1. IMPENG NEGRO ni Rogelio Sikat
"BAKA makikipag-away ka na naman, Impen."
Tinig iyon ng kanyang ina. Nangangaral na naman. Mula sa kinatatalungkuang giray na batalan, saglit siyang
napatigil sa paghuhugas ng mumo sa kamay.
"Hindi ho," paungol niyang tugon.
"Hindi ho...," ginagad siya ng ina. "Bayaan mo na nga sila. Kung papansinin mo'y lagi ka ngang mababasag-ulo."
May iba pang sinasabi ang kanyang ina ngunit hindi na niya pinakinggan. Alam na niya ang mga iyon. Paulit-ulit
na niyang naririnig. Nakukulili na ang kanyang tainga.
Isinaboy niya ang tubig na nasa harap. Muli siyang tumabo. Isinawak niya ang kamay, pinagkiskis ang mga palad
at pagkaraa'y naghilamos.
"Dumaan ka kay Taba mamayang pag-uwi mo," narinig niyang bilin ng ina. "Wala nang gatas si Boy. Eto ang
pambili."
Tumindig na siya. Nanghihinamad at naghihikab na iniunat ang mahahabang kamay. Inaantok pa siya. Gusto pa
niyang magbalik sa sulok na kanyang higaan. Ngunit kailangang lumakad na siya. Tatanghaliin na naman bago
siya makasahod. At naroon na naman marahil si Ogor. Kahit siya ang nauna ay lagi siyang inuunahan ni Ogor sa
pagsahod.
Umingit ang sahig ng kanilang barungbarong nang siya'y pumasok.
"Nariyan sa kahon ang kamiseta mo."
Sa sulok ng kanyang kaliwang mata'y nasulyapan niya ang ina. Nakaupo ito, taas ang kaliwang paa, sa dulo ng
halos dumapa nang bangko. Nakasandig ang ulo sa tagpiang dingding. Nakalugay ang buhok. Bukas ang
kupasing damit na giris, nakahantad ang laylay at tuyot na dibdib. Kalong nito ang kanyang kapatid na bunso.
Pinasususo.
"Mamaya,aka umuwi ka namang...basag ang mukha."
Bahagya na niyang maulinigan ang ina. Nakatitig siya sa tatlo pa niyang kapatid. Sunud-sunod na nakatalungko
ang mga ito sa isa pang bangkong nas atagiliran ng nanggigimalmal na mesang kainan. nagsisikain pa.
Matagal na napako ang kanyang tingin kay Kano, ang sumunod sa kanya. Maputi si Kano, kaya ganito ang tawag
dito sa kanilang pook. Kakutis ni Kano ang iba pa niyang kapatid. Marurusing ngunit mapuputi. May pitong taon
na si Kano. Siya nama'y maglalabing-anim na. Payat siya ngunit mahahaba ang kanyang biyas.
Hinalungkat na niya ang kahong karton na itinuro ng ina. Magkakasama ang mga damit nila nina Kano, Boyet at
Diding. Sa may ilalim, nakuha niya ang kulay-lumot niyang kamiseta. Hinawakan niya iyon sa magkabilang tirante.
Itinaas. Sinipat.
"Yan na'ng isuot mo." Parang nahulaan ng kanyang ina ang kanyang iniisip.
Isinuot niya ang kamiseta. Lapat na lapat sa kanya ang kamisetang iyon noong bagong bili ngunit ngayo'y
maluwag na. Nagmumukha siyang Intsik-beho kapag suot iyon ngunit wala naman siyang maraming kamisetang
maisusuot. Mahina ang kita ng kanyang ina sa paglalabada; mahina rin ang kanyang kita sa pag-aagwador.
Nagbalik siya sa batalan. Nang siya'y lumabas, pasan na niya ang kargahan. Tuluy-tuloy niyang tinungo ang
hagdan.
"Si Ogor, Impen," pahabol na bilin ng kanyang ina. "Huwag mo nang papansinin."
Naulinigan niya ang biling iyon at aywan kung dahil sa inaantok pa siya, muntik na siyang madapa nang matalisod
sa nakausling bato sa may paanan ng kanilang hagdan.
Tuwing umagang mananaog siya upang umigib, pinagpapaalalahanan siya ng ina. Huwag daw siyang
makikipagbabag. Huwag daw niyang papansinin si Ogor. Talaga raw gayon ito: basagulero. Lagi niyang
isinasaisip ang mga biling ito ngunit sadya yatang hindi siya makapagtitimpi kapag naririnig niya ang masasakit na
panunuksyo sa kanya sa gripo, lalung-lalo na mula kay Ogor.
Si Ogor, na kamakailan lamang ay bumabag sa kanya, ang malimit magsisimula ng panunukso:
"Ang itim mo, Impen!" itutukso nito.
"Kapatid mo ba si Kano?" isasabad ng isa sa mga nasa gripo.
"Sino ba talaga ang tatay mo?"
"Sino pa," isisingit ni Ogor, "di si Dikyam!"
Sasambulat na ang nakabibinging tawanan. Pinakamatunog ang tawa ni Ogor. Si Ogor ang kinikilalang hari sa
gripo.
Noong una, sinasagot niya ang mga panunuksong ito:
"E ano kung maitim?" isasagot niya.
Nanunuri ang mga mata at nakangising iikutan siya ni Ogor. Pagkuwa'y bigla na lamang nitong kakayurin ng
hintuturo ang balat sa kanyang batok.
"Negrung-negro ka nga, Negro," tila nandidiring sasabihin ni Ogor. Magsusunuran nang manukso ang iba pang
agwador. Pati ang mga batang naroon: Tingnan mo ang buhok. Kulot na kulot! Tingnan mo ang ilong. Sarat na
sarat! Naku po, ang nguso...Namamalirong!
Sa katagalan, natanggap na niya ang panunuksong ito. Iyon ang totoo, sinasabi niya sa sarili. Negro nga siya.
Ano kung Negro? Ngunit napapikit siya. Ang tatay niya'y isang sundalong Negro na nang maging anak siya'y
biglang nawala sa Pilipinas.
2. Ang panunuksong hindi niya matanggap, at siya ngang pinagmulan ng nakaraan nilang pagbababag ni Ogor, ay
ang sinabi nito tungkol sa kanyang ina. (Gayon nga kaya kasama ang kanyang ina?)
"Sarisari ang magiging kapatid ni Negro," sinabi ni Ogor. "Baka makatatlo pa ang kanyang nanay ngayon!"
Noong kabuntisan ng kanyang ina sa kapatid niyang bunso ay iniwan ito ng asawa. Hindi malaman kung saan
nagsuot. At noon, higit kailanman, naging hamak sila sa pagtingin ng lahat. Matagal-tagal ding hindi naglabada
ang kanyang ina, nahihiyang lumabas sa kanilang barungbarong. Siya ang nagpatuloy sa pag-aagwador. At siya
ang napagtuunan ng sarisaring panunukso.
Natandaan niya ang mga panunuksong iyon. At mula noon, nagsimula nang umalimpuyo sa kanyang dibdib ang
dati'y binhi lamang ng isang paghihimagsik: nagsusumigaw na paghihimagsik sa pook na iyong ayaw magbigay
sa kanila ng pagkakataong makagitaw at mabuhay nang payapa.
Sariwa pa ang nangyaring pakikipagbabag niya kay Ogor, naiisip ni Impen habang tinatalunton niya ang
mabatong daan patungo sa gripo. Mula sa bintana ng mga barungbarong, nakikita niyang nagsusulputan ang ulo
ng mga bata.
Itinuturo siya ng mga iyon. Sa kanya rin napapatingin ang matatanda. Walang sinasabi ang mga ito, ngunit sa
mga mata, sa galaw ng mga labi nababasa nya ang isinisigaw ng mga paslit: Negro!
Napapatungo na laamang siya.
Natatanaw na niya ngayon ang gripo. Sa malamig ngunit maliwanag nang sikat ng araw, nakikita na niya ang
langkay ng mga agwador. Nagkakatipun-tipon ang mga ito. Nagkakatuwaan. Naghaharutan.
Sa langkay na iyon ay kilalang-kilala niya ang anyo ni Ogor. Paano niya malilimutan si Ogor? Sa mula't mula pa,
itinuring na siya nitong kaaway, di kailanman binigyan ng pagkakataong maging kaibigan.
Halos kassingulang niya si Ogor, ngunit higit na matipuno ang katawan nito. Malakas si Ogor. Tuwid ang tindig
nito at halos hindi yumuyuko kahit may pasang balde ng tubig; tila sino mang masasalubong sa daan ay kayang-
kayang sagasaan.
Nang marating niya ang gripo ay tungo ang ulog tinungo niya ang hulihan ng pila. Marahan niyang inalis sa
pagkakakawit ang mga balde. Sa sarili, nausal niyang sana'y huwag siya ang maging paksa ng paghaharutan at
pagkakatuwaan ng mga agwador.
Nakakaanim na karga na si Impen. May sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kutod niyang maong.
May isa pang nagpapaigib sa kanya. Diyes sentimos na naman. Kapag tag-araw ay malaki-laki rin ang kinikita ng
mga agwador. Mahina ang tulo ng tubig sa kanilang pook. At bihira ang may poso.
Tanghali na akong makauuwi nito, nausal niya habang binibilang sa mata ang mga nakapilang balde. Maluwag
ang parisukat na sementong kinatitirikan ng gripo at ang dulo ng pila'y nasa labas pa niyon.
Di-kalayuan sa gripo ay may isang tindahan. Sa kalawanging medya-agwa niyon ay nakasilong ang iba pang
agwador. May naghubad na ng damit at isinampay na lamang sa balikat. May nagpapaypay May kumakain ng
halu-halo.
Sa pangkat na iyon ay kay Ogor agad natutok ang kanyang tingin. Pnilit niyang supilin ang hangaring makasilong.
Naroon sa tindahan si Ogor. Hubad-baro at ngumingisi. Mauupo na lamang siya sa kanyang balde. Mabuti pa
roon, kahit nakabilad sa init. Pasasaan ba't di iikli ang pila? naisip niya. Makasasahod din ako.
Kasalukuyan siyang nagtitiis sa init nang may maulinigan siyang siga mula sa tindahan:
"Hoy, Negro, sumilong ka. Baka ka pumuti!"
Si Ogor iyon. Kahit hindi siya lumingon, para na niyang nakita si Ogor. Nakangisi at nanunukso na naman.
"Negro," muli niyang narinig, "sumilong ka sabi, e. Baka ka masunog!"
Malakas ang narinig niyang tawanan. Hindi pa rin siya lumilingon. Tila wala siyang naririnig. Nakatingin siya sa
nakasahod na balde ngunit ang naiisip niya'y ang bilin ng ina, na huwag na niyang papansinin si Ogor. Bakit nga
ba niya papansinin si Ogor?
Tinigilan naman ni Ogor ang panunukso. Hindi pa rin siya umaalis sa kinauupuang balde. At habang umiisod ang
pila, nararamdaman niyang lalong umiinit ang sikat ng araw. Sa paligid ng balde, nakikia niya ang kanyang anino.
Tumingala siya ngunit siya'y nasilaw. Nanghahapdi at waring nasusunog ang kanyang balat. Tila ibig nang
matuklap ang balat sa kanyang batok, likod at balikat. Namumuo ang pawis sa kanyang anit at sa ibabaw ng
kanyang nguso. may butil na rin ng pawis sa kanyang ilong.
Itinaas niya ang tirante ng kamiseta. Hinipan-hipan niya ang manipis na dibdib. Di natagalan, isinawak niya ang
kamay sa nalalabing tubig sa balde. Una niyang binasa ang batok---kaylamig at kaysarap ng tubig sa kanyang
batok. Malamig. Binasa niya ang ulo. Kinuskos niya ang kanyang buhok at nabasa pati ang kanyang anit. Binasa
niya ang balikat, ang mga bisig. May nadama siyang ginhawa ngunit pansamantala lamang iyon. Di nagtagal, muli
niyang naramdaman na tila nangangalirang na naman ang kanyang balat. Kay hapdi ng kanyang batok at balikat.
"Negro!" Napauwid siya sa pagkakaupo nang marinig iyon. Nasa likuran lamang niya ang nagsalita. Si Ogor.
"Huwag ka nanag magbibilad. Doon ka sa lamig."
Pagkakataon na ni Ogor upang sumahod. At habang itinatapat nito ang balde sa gripo, muli niyang nakita na
nginingisihan siya nito.
Napakatagal sa kanya ang pagkapuno ng mga balde ni ogor. Napabuntong-hininga siya nang makitang
kinakawitan na ni Ogor ang mga balde. Sa wakas, aalis na si Ogor, naisip niya. Aalis na si Ogor. Huwag na sana
siyang bumalik.
May galak na sumusuno sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang pagkapuno ng sinundang balde.
Susunod na siya. Makaka sahod na siya. Makakasahod na rin ako, sabi niya sa sarili. pagkaraan ng kargang iyon
ay uuwi na siya. Daraan pa nga pala siya kay Taba. Bibili ng gatas.
Datapwa, pagkaalis ng hinihintay niyang mapunong balde, at isasahod na lamang ang sa kanya, ay isang
mabigat at makapangyarihang kamay ang biglang pumatong sa kanyang balikat. Si Ogor ang kanyang natingala.
Malapit lamang pala ang pinaghatidan nito ng tubig.
3. "Gutom na ako, Negro," sabi ni Ogor. "Ako muna."
Pautos iyon. Iginitgit ni Ogor ang bitbit na balde at kumalantog ang kanilang mga balde. Iginitgit din niya ang sa
kanya, bahagya nga lamang at takot na paggitgit. "Kadarating mo pa lamang, Ogor, nais niyang itutol. Kangina pa
ako nakapila rito, a. Ako muna sabi, e," giit ni Ogor.
Bantulot niyang binawi ang balde, nakatingin pa rin kay Ogor. Itinaob niya ang kaunting nasahod na balde at ang
tubig ay gumapang sa semento at umabog sa kanilang mga paa ni Ogor. Uuwi na ako, bulong niya sa sarili. Uuwi
na ako. Mamaya na lang ako iigib uli. Nakatingin sa araw, humakbang siya upang kunin ang pingga ngunit sa
paghakbang na iyon, bigla siyang pinatid ni Ogor.
"Ano pa ba ang ibinubulong mo?"
Hindi n a niya narinig iyon. Nabuwal siya. Tumama ang kanan niyang pisngi sa labi ng nabiawang balde.
Napasigaw siya. Malakas. Napaluhod siya sa madulas na semento. Kagyat na bumaha ang nakaliliyong dilim sa
kanyang utak. Habang nakaluhod, dalawang kamay niyang tinutop ang pisngi. Takot, nanginginig ang kanyang
mga daliri. Dahan-dahan niyang iniangat iyon. Basa...Mapula...Dugo!
Nanghilakbot siya. Sa loob ng isang saglit, hindi niya maulit na salatin ang biyak na pisngi. Mangiyak-ngiyak siya.
"O-ogor...O-ogor..." Nakatingala siya kay Ogor, mahigpit na kinukuyom ang mga palad. Kumikinig ang kanyang
ulo at nangangalit ang kanyang ngipin. "Ogor!" sa wakas ay naisigaw niya.
Hindi minabuti ni Ogor ang kanyang pagsigaw. Sinipa siya nito. Gumulong siya. Buwal ang lahat ng baldeng
nalalabi sa pila. Nagkalugkugan. Nakarinig siya ng tawanan. At samantalang nakadapa, unti-unting nabuo sa
walang malamang sulingan niyang mga mata ang mga paang alikabukin. Paparami iyon at pumapaligid sa kanya.
Bigla siyang bumaligtad. nakita niya ang naghuhumindig na anyo ni Ogor. Nakaakma ang mga bisig.
"O-ogor..."
Tumawa nang malakas si Ogor. Humihingal at nakangangang napapikit siya. Pumuslit ang luha sa sulok ng
kanyang mga mata. Nasa ganito siyang kalagayan nang bigla niyang maramdaman ang isang ubos-lakas na sipa
sa kanyang pigi. Napasigaw iya. Umiiyak siyang gumuglong sa basa at madulas na semento. Namimilipit siya.
Tangan ang sinipang pigi, ang buong anyo ng nakaangat niyang mukha'y larawan ng matinding sakit.
Matagal din bago napawi ang paninigas ng kanyang pigi. Humihingal siya. Malikot ang kanyang mga mata nang
siya'y bumangon at itukod ang mga kamay sa semento.
Si ogor...Sa mula't mula pa'y itinuring na siya nitong kaaway...Bakit siya ginaganoon ni Ogor?
Kumikinig ang kanyang katawan. Sa poot. Sa naglalatang na poot. At nang makita niyang muling aangat ang
kanang paa ni Ogor upang sipain siyang muli ay tila nauulol na asong sinunggaban niya iyon at niyakap at
kinagat.
Bumagsak ang nawalan ng panimbang na si Ogor. nagyakap sila. Pagulung-gulong. Hindi siya bumibitiw. Nang
siya'y mapaibabaw, sinunud-ssunod niya: dagok, dagok, dagok... pahalipaw... papaluka...papatay.
Sa pook na iyon, sa nakaririmarim na pook na iyon, aba ang pagtingin sa kanila. Marumi ng babae ang kanyang
ina. Sarisari ang anak. At siya isang maitim, hamak na Negro! Papatayin niya si Ogor. papatayin. Papatayinnn!
Dagok, dagok, dagok...Nag-uumigting ang kanyang mga ugat. Tila asong nagpipilit makapaibabaw si Ogor. Tila
bakal na kumakapit ang mga kamay. Sa isang iglap siya naman ang napailalim. Dagok, dagok. Nagpipihit siya.
Tatagilid. Naiiri. Muling matitihaya. Hindi niya naiilagan ang dagok ni Ogor. Nasisilaw siya sa araw. Napipikit siya.
Mangungudngod siya, mahahalik sa lupa. Ngunit wala siyang nararamdaman sakit. Wala siyang nararamdamang
sakit!
Kakatatlo ng asawa si Inay. Si Kano...si Boyet...si Diding...At siya...Negro. Negro. Negro!
Sa mga dagok ni ogor, tila nasasalinan pa siya ng lakas. Bigla, ubos-lakas at nag-uumiri siyang umigtad.
napailalim si Ogor. Nahantad ang mukha ni Ogor. Dagok, bayo, dagok, bayo, dagok, bayo, dagok...Kahit saan. Sa
dibdib. Sa mukha. Dagok, bayo, dagok, bayo, dagok, dagok, dagok...
Mahina na si ogor. Lupaypay na. Nalalaglag na ang nagsasanggang kamay. Humihingal na rin siya, humahagok.
Ngunit nagliliyab pa rin ang poot sa kanyang mga mata. Dagok. Papaluka. Dagok, bayo, dagok, bayo, dagok...
Gumagalaw-galaw ang sabog na labi ni Ogor.
"Impen..."
Muli niyang itinaas ang kamay.
"I-Impen..." Halos hindi niya narinig ang halingling ni Ogor. "I-Impen...s-suko n-na...a-ako...s-suko...n-na...a-ako!"
Naibaba niya ang nakataas na kamay. Napasuko niya si Ogor! Napatingala siya Abut-abot ang pahingal.
makaraan ang ilang sandali, dahan-dahan at nanlalambot siyang tumindig, nakatuon ang mga mata kay Ogor.
Wasak ang kanyang kamiseta at duguan ang kanyang likod. May basa ng dugo't lupa ang kanyang nguso.
Marmaing sandaling walang nangahas magsalita. Walang makakibo sa mga agwador. Hindi makapaniwala ang
lahat. Lahat ay nakatingin sa kanya.
Isa-isa niyang tiningnan ang mga nakapaligid sa kanya. Walang pagtutol sa mga mata ng mga ito. Ang
nababakas niya'y paghanga. Ang nakita niya'y pangingimi.
Pinangingimian siya!
May luha siya sa mata ngunit may galak siyang nadama. Luwalhati. Hinagud-hagod niya ang mga kamao.
nadama niya ang bagong tuklas na lakas niyon. Ang tibay. Ang tatag. Ang kapangyarihan. Muli niyang tiningnan
ang nakabulagtang si Ogor. Pagkaraa'y nakapikit at buka ang labing nag-angat siya ng mukha.
Sa matinding sikat ng araw, tila sya ang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagihang
larangan.
4. ANG AMBAHAN NI AMBO ni Ed Maranan
Balisang nagising si Jack, malakas ang kabog ng dibdib. Uminom siya ng isang basong
tubig. Kay samang panaginip! Nagkaroon ng malaking sunog sa bundok ng Halcon,
umabot sa pinakatuktok. Natupok lahat ang mga puno at damo. Paghupa ng apoy ay
siya
namang pagdilim ng mga ulap, na sinundan ng ilang araw na bagyo at bugso ng ulan.
Nalusaw ang lupa at bato sa bundok ng Halcon, at unti-unti itong dumausdos
patungong
kapatagan, tangay ang lahat ng naiwang buhay na mga tao at iba pang nilalang.
Nagtatangisan ang mga Mangyan sa pagkagunaw ng kanilang daigdig habang siya
ay
walang puknat ang takbo. Hindi niya malaman kung nasaan na ang kanyang Ate Anne
at
mga magulang
Umaga na pala. Pagbangon ni Jack ay dumungaw siya agad sa bintana. May tilamsik
ng liwanag sa ituktok ng Halcon. Ang bundok ay parang isang tahimik na tanod, luntian
at matayog. Bihira niyang makita itong walang suklob na ulap, tulad ngayon.
Balang araw, Jack, sabi sa kanya ni Ambo noong nakaraang araw, aakyatin natin
iyan, hanggang doon sa ituktok, hanggang doon sa mga ulap!
Lumukso ang kanyang puso sa sinabing iyon ni Ambo.
Hoy, di maaaring di ako kasama! sabad ni Anne, ang matandang kapatid ni Jack.
Tayong lahat, aakyatin natin ang mga ulap sa Halcon! wika ni Ambo.
Si Ambo ay isang batang Mangyan. Siya ang matalik na kaibigan ng dalawang
tagaMaynilang si Jack at si Anne.
Ngayong umagang ito, parang mabigat ang dibdib ni Jack. Hindi mapawi sa isipan ang
kanyang napanaginipan.
Naku, daddy, mommy, para pong totoong-totoo! Para nga akong humihingal pa sa
pagod paggising ko., bulalas ni Jack nang silay nag-aagahan na.
Para namang disaster movie ang panaginip mo! tudyo ni Anne. Yan kasi,
palibhasay walang mapagpuyatang video dito sa Mindoro, midnight snack naman ang
napagtripan, naimpatso tuloy, at muntik nang bangungutin!
Dati-rati, panay namang masasaya ang mga panaginip ko, sabi ni jack.
Napatingin siya kay Pete, ang kanyang ama. Tahimik itong kumakain, tila nag-iisip
nang malalim.
Iniisip ni Pete ang nangyari kahapon. Silang apat ay dumalo sa pagbibinyag ng isang
batang Mangyan. Ang pagbibinyag ay ginawa ng isang dayuhang misyonerong
Kristiyano,
na ilang taon nang nakikipamuhay sa mga katutubo ng bundok, at sa pag-uugali,
pananamit at pananalitay aakalain mong isa na ring Mangyan.
Maraming Mangyan ang dumalo sa binyag, ngunit hindi sila lubos na masaya, kahit
pa man umaapaw ang hapag na kawayan sa dami ng pagkaing-gubat na pinag-
ambagambagan ng maraming kamag-anak at kakilala. Ilan sa kanila ang naglakas-loob
na
magsalaysay ng kanilang mga karanasan nitong nakaraang mga araw.
Isang matandang Mangyan ang huling nagsalita.
Saan pa po kami pupunta? Itinataboy kami ng mga nagmimina at nagtotroso mula
sa aming tinitirhan. Itinataboy kami ng mga nang-aagaw ng lupa mula sa burol. Kami
pong mga katutubo ay ipit na ipit na paatras kami nang paatras paakyat sa bundok, at
nalalayo kami sa aming pinagkukunan ng ikabubuhay. Para nang bulkang sasabog ang
aming mga dibdib sa sama ng loob!
Nasaksihan nina Pete at Tet at ng dalawa nilang anak ang paghihimagsik ng look at
ang pagtulo ng luha ng mga Manyan. Nang umiyak si Ambo ay nangilid din ang luha ng
magkapatid.
Si Jack at si Anne, na kapuwa tubong-Amerika ngunit laking-Maynila at
nakapaglakbay na sa ibayong dagat, ay dinala sa Mindoro ng kanilang mga magulang
upang magkaroon ng kakaibang karanasan at katutubong kaalaman.
Si Pete ay isang doktor. Si Tet ay isang guro, manunulat at mananaliksik. Ilang
taon din silang naglagi at nagpakadalubhasa sa Amerika, bago naisipang umuwi sa
Pilipinas upang doon palakihin ang dalawa nilang anak. Nanaig sa kanila ang
hangaring
makatulong sa anumang paraan para sa kanilang mga kababayan, matapos silang
dumalo sa isang solidarity congress na idinaos sa San Francisco, California, noong
panahon ng Batas Militar, ilang taon na ang nakararaan.
Isang delegasyon ng mga aktibista at mga pinuno ng katutubong Pilipino ang
nagbigay ng ibat ibang uri ng pagtatanghal mga dula at tula, mga sayaw, mga video
ng
5. mga pangyayari sa Pilipinas sa ilalim ng diktadura, lalo na ang kalunos-lunos na
kalagayan
ng mga katutubong Pilipino. Ang karaniwang tawag sa kanila ay mga minorya, o mga
taong-bundok, o kayay mga pagano.
Naantig ang damdamin ng mag-asawa, at silay nagtanong kung paano makatutulong
ang mga Pilipino sa ibayong dagat upang mapabuti ang kalagayan ng mga katutubo sa
Pilipinas.
Maaari kayong magpadala ng mga pangkat na magsasagawa ng imbestigasyon sa
aming tunay na kalagayan, wika ng isang kinatawan ng mga Lumad sa Mindanao.
Maaari kayong sumulat at magsiwalat ng kasamaang dulot ng mga proyektong
nakasisira sa kalikasan, at sumasakop sa aming lupaing ninuno, wika naman ng isang
pinuno ng tribung taga-Kordilyera.
Maaari rin kayong magpadala ng mga manggagamot at mga guro sa aming pook
upang bigyan ng lunas ang aming mga karamdaman, at turuan kaming bumasa at
sumulat, upang maipaglaban naming ang aming mga karapatan, payo naman ng isang
tagapagsalita ng mga Mangyan.
Ilang buwan pagkatapos nilang dumalo sa kongresong iyon, pabalik na sa Pilipinas
ang mag-asawang Pete at Tet, kasama ang kanilang dalawang anak. Sa Maynila na
nila
papag-aaralin sina Anne at Jack, habang silay lalahok sa mga proyektong may
kinalaman
sa pagtulong sa mga katutubong Pilipino.
Maraming nagtaka kung bakit nagpasiyang umuwi ang mag-asawa, samantalang
maaliwalas ang kanilang kinabukasan sa Amerika. At lalo silang nagtaka kung bakit
madalas na dumalaw sina Pete at si Tet sa mga katutubo, na nasa malalayong
bulubundukin ng Luzon, Kabisayaan at Mindanao.
Sari-saring palagay at payo ang narinig ng mag-asawa mula sa mga kamag-anak
kabilang na ang kanilang mga magulang mga kaibigan, at mga dating kamag-aral.
Bumalik na lang kayo sa Isteyts, alang-alang sa mga anak nyo! Tutal, sa Amerika
kayo nag-aral at nagkaanak, kaya sanay na kayo sa buhay-isteytsayd!
Naku, kailangan daw ngayon ang mga doktor at titser sa US, Saudi at Canada! Aplay
na kayo! Sabay-sabay na tayong umalis! Wala na yatang pag-asa itong bayan natin!
Ano? Medical mission na naman sa mga tribu? Mapagkamalan ka pang isang
rebelde, kasi gusto mong tumulong sa mahihirap! Tingnan mo ang nangyari kay Dr.
Bobby de la Paz, at Dr. Johnny Escandor!
Alam ni Pete kung sino ang tinutukoy nila. Mga bayaning doktor na nangasawi
habang nanggagamot sa mahihirap sa kanayunan. Pinagbintangan silang mga kasapi
ng
kilusang rebelde.
Anong mapapala nyo sa bundok? Malarya. At anong ibabayad sa iyong
paggagamot? Manok, gulay, o kayay Diyos-na-lang-po-ang-bahalang-gumanti-sa-inyo!
Kelan mo pa mababawi ang daan-libong ginastos mo sa pag-aaral ng medisina?
Ha? Ipinagpalit mo ang pagiging propesor sa UP sa pagtuturo sa mga taong nasa
bundok, at wala ka pang suweldo?
Ngunit nangingiti na lamang ang mag-asawa. Malalim ang pagnanais nilang
dumamay sa mga kababayan at kalahi nilang wika ngay tinalikdan na ng panahon
at pinabayaan na ng pamahalaan. sa kaunting panahong nakipamuhay sila sa
mga katutubong ito, nagkaroon ng bagong kahulugan ang kanilang buhay bilang
manggagamot at guro.
Matuling lumipas ang panahon, at nang malaki-laki na sina Anne at jack, isinasama
na sila ng kanilang mga magulang, tuwing bakasyon, sa kanilang medical mission at
educational outreach sa ibat ibang tribu sa Pilipinas. At ngayon ngang taong ito,
naisipan
ng mag-asawa na bumalik sa Mindoro upang muling dalawin ang kanilang mga
kaibigang
Mangyan.
Dalawang buwan silang maninirahan sa bayan ng Pinagkamalayan, sa Silangang
Mindoro. Ang bayang ito ay nasa mga burol sa paanan ng kabundukang kinaroonan ng
matayog na Halcon. Hindi makita halos ang ituktok nito, na tinawag ng mga Mangyan
na
lagpas-ulap.
Masigla ang magkapatid habang umaakyat sa kabundukan ang kanilang sasakyan.
Ilang kilometro sa Pinagkamalayan, pataas na ang lupa. Dito nagsisimula ang gubat na
laging maulap at maulan. Nasa ilang at liblib na pook na iyon ang Bagong Nayon, na
siyang kinaroroonan ng mga Mangyang matagal nang kakilala ng kanilang mga
magulang.
Dito rin nila unang nakilala si Ambo. Halos magkasinggulang si Ambo at si Jack. Payat
at may kaliitan si Ambo, samantalang si Jack ay mabulas na bata.
Bakit hindi ka na nag-aaral? naitanong minsan ni Jack kay Ambo. Si Jack ay nasa
ikaanim na baytang ng elementarya sa Maynila.
6. Greyd Tu na ako nang kamiy pinalayas sa aming nayon. Malapit kami noon sa iskul.
Dito, kailangan pang maglakad nang napakalayo kaya tumigil na lang ako pati
yung
ibang mga bata, nahinto na rin
Malungkot si Ambo tuwing magkukuwento siya.
Isang araw, may dumating na mga tao, galing sa Maynila. May dala silang ano ba
yun?... papeles yata ang tawag. Magmimina raw sila ng karbon, o kayay ginto, sa
aming
lugar. Sila na nga ang nagpapaalis, sila pa ang galit
Marami rin namang tanong si Ambo sa magkapatid.
Nagtataka yung ibang Mangyan dito. Bakit daw Merkano yata ang mga pangalan
nyo, pati na ang mga magulang nyo?
Natawa ang magkapatid.
Kasi, paliwanag ni Jack, sa Amerika kami pareho ipinanganak. Doon nagtapos ng
pag-aaral ang mommy at ang daddy
Ang totoo, wika naman ni Anne, si Jack ay Santiago at akoy Anna Maria. Ito ang
mga pangalang pinili ng aming lolot lola, na may lahi raw Kastila!
At ang buong pangalan ng aming mga magulang ay Pedrito at Teresita, paliwanag ni
Anne.
Di malaman ni Ambo kung siyay mapapatango o mapapailing. Lalo lamang siyang
nalito sa paliwanag ng magkapatid.
Ilang linggong nanirahan ang mag-anak sa Bagong Nayon. Masayang-masaya si
Jack at si Anne. Marami na silang natututuhan dito, na hindi itinuturo sa paaralan!
Ang kabataan ay mahusay humilis ng katutubong biyolin, at kumalanting ng gitara.
Tumututugtog din sila ng agung kasabay ng matatanda.
Bihasa rin silang humabi ng damit at maglala ng basket. Nakabubuo rin sila ng mga
kuwintas mula sa mga butil at manik, at ng mga pulseras, sinturon at iba pang
kagamitan
mula sa halamang ang tawag ay n鱈to. Marami rin sa kabataan ang sanay magpatunog
ng
hihip na kawayan, at gumamit ng sibat sa pangangaso. Si Ambo nga raw ay nakapag-
uwi
na ng isang maliit na baboy-damo!
At itong si Ambo, gayong napakabata, ay may pambihirang galing sa ambahan.
Itoy isang uri ng tula na binibigkas ng mga Mangyan. May iisang tugma o rima, at
bawat linya o taludtod ay pito ang pantig. O kayay itinititik ito sa buho ng kawayan sa
pamamagitan ng pag-ukit, at gumagamit ng sinaunang alpabetong Mangyan.
Ang gagaling pala nilang tumula, mommy! sambit ni Jack sa kanyang ina.
Mayaman ang katutubong kultura, anak, at malungkot isiping baka itoy tuluyan
nang mawala dahil sa pagpasok ng mga dayuhang nais lamang pagkakitaan ang
yaman
ng lupa
Nag-alay si Ambo ng ambahan sa magkapatid. Si Tet ang nagsalin para sa kanila:
Isang araw, isinama ni Ambo si Jack at si Anne sa loob ng gubat. Dala nito ang
kanyang sibat, sakalit makasabat sila ng baboy-damo sa kanilang paglalakad.
Tahimik na tahimik ang gubat, maliban sa huni ng ibon, kaluskos ng dahon, at anas
ng banayad na hangin.
Payat man ay malakas at maliksi si Ambo. Si Jack at si Anne pa nga ang patigil-tigil,
habol ang paghinga. Natatawa lamang si Ambo, at matiyaga niyang inantay ang mga
kaibigan.
Wala silang imikan halos. Ilang oras na silang naglalakad sa gubat. Wala pang
natutudla ang sibat ni Ambo. Ngunit siyang-siya naman ang magkapatid sa namamalas
nilang tanawin. Anong yamang pala ng gubat sa luntiang halaman, mga ligaw na
bulaklak
na matingkad ang kulay, maiilap na hayop, at mga ibong umaawit!
Nakarating sila sa isang mabatong gulod. Mula ritoy tanaw nila ang malayong dagat.
Maya-mayay nagdilim ang langit. Gumuhit ang matalim na kidlat. Nayanig ang bundok
sa lakas ng kulog. Bumuhos ang ulan.
Kaibigang dumayo
sa malayo kong kubo
masanay kaya kayo
sa hirap ng buhay ko
walang aliwan dito
kundi awit ng tao
kundi ang pangangaso
kundi kislap sa damo
pagkalipas ng bagyo.
Sumilong ang tatlo sa isang yungib. Doon na sila inabot ng ginaw at gutom. Di
7. naglaon ay humupa ang unos sa bundok.
Bumalik na tayo, sabi ni Ambo. Mukhang sasama pa ang panahon.
Maingat silang bumaba sa nagputik na dalisdis ng bundok. Nang bigla, nakarinig sila
ng ingay, parang hinahawing mga dawag. Papalapit sa kanila ang ingay na iyon.
Kubli! anas ni Ambo.
Nagtago sila sa ilalim ng isang nakayungyong, mayabong na pako, sa likod ng
matatayog na puno. Nag-antay sila. Inihanda ni Ambo ang kanyang sibat.
Baka baboy-damo na! usal ni Jack, na bagamat nananabik ay nanginginig naman at
kinakabahan.
Sa halip, ang lumitaw ay isang pangkat ng mga lalaki at babae. May dalang baril
ang mga ito, at may pasang mga knapsack sa likod. Masaya silang nag-uusap,
bagamat
mukhang hapo. Ang iba sa kanila ay Mangyan.
Kilala ko sila, bulong ni Ambo sa magkapatid.
Hindi sila nagpakita. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ni Jack at ni Anne nang silay
muling lumakad.
Pagkaraan ng mga isang oras ng maingat na pagbaba sa kabundukan, sumigaw muli
si Ambo.
Kubli!
Nagsumiksik sa ilalim ng isang punong ibinuwal ng bagyo. Sa pagitan ng mga
nagusling ugat, makikita nila kung anuman iyon na lumilikha ng mga nag-usling ugat,
makikita nila kung anuman iyon na lumilikha ng bagong ingay. Papalakas ang mga
yabag
at mga tinig. Lumitaw mula sa makapal na dawag at kakayuhan ang isang pangkat ng
kalalakihan.
Nakasuot sila ng unipormeng batik-batik at kulay-berde, nakagora ng itim, at
sandatahan. Nakapulupot sa kanilang katawan ang tila ahas na lalagyan ng kanilang
mga
bala. Mabalasik ang kanilang anyo, palinga-lingang anakiy may hinahanap o tinutugis
na
kaaway o tulisan.
Parang pinitpit na luya ang tatlong bata. Wala silang katinag-tinag. At wala silang
imikan nang magpatuloy sila sa pagbaba ng bundok.
Lumakas uli ang ulan. Sala-salabat ang kidlat. Dumagundong ang kulog. Sa pagitan
ng malalakas na kulog ay parang may narinig silang sunod-sunod na maliliit na kulog
sa
di-kalayuan. Mga putok ng sandata.
Matuling lumipas ang dalawang buwan, at natapos ang bakasyon ng magkapatid.
Malungkot silang nagpaalam sa mga taga-Bagong Nayon, lalo na kay Ambo.
Babalik kami sa isang tao, pangako yan! sabi ni Anne.
Aakyat uli tayo sa bundok! nakatawang sabi ni Jack.
Kung narito pa kami, mahinang tugon ni Ambo.
Nagkaroon ng simpleng seremonya ang Bagong Nayon bilang pasasalamat kina Pete
at Tet sa kanilang pagtulong. Maraming nagamot si Pete. Marami rin siyang natutuhan
tungkol sa mga likas na panlunas na matatagpuan sa kagubatan. Marami namang
naturuan si Tet sa pagsulat at pagbasa. Marami rin siyang natutuhang mga ambahan,
awit at mga alamat mula sa mga kaibigang Mangyan.
Dapat din kaming magpasalamat sa inyo, tugon ng mag-asawa sa kanilang
pamamaalam. Marami kaming natutuhan sa inyong lahat, at maging ang dalawa
naming anak ay namulat sa napakaraming kaalaman ng mga katutubo!
Bago sila umalis, bumigkas uli si Ambo ng isang ambahan para sa kanila:
Paalam, kaibigan
salamat sa pagdalaw
sanay di malimutan
malayong kabundukan
ay laging naghihintay
nananabik ang buhay
sa ating katuwaan
hindi ito paalam
masayang paglalakbay!