyong bahagi ng lupa
9. 3500 B. C. E. Nagsimulang tumungo ang
mga nomadikong Sumer sa mga lupang
sakahan mula sa mga kabundukan. Sila ay
nakihalubilo sa mga naunang nagsasakang
tao sa Mesopotamia at di nagtagal, ang
katimugang bahaging iyon ng Mesopotamia
ay tinawag na Sumer.
10. Dumami ang mga pamayanan sa tabi ng ilog
hanggang sa humantong ito sa pagkakabuo
ng 12 lungsod-estado na pinamumunuan ng
isang lugal o hari.
Ang bawat lungsod-estado ay may sariling
lupang sakahan na nakapaligid dito, sariling
pamahalaan at malaya sa iba pang lungsod-
estado. Ang ilan sa mga kilalang lungsod na
ito ay:Eridu, Kish, Lagash, Uruk, Ur at Nippur.
Matatagpuan sa bawat lungsod-estadong ito
ang isang templo na tinatawag na ziggurat.
11. Ang mga ziggurat ay nagsisilbing tahanan at
templo ng patron o diyos ng isang lungsod.
12. Naitala ng mga Sumerian ang mga kaganapan sa
kanilang lipunan sa pamamagitan ng kanilang
sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform na
ang ibig sabihin ay hugis sinsel o wedged-shaped.
13. Ang ilan sa mga mahahalagang ambag ng
mga Sumer sa ating kabihasnan ay ang gulog
at ang araro. Gayundin ang pagkakaroon ng
sistemang irigasyon na naging dahilan upang
matustusan ang pangangailangan sa pagkain
ng lumalaking populasyon.
14. Noong 2350 B.C.E., sinakop ni
Sargon I (2334 B.C.E.-2279
B.C.E.) ang mga lungsod-
estado at itinatag ang kauna-
unahang imperyo sa daigdig.
Si Sargon I ay mula sa
hilagang bahagi ng
Mesopotamia sa lungsod ng
Akkad o Agade. Dahildito,
angkauna-unahang imperyo
sa daigdig ay tinawag na
Akkadian.
15. Sa pamumuno ng mga anak ni Sargon I kalaunan,
ang imperyong itinatag niya ay tumagal lamang
ng 150 taon. Ang isa sa pinakahuling mahusay
na pinuno ng mga Akkadian ay si Naram-Sin
(2254 B.C.E.-2218 B.C.E.).
Sa pagbagsak ng mga Akkadian at pagkaligalig
ng Mesopotarnia, ang mga lungsod sa katimugan
ay nagsimulang isulong muli ang kanilang
pagiging malaya. Pangunahin sa mga lungsod na
ito ay ang Ur. Sa ilalim ni Ur- Nammu (2112
B.C.E.-2095 B.C.E.), ang lungsod na ito ay naging
kabisera ng isang imperyong kumalaban sa mga
Akkadian.
Noong 2100 B.C.E., panandaliang nabawi ng Ur
ang kapangyarihan nito at pinamunuan ang
Sumer at Akkad.
16. Sa ilalim ng pamumuno ng apo ni Ur-Nammu
na Si Ibbi-Su (2028 B.C.E. - 2004 B.C.E.), ang
Ur ay bumagsak sa pagdating ng mga
Amorite at Hurrian sa Mesopotamia.
Sa bob ng sumunod na tatlong siglo, ang
mga lungsod sa katimugan, partikular ang
Isin at Larsa, ay nagtunggalian .upang
makontrol ang rehiyon.
17. Ang lungsod ng Babylon ay nagsimulang
lumakas na humantong sa pagsakop ng
Mesopotamia at paghahari ni Hammurabi
mula 1792 hanggang 1750 B.C.E.
Aug Babylon ay naging kabisera ng
Imperyong Babylonia. Sa panahon ng kanyang
paghahari, nasakop niya ang mga kaharian sa
hilaga, kabil叩ng na ang mga pinuno ng
kahariang Ashur.
18. Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi,
na mas kilala bilang Code of Hammurabi o
Batas ni Hammurabi, ay isang napaka-
halagang ambag ng mga sina端nang tao sa
kabihasnan.
19. Noong 1595 B.C.E., sinalakay ng mga Hittite
mula sa Anatolia ang Babylon. Matagumpay
sila at nakuha nila ang estatwa ni Marduk, ang
patron ng Babylon.
Matapos ang mahabang panahon,
pinaniniwalaang ang mga Kassite na naghahari
sa Babylon at ang kaharian ng Hurrian sa
Mitanni sa hilaga ang namayani sa
Mesopotamia.
Ang kaalaman ukol sa mga Kassite at Hurrian
ay mula sa mga tala ng New Kingdom sa Egypt
at Hittite ng Anatolia.
20. Noong 1350 B.C.E., ang Mitanni ay bumagsak
dahil sa patuloy na panggigipit ng mga Hittite
sa kanluran.
Ang mga Hittite ay orihinal na nagmula sa
hilagang-silangang bahagi ng Black Sea.
Lumisan sila at nanirahan sa kasakuluyang
Turkey. Napatanyag sila sa pagmimina ng
iron ore at paggawa ng mga kagamitang
bakal.
21. Noong 2350 B.C.E., sinakop ni Sargon I (2334
B.C.E.-2279 B.C.E.) ang mga lungsod-estado
at itinatag ang kauna-unahang imperyo sa
daigdig.
Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng
Mesopotamia sa lungsod ng Akkad o Agade.
Dahildito, angkauna-unahang imperyo sa
daigdig ay tinawag na Akkadian.