6. SANTIAGO 2:1-7
(1) Mga kapatid ko, kayo ay may
pananampalataya na nasa Panginoong
Jesucristo na Panginoon ng
kaluwalhatian at kayo na may
pananampalatayang ito ay huwag
magkaroon ng pagtatangi ng mga tao.
(2) Maaaring may pumasok sa inyong
sinagoga na isang taong may gintong
singsing at marangyang kasuotan.
Maaari ding may pumasok na isang
taong dukha na napakarumi ng damit.
7. (3) At higit ninyong binigyan ng pansin
ang may marangyang kasuotan at
sinasabi mo sa kaniya: Maupo po kayo
rito sa magandang dako. Sa taong
dukha ay sinasabi mo: Tumayo ka na
lang dito o di kaya ay maupo ka sa
tabi ng patungan ng aking paa.
(4) Hindi ba kayo rin ay may mga
pagtatangi-tangi sa inyong mga sarili?
Hindi ba kayo ay naging mga tagahatol
na may masasamang isipan?
SANTIAGO 2:1-7
8. (5) Makinig kayo, minamahal kong mga
kapatid. Hindi ba pinili ng Diyos ang
mga dukha sa sanlibutang ito na
mayayaman sa pananampalataya?
Hindi ba pinili silang taga-pagmana ng
paghaharing ipinangako niya sa mga
umiibig sa kaniya?
(6) Hinamak ninyo ang taong dukha.
Hindi ba ang mayayaman ang umaapi
sa inyo at kumakaladkad sa inyo sa
harap ng mga hukuman?
SANTIAGO 2:1-7
9. (7) Hindi ba sila ang lumalait sa
mabuting pangalan na itinatawag sa
inyo?
SANTIAGO 2:1-7
14. • Maaari kang maka-upo kung san mo
nais. Ang lahat ay dapat pantay-pantay.
Hindi dapat nagkakaroon ng
pagtatangi-tangi.
• Ang pagkaka-iba ng Kristiyanismo, sa
kanila: Tinatanggap mo ang iyong
pinaghirapan, ”Gawa”.Sa Kristiyano,
tinatanggap mo ang pinaghirapan ni
Hesus. “Grasya”.
15. • Yan mismo ang nangyayari dito.
Sinasabi ni Santiago na dapat hindi
tayo tumulad sa sanlibutan. Ang
simbahan ay dapat tumulad sa
kaharian. At ang pinakamalaking
problema nila ay ang pagtatangi-
tangi. Huwag nating pagbasihan ang
kakayahan sa pananalapi.
16. • Ang ugat ng problema ay ang
pagtatangi-tangi. Ang problema, ang
tingin nila sa mayayaman ay
mabubuti at sa mahihirap ay masama.
May lumalaganap na teolohiya tugkol
diyan. Isang ‘di magandang teolohiya
ng sanlibutan na kuntawagin ay
teolohiya ng kasaganaan.
17. Ang sabi ng Bibliya
lahat ay nagkasala.
Lahat ay pantay-
pantay.
19. LEVITICO 19:15
(15)“Huwag kayong hahatol nang
hindi makatarungan. Huwag
ninyong kikilingan ang mahihirap
o kaya'y katatakutan ang
mayayaman. Humatol kayo batay
sa katuwiran.
22. GENESIS 1: 26
(26)Pagkatapos, sinabi ng Diyos:
“Ngayon, likhain natin ang tao
ayon sa ating larawan, ayon sa
ating wangis. Sila ang
mamamahala sa mga isda, sa mga
ibon sa himpapawid at sa lahat ng
hayop, maging maamo o mailap,
malaki o maliit.
26. JUAN 3:16
(16)Sapagkat gayon na lamang ang
pag-ibig ng Diyos sa
sangkatauhan, kaya't ibinigay niya
ang kanyang kaisa-isang Anak,
upang ang sinumang
sumampalataya sa kanya ay hindi
mapahamak, kundi magkaroon ng
buhay na walang hanggan.
28. Nariyan si Martin Luther King Jr. isang
mangangaral at namuhay batay sa
pananaw at pag-iisip na hango sa
mula sa bibliya.
Ito rin ang dahilan kung bakit si Jackie
Robinson ay di lamang magaling na
baseball player at tagapanguna ng
pagpapalaya, siya rin ay nagmamahal
kay Hesus
31. MATEO 20 : 20 -28
(20)Lumapit kay Jesus ang asawa ni
Zebedeo, kasama ang dalawa niyang
anak na lalaki. Lumuhod siya sa
harapan ni Jesus upang sabihin ang
kanyang kahilingan.
(21)“Ano ang gusto mo?” tanong ni
Jesus.Sumagot siya, “Kapag
naghahari na po kayo, paupuin ninyo
sa inyong tabi ang dalawa kong anak,
isa sa kanan at isa sa kaliwa.”
33. (24)Nang marinig ito ng sampung
alagad, nagalit sila sa magkapatid.
(25)Dahil dito, pinalapit sila ni Jesus
at sinabi sa kanila, “Alam ninyo na
ang mga pinuno ng mga Hentil ang
naghahari sa kanila, at ang mga
dinadakila ang siyang nasusunod.
MATEO 20 : 20 -28
34. (26)Hindi ganyan ang dapat umiral sa
inyo. Kung nais ninyong maging
dakila, dapat kayong maging lingkod
sa iba,
(27)at kung sinuman sa inyo ang
nagnanais maging una, siya ay dapat
maging alipin ninyo..”
MATEO 20 : 20 -28
35. (28)Sapagkat maging ang Anak ng
Tao ay naparito, hindi upang
paglingkuran, kundi upang
maglingkod at ialay ang kanyang
buhay sa ikatutubos ng marami.”
MATEO 20 : 20 -28
38. FAITHWORKS CHRISTIAN CHURCH GLOBAL
Presented By:
Pastor Joven C. Soro
FCC Main, San Mateo
7AM Mabuhay Service
April 10, 2016
Website: http://faithworkschristianchurch.com
Facebook: https://www.facebook.com/Faithworks-Christian-Church-Global-
292363410916567/