2. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang
pandaigdigang labanan na nagsimula noong Hulyo
7, 1937 sa Asya at Setyembre 1, 1939 sa Europa.
Natapos ito hanggang 1945, at nasangkot ang
karamihan ng mga bansa sa daigdig at
bawat kontinente na may naninirahan. Tinuturing ito
na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong
labanan sa kasaysayan ng sangkatauhan.Maaalalang
ang mga bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng
napakaraming pwersang militar upang lupigin ang
bawat kalaban.
3. Dahilan ng Digmaan
Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay
nagtapos sa pagkatalo ng Alemanya
noong 1918. Naniwala ang mga Aleman
na sila ay hindi makatarungang sinisi sa
digmaan. Sila ay ginamit pambayad ng
pera sa Britanya at Pransya na nagwagi sa
digmaan.
4. Ang mga Hapones ay
tumulong talunin ang
Amerika. Naramdaman
nila na karapatan nilang
magpalawak ng
kapangyarihan sa Asya.
Ngunit pinigilan sila
ng Pinag-isang
Kaharian at Estados
Unidos.
5. Pagsikat ng mga Diktador
Noong mga 1930, sinimulan ng mga
pinunong militar ng Hapon ang pananakop sa
mga bahagi ng Tsina at iba pang bansang
Asyano. Nasakop ng Hapon
ang Manchuria noong 1931. Nang malaman
ito ng League of Nations, umalis ang Hapon
at lumawak ang imperyo sa labas ng bansa.
Ang Alemanya ay napasakamay ng
partidong Nazis noong 1933.
6. Ang kanilang pinuno ay si Adolf Hitler.
Sinisi niya ang mga suliranin ng
Alemanya sa mga Jews. Sunod-sunod
ang mga pakikipag-ugnayan niya sa mga
karatig bansa, partikular ang bansang
Italya na nasa ilalim ng pamumuno ni
Benito Mussolini sa ilalim ng Batas
Militar
7. Digmaan sa Europa
Idinagdag ni Adolf Hitler sa Alemanyang Nazi ang
mga bahagi ng Awstriya at Sudetenland, isang
lugar sa Tseka. Nakipagsunduan rin siya kay
Joseph Stalin para magtulungan at di magdeklara
ng digmaan sa bawat isa. Madaling sinakop ng
Alemanya ang Polonya, sa tulong ng Unyong
Sobyet noong Setyembre 1,1939, nagdeklara ng
digmaan ang Britanya at Pransya. Ang uri ng
digmaang ito ay tinawag na ''blitzkrieg'' o
digmaang kidlat dahil sa bilis nito.
Ang Dinamarka, Noruwega, Belhika, Olanda,
at Pransya ay bumagsak sa kamay ng blitzkrieg.
8. Nanatiling malaya ang Britanya. Gusto
ni Hitler na wasakin muna ang
hukbong panghimpapawid ng Britanya
bago sakupin ang bansa. Noong
Agosto 12, 1940, binomba ng
Alemanya ang katimugang baybayin
ng Inglatera. Pinagsamasama
ni Punong Ministro Winston
Churchill ang kanyang hukbo para
lumaban. Ang mga Briton ay
tinulungan ng lihim na imbensyon,
ang radar, na ginamit para malaman
kung may hukbong panghimpapawid
papunta sa bansa. Di nasakop ng
Germany ang Britanya.
9. Noong Hunyo, 1941, tinapos na ni Hitler
ang pananakop sa Britanya para simulan
ang pananakop sa Unyong Sobyet. Ayon
sa mga historiko, ito ang pinakamalaking
pagkakamali ni Hitler. Gusto niya ng
bakanteng lugar para sa mga German at
makontrol ang kayamanan ng rehiyon.
Gusto rin niyang pabagsakin
ang komunismo at talunin ang
pinakamakapangyarihang karibal na si
Joseph Stalin.
10. Umaabot sa talong milyong sundalo
ang pinasugod ni Hitler sa Rusya.
Hindi nakapaghanda si Stalin sa
pagsugod ng Germany. Higit sa
dalawang milyong sundalo at sibilyan
ang namatay sa kamay ng mga
Germans. Nagkasundo ang Unyong
Sobyet at Britanya na magtulungan
sa digmaan.
11. Noong Hunyo 6, 1944, ang
paglumunsad ng mga sundalong
Amerikano, Briton at Kanadyano
ay nagsimula ng pagsakalay sa
Normandy, Pransya ay lumaban ng
mga sundalong Aleman. Ang mga
puwersang Kakampi sa tulong ng
mga sundalong Pranses sa
Normandy ay nagsimula ng
pagpapalaya sa Pransiya, ang
operasyon na ito ay itinawag na D-
Day o Operasyong Overlord.
12. Noong Abril 16, 1945, pumasok
ang mga sundalong Sobyet sa
lungsod ng Berlin, matatagpuan
sa kabiserang lungsod ng
Alemanyang Nazi ay lumaban sa
mga sundalong Aleman ay sinira
ito at nagwasak ng lungsod at
may hihigit sa 600,000
sundalong Aleman at mga
sibilyan ang namatay at
nasugatan sa mga kawal ng
pulang Sobyet. Noong Mayo 8,
1945, Ang pagkatalo ng mga
Alemanyang Nazi at ang pagsuko
sa pwersang Kakampi.
13. Digmaan sa Asya
Sumiklab din ang digmaan sa
Pilipinas at sa Asya. Dulot ito ng
pagsabog ng Pearl Harbor sa
Hawaii, sinunod ang Malaya
(Malaysia at Singapore sa ngayon),
mga lalawigan sa Pilipinas at iba pa
noong Disyembre 3, 1942. Inutos
ni Franklin D. Roosevelt ang
pagdedeklara ng giyera sa bansang
Hapon, ngunit nagdeklara din ang
Alemanya at Italya ng giyera laban
sa Estados Unidos.
14. Idineklara ni Hen. McArthur bilang
Open City ang Maynila ngunit
hindi ito isinunod ng Hapon at
itinuloy pa rin nila ang pag-atake.
Dahil sa palala na ang kundisyon
ng Pilipinas, ang Pamahalaang
Komonwelt ni Manuel L.
Quezon ay inilikas mula Malinta
Tunnel sa Corregidor patungo
sa Washington D.C., Estados
Unidos at iniwan ang pamamahala
kay Jose P.Laurel at Jorge Vargas.
15. Humirap ang kondisyon ng bansa,
malakas na umatake ang mga Hapones sa
pamumuno ni Masaharu Homma, dahil
dito humina ang pwersang USAFFE at
tuluyang isinuko ang Corregidor at
Bataan na pinamumunuan nina Hen.
King at Hen. Wainwright.
16. Lumakas ang pwersa
ng mga Hapon at
nasakop lahat ng mga
lugar sa Asya. Nasakop
nila ang Tsina, French
Indochina, Myanmar,
Malaya, Dutch East
Indies, at
ang Pilipinas.
17. Noong Oktubre 20, 1944,
Bumalik si heneral Douglas
MacArthur at mga
kasamahan ni dating
pangulong Sergio Osmena,
heneral Basilio J. Valdes,
brigidyer heneral Carlos P.
Romulo ng Sandatahang
Lakas ng Pilipinas at si
heneral Richard H.
Sutherland ng Hukbong
Katihan ng Estados Unidos ay
ang dumaong ng puwersang
Amerikano sa Palo, Leyte.
18. At nagsimula ng Pagpapalaya ng
bansang Pilipinas sa pagitan ng pagsamahin
na mga tropang Pilipino at Amerikano
kabilang ang mga kumilalang pangkat ng mga
gerilya noong 1944 hanggang 1945 at ang
pagsalakay ng puwersang Hapones.
Nagsimula ang Labanan ng Pagpapalaya sa
Maynila noong Pebrero 3, hanggang Marso 3,
1945 ay nilusob ng magkakasanib na
hukbong Pilipino at Amerikano na isinalakay
at pagwasak ng pagbobomba sa ibabaw ng
kabiserang lungsod laban sa hukbong
sandatahan ng Imperyong Hapones, at
mahigit sa 100,000 mga Pilipinong sibilyan
ang napatay sa kamay ng mga hukbong
Hapones.
19. Noong Setyembre 2, 1945, sumuko si
heneral Tomoyuki Yamashita sa mga
tropang Pilipino at Amerikano
sa Kiangan, Lalawigang
Bulubundukin (ngayon Ifugao) sa
Hilagang Luzon. Nagsimula ang mga
sundalong Pilipino at Amerikano ay
naghahanda ng pagsalakay at
pagpapalaya sa Hilagang Luzon ay
lumaban sa mga hukbong Imperyong
Hapones noong 1945.
20. Natapos lamang ang
digmaan sa buong mundo
pagkatapos ng pagpirma ng
pagsuko ng mga sundalong
Hapon sa sundalong
Amerikano, pagkatapos ng
pagbobomba sa Hiroshima
at Nagasaki, noong
Setyembre 2, 1945, sa Look
ng Tokyo, Hapon.
21. References:
Davies, Norman (2008). No Simple Victory: World War II in Europe,
1939–1945. New York: Penguin Group. ISBN 0-14-311409-3.
http://library.thinkquest.org/10927/sumww2.htm
http://www.history.com/topics/world-war-ii