際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
isyu sa paggawa2.pptx
Ang sektor ng paggawa ay isang
mahalagang bahagi ng lipunan na
nagbibigay ng malaking ambag sa
pambansang kaunlaran. Dahil sa mga
manggagawa, naisasagawa ng lipunan
ang ibat ibang mga pangangailangang
gawain na nakatutulong sa ekonomiya
ng bansa.
Sa araling ito, ating tatalakayin ang
kalagayan, suliranin, at pagtugon sa
mga isyu ng paggawa sa bansa.
Pagkatapos ng ating aralin, ikaw ay
inaasahang: natatalakay ang
kalagayan ng paggawa sa bansa,
natataya ang mga suliranin sa
paggawa sa bansa at nasusuri ang
mga pagtugon sa mga suliraning ito.
KALAGAYAN NG
PAGGAWA SA BANSA
Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap
sa ibat ibang anyo ng suliranin at hamon sa
paggawa tulad ng mababang pasahod, kawalan
ng seguridad sa pinapasukang kompanya, job-
mismatch bunga ng mga job-skills mismatch,
ibat ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa
paggawa, at ang mura at flexible labor. Isang
hamon din sa paggawa ay ang mabilis na
pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga
dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad
naman ng kompetisyon sa hanay ng mga
dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa.
Dahil dito, mas nahihikayat
ang mga namumuhunan na
pumasok sa bansa na
nagdudulot ng ibat ibang isyu
sa paggawa
Dahil sa paglaganap ng globalisasyon,
naaapektuhan nito ang workplace na kung saan
nagbunga ito ng pagtatakda ng mga
pandaigdigang samahan, tulad ng Word Trade
Organization (WTO), ng mga kasanayan o
kakayahan sa paggawa na globally standard
para sa mga manggagawa. Naglalagak ang mga
multi-national company ng mga investment para
sa mga trabaho sa bansa na kung saan ang mga
kasanayan na kakailanganin ng isang
manggagawa ay nakabatay sa mga kasunduan
ng bansa sa mga kompanyang ito.
isyu sa paggawa2.pptx
Ilan sa maraming naidulot ng
globalisasyon sa paggawa ay ang mga
sumusunod
una, demand ng bansa para sa ibat
ibang kakayahan o kasanayan sa
paggawa na globally standard;
pangalawa, mabibigyan ng pagkakataon
ang mga lokal na produkto na makilala
sa pandaigidigang pamilihan;
pangatlo, binago ng globalisasyon ang workplace at
mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng
ibat ibang gadget, computer/IT programs, complex
machines at iba pang makabagong kagamitan sa
paggawa; at
pang-apat, dahil sa mura at mababa ang labor o
pasahod sa mga manggagawa kayat madali lang
sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o
mababa laban sa mga dayuhang produkto o mahal
na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga
produktong lokal.
Ang tugon ng Pilipinas sa hamon ng
globalisasyon sa paggawa ay ang patuloy
na pagbubukas ng bansa sa
pandaigdigang pamilihan. Dahil dito,
nagbago ang mga kakailanganing
kasanayan at salik sa produksiyon.
Upang makatugon sa mga kasanayang ito,
isinasakatuparan sa panibagong kurikulum ang
pagdaragdag ng dalawang taon sa basic
education ng mga mag-aaral na tinatawag na
Senior High School. Sasanayin ang mga mag-
aaral sa mga kasanayang pang-ika-21 siglo
upang maging globally competitive na nakabatay
sa balangkas ng Philippine Qualifications
Framework  ang Basic Education, Technological-
Vocational Education at Higher Education
(DepED, 2012).
KAKAYAHAN NA MAKAANGKOP SA
GLOBALLY STANDARD NA PAGGAWA
Skills Educational Level
Basic writing, reading,
arithmetic
Elementary
Theoretical knowledge and work
skills
Secondary
Practical knowledge and skills of
work
Secondary
Human relations skills Secondary
Work Habits Secondary
Will to work Secondary
Sense of responsibility Secondary
Halaw mula sa Productivity and Development Center
Mga Kasanayan at Kakayahan na Kakailanganin
na Hinahanap ng mga Kompanya
Social responsibility Secondary
Ethics and morals Secondary
Health and hygiene Elementary
Apat na Haligi
para sa
Disente at
Marangal na
Paggawa
(DOLE, 2016)
SOCIAL
PROTECTION
PILLAR
EMPLOYMENT
PILLAR
WORKERS
RIGHT PILAR
SOCIAL
DIALOGUE
PILLAR
Tiyakin ang paglikha ng mga
permanenteng trabaho, malaya at
pantay na oportunidad sa
paggawa, at maayos na workplace
para sa mga manggagawa.
Naglalayong palakasin at
siguruhin ang paglikha ng mga
batas para sa paggawa at
matapat na pagpapatupad ng
mga karapatan ng mga
manggagawa.
Hikayatin ang mga kompanya,
pamahalaan, at mga sangkot sa
paggawa na lumikha ng mga
mekanismo para sa proteksyon ng
manggagawa, katanggap-tanggap na
pasahod, at oportunidad.
Palakasin ang laging bukas na
pagpupulong sa pagitan ng
pamahalaan, mga manggagawa,
at kompanya sa pamamagitan ng
paglikha ng mga collective
bargaining unit.
isyu sa paggawa2.pptx
 Isa rin sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay
ang patuloy na pagdami ng mga lokal na produkto
na iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa ng
mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal.
Lubusang naaapektuhan ang mga lokal na
magsasaka dahil sa mas murang naibebenta ang
mga dayuhang produkto sa bansa. Mas maraming
insentibo ang naipagkakaloob sa mga dayuhang
kompanya na nagluluwas ng kanilang parehong
produkto sa bansa. Sa kabilang banda, may mga
lokal na produktong may mataas na kalidad gaya
ng saging, mangga at iba pa na itinatanim sa atin
na nakalaan lamang para sa ibang bansa.
 Lubusan ding naaapektuhan ng pagpasok
ng mga dayuhang kompanya ang sektor ng
industriya bunsod ng mga naging
kasunduan ng Pilipinas sa ibat ibang
pandaigdigang institusyong pinansyal.
Katulad ng mga imposisyon at kondisyon
ng pagpapautang nila sa bansa.
Pagbubukas ng pamilihan ng bansa,
import liberalizations, tax incentives sa
mga dayuhang kompanya,
deregularisasyon sa mga polisiya ng
estado, at pagsasapribado ng mga
pampublikong serbisyo.
Bunsod nito ang mga pamantayang pangkasanayan at
kakayahan, pagpili, pagtanggap, at pasahod sa mga
manggagawa ay naayon sa kanilang mga pamantayan at
polisiya. Kaakibat nito ang ibat ibang anyo ng pang-
aabuso sa karapatan ng mga manggagawa tulad ng
mahabang oras ng pagpasok sa trabaho, mababang
pasahod, hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga
empleyado, kawalan ng sapat na seguridad para sa mga
manggagawa tulad sa mga minahan, konstruksiyon, at
planta na nagpoprodyus ng lakas elektrisidad na kung
saan may mga manggagawa na naaaksidente o nasasawi
 Ang pagdami ng mga manggagawa na
nabibilang sa sektor na ito ay malaking
tulong sa mga manggagawang Pilipino.
Nasasaklawan ng sektor na ito ang
sektor ng pananalapi, komersiyo,
insurance, kalakalang pakyawan at
pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak,
komunikasyon, libangan, medikal,
turismo, Business Processing
Outsourcing (BPO), at edukasyon.
Ang sektor ng serbisyo ay mahalaga sa daloy ng
kalakalan ng bansa sapagkat tinitiyak nito na
makararating sa mga mamimili ang mga produkto sa
bansa. Kaugnay nito ang ibat ibang suliranin, bunsod
ng globalisasyon sa pamamagitan ng patakarang
liberalisasyon ng pamahalaan o ang pagpasok ng
bansa sa mga dayuhang kasunduan na nagbubukas sa
malayang kalakalan ng bansa sa mga dayuhang
kompanya, kayat sa pagpasok ng mga produkto at
serbisyo mula sa mga ito, nalilimitahan ang bilang na
kalakal at serbisyo na gawa ng mga Pilipino sa
pandaigdigang kalakalan.
1.Bilang isang estudyante, ano ang iyong
maaaring gawin upang maihanda ang iyong
sarili bilang mangagagawa ng ating bansa?
2. Ano-ano ang mga kasanayan na dapat mong
linangin upang mai-akma ang sarili sa global
na standard na paggawa?
Bilang isang mag-aaral bakit mahalagang
malaman natin ang mga haligi ng desente at
marangal na paggawa?
Gumuhit ng POSTER na nagpapakita
ng ilang mga suliranin sa paggawa.
Sa LIKOD ng POSTER, ipaliwanag
ang epekto nito sa bansa. Gawin ito
sa iyong isang a4 size bond paper or
oslo paper
RUBRIKS SA PAGGAWANG POSTER
KRITERYA DESKRIPSYON PUNTOS
Detalye ng
Larawan
Maayos ang pagkakaguhit
ng larawan
10
Mensahe ng
Larawan
nagpapakita ng
mensaheng tumutugon sa
panuto
5
Pagpapaliwanag
sa Larawan
malinaw at akma ang
pagpapaliwanag batay sa
iginuhit na larawan
5

More Related Content

isyu sa paggawa2.pptx

  • 2. Ang sektor ng paggawa ay isang mahalagang bahagi ng lipunan na nagbibigay ng malaking ambag sa pambansang kaunlaran. Dahil sa mga manggagawa, naisasagawa ng lipunan ang ibat ibang mga pangangailangang gawain na nakatutulong sa ekonomiya ng bansa.
  • 3. Sa araling ito, ating tatalakayin ang kalagayan, suliranin, at pagtugon sa mga isyu ng paggawa sa bansa. Pagkatapos ng ating aralin, ikaw ay inaasahang: natatalakay ang kalagayan ng paggawa sa bansa, natataya ang mga suliranin sa paggawa sa bansa at nasusuri ang mga pagtugon sa mga suliraning ito.
  • 5. Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa ibat ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa tulad ng mababang pasahod, kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya, job- mismatch bunga ng mga job-skills mismatch, ibat ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa paggawa, at ang mura at flexible labor. Isang hamon din sa paggawa ay ang mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad naman ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa.
  • 6. Dahil dito, mas nahihikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdudulot ng ibat ibang isyu sa paggawa
  • 7. Dahil sa paglaganap ng globalisasyon, naaapektuhan nito ang workplace na kung saan nagbunga ito ng pagtatakda ng mga pandaigdigang samahan, tulad ng Word Trade Organization (WTO), ng mga kasanayan o kakayahan sa paggawa na globally standard para sa mga manggagawa. Naglalagak ang mga multi-national company ng mga investment para sa mga trabaho sa bansa na kung saan ang mga kasanayan na kakailanganin ng isang manggagawa ay nakabatay sa mga kasunduan ng bansa sa mga kompanyang ito.
  • 9. Ilan sa maraming naidulot ng globalisasyon sa paggawa ay ang mga sumusunod una, demand ng bansa para sa ibat ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard; pangalawa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigang pamilihan;
  • 10. pangatlo, binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng ibat ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa; at pang-apat, dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa kayat madali lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong lokal.
  • 11. Ang tugon ng Pilipinas sa hamon ng globalisasyon sa paggawa ay ang patuloy na pagbubukas ng bansa sa pandaigdigang pamilihan. Dahil dito, nagbago ang mga kakailanganing kasanayan at salik sa produksiyon.
  • 12. Upang makatugon sa mga kasanayang ito, isinasakatuparan sa panibagong kurikulum ang pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education ng mga mag-aaral na tinatawag na Senior High School. Sasanayin ang mga mag- aaral sa mga kasanayang pang-ika-21 siglo upang maging globally competitive na nakabatay sa balangkas ng Philippine Qualifications Framework ang Basic Education, Technological- Vocational Education at Higher Education (DepED, 2012).
  • 13. KAKAYAHAN NA MAKAANGKOP SA GLOBALLY STANDARD NA PAGGAWA Skills Educational Level Basic writing, reading, arithmetic Elementary Theoretical knowledge and work skills Secondary Practical knowledge and skills of work Secondary Human relations skills Secondary Work Habits Secondary Will to work Secondary Sense of responsibility Secondary Halaw mula sa Productivity and Development Center Mga Kasanayan at Kakayahan na Kakailanganin na Hinahanap ng mga Kompanya Social responsibility Secondary Ethics and morals Secondary Health and hygiene Elementary
  • 14. Apat na Haligi para sa Disente at Marangal na Paggawa (DOLE, 2016) SOCIAL PROTECTION PILLAR EMPLOYMENT PILLAR WORKERS RIGHT PILAR SOCIAL DIALOGUE PILLAR
  • 15. Tiyakin ang paglikha ng mga permanenteng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa mga manggagawa.
  • 16. Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.
  • 17. Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap-tanggap na pasahod, at oportunidad.
  • 18. Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit.
  • 20. Isa rin sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang patuloy na pagdami ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal. Lubusang naaapektuhan ang mga lokal na magsasaka dahil sa mas murang naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa. Mas maraming insentibo ang naipagkakaloob sa mga dayuhang kompanya na nagluluwas ng kanilang parehong produkto sa bansa. Sa kabilang banda, may mga lokal na produktong may mataas na kalidad gaya ng saging, mangga at iba pa na itinatanim sa atin na nakalaan lamang para sa ibang bansa.
  • 21. Lubusan ding naaapektuhan ng pagpasok ng mga dayuhang kompanya ang sektor ng industriya bunsod ng mga naging kasunduan ng Pilipinas sa ibat ibang pandaigdigang institusyong pinansyal. Katulad ng mga imposisyon at kondisyon ng pagpapautang nila sa bansa. Pagbubukas ng pamilihan ng bansa, import liberalizations, tax incentives sa mga dayuhang kompanya, deregularisasyon sa mga polisiya ng estado, at pagsasapribado ng mga pampublikong serbisyo.
  • 22. Bunsod nito ang mga pamantayang pangkasanayan at kakayahan, pagpili, pagtanggap, at pasahod sa mga manggagawa ay naayon sa kanilang mga pamantayan at polisiya. Kaakibat nito ang ibat ibang anyo ng pang- aabuso sa karapatan ng mga manggagawa tulad ng mahabang oras ng pagpasok sa trabaho, mababang pasahod, hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleyado, kawalan ng sapat na seguridad para sa mga manggagawa tulad sa mga minahan, konstruksiyon, at planta na nagpoprodyus ng lakas elektrisidad na kung saan may mga manggagawa na naaaksidente o nasasawi
  • 23. Ang pagdami ng mga manggagawa na nabibilang sa sektor na ito ay malaking tulong sa mga manggagawang Pilipino. Nasasaklawan ng sektor na ito ang sektor ng pananalapi, komersiyo, insurance, kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, libangan, medikal, turismo, Business Processing Outsourcing (BPO), at edukasyon.
  • 24. Ang sektor ng serbisyo ay mahalaga sa daloy ng kalakalan ng bansa sapagkat tinitiyak nito na makararating sa mga mamimili ang mga produkto sa bansa. Kaugnay nito ang ibat ibang suliranin, bunsod ng globalisasyon sa pamamagitan ng patakarang liberalisasyon ng pamahalaan o ang pagpasok ng bansa sa mga dayuhang kasunduan na nagbubukas sa malayang kalakalan ng bansa sa mga dayuhang kompanya, kayat sa pagpasok ng mga produkto at serbisyo mula sa mga ito, nalilimitahan ang bilang na kalakal at serbisyo na gawa ng mga Pilipino sa pandaigdigang kalakalan.
  • 25. 1.Bilang isang estudyante, ano ang iyong maaaring gawin upang maihanda ang iyong sarili bilang mangagagawa ng ating bansa? 2. Ano-ano ang mga kasanayan na dapat mong linangin upang mai-akma ang sarili sa global na standard na paggawa? Bilang isang mag-aaral bakit mahalagang malaman natin ang mga haligi ng desente at marangal na paggawa?
  • 26. Gumuhit ng POSTER na nagpapakita ng ilang mga suliranin sa paggawa. Sa LIKOD ng POSTER, ipaliwanag ang epekto nito sa bansa. Gawin ito sa iyong isang a4 size bond paper or oslo paper
  • 27. RUBRIKS SA PAGGAWANG POSTER KRITERYA DESKRIPSYON PUNTOS Detalye ng Larawan Maayos ang pagkakaguhit ng larawan 10 Mensahe ng Larawan nagpapakita ng mensaheng tumutugon sa panuto 5 Pagpapaliwanag sa Larawan malinaw at akma ang pagpapaliwanag batay sa iginuhit na larawan 5