際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
JAVATE, Mia Gene Airell D.
BS Biology 1-3
THE NATIONAL MUSEUM
Sa aming pagpasok sa THE NATIONAL MUSEUM ay tumambad na sa amin ang
napakagandang Lobby nito, sa una ay nag-iisip pa kami kung kami ay tutuloy dahil sa
bayad na 50.00 kada estudyante ngunit napagpasiyahan na naming tumuloy tutal
nandun na din naman na kami.
Sa aming pag-akyat at pag-pasok sa lugar kung saan pinakatampok ay ang
ekspedisyon ng San Diego, nakasama din dito ang ilang kasangkapan ng ating mga
ninuno at isa dito ang Manunggul Jar kung saan nilalagak ang labi ng mga patay,
namangha ako ng ito ay aking makita dahil hindi ko lubos maisip na magkakasya doon
ang katawan ng isang patay na tao. Nakakatuwang isipin na hanggang ngayon ay may
natitira pa silang alaala sa atin.
Sa sumunod na bahagi o palapag naman ay nakita namin ang kanilang paraan
ng pamumuhay sa ibat-ibang panahon at kultura. Nandito ang ilang gamit na mula sa
metal, bato, at kahoy. Kasunod nito ang kanilang tinatawag ng Balay na ngayon kung
tawagin sa atin ay Bahay. Ang kanilang balay ay karaniwang nakatayo sa tabing dagat
dahil isa sa kanilang pangunahing ikinabubuhay ay ang pangingisda. Sa isang bahagi
ng lugar na iyon ay nakalagay ang isang kwaderno ng ating pambansang bayani na si
Dr. Jose Rizal.
Sa sumunod na palapag naman ay tampok ang mga hayop na nabuhay noon
ngunit sa panahon natin ngayon ay wala na o sinasabing extinct na. Ang mga hayop
na ito ay kung iyong makikita ay parang buhay na buhay dahil sa ganda ng kanilang
pagkakapreserba. Sa sumunod na silid naman ay tampok ang unang alpabetong
Pilipino na Alibata, malinis ang puro puting silid na ito, bubungad sayo ang ilang
kwadernong ginamit noon na ang ginamit sa pagsulat ay Alibata sa kabila naman ay
isang telebisyon na nagpapakita ng paraan ng pagsulat ng Alibata. Dito ko din nalaman
na hanggang ngayon ay may lugar pa din sa Pilipinas na ang pinag-aaralang alpabeto
ay Alibata, sila ay nakatira sa Palawan. Marahil ang kanilang lugar ay napakalayo sa
kabihasnan. Isa pa sa nakapukaw ng aking pansin ay ang silid na naglalaman ng mga
sinaunang damit ng mga Pilipino. And barot saya ng mga kababaihan noon at ibat-
ibang damit na ginamit nila, nandito din ang mga ginaganmit ng mga ninuno natin sa
paghahabi ng mga makukulay na tela. May isang parte dito na nakakuha ng aking
atensyon, larawan ito na nagpapakita ng pananamit ng mga unang Pilipino base sa
kanilang kapangyarihan sa kanilang tribo o baranggay. Ang bawat larawan ay
pinapakita ang uri ng damit ng mga naninirahan sa tribo. Ang nakakapagpaganda dito
ay ang mga nasa larawan ay tunay ng na mga katutubo, ang kanilang Datu ang isa sa
modelo sa larawan. Pinapakita nito na ang mga Pilipino na may sinaunang kutura ay
buhay pa at mananatiling buhay.
Isa iyong napakaganda karanasan para sa isang estudyanteng tulad ko na nais
malaman ang ating kasaysayan, ngunit magiging mas epektibo ito kung sa bawat silid
na aming puntahan ay may isang taong nangangasiwa upang magbigay kaalaman sa
amin. Ang isa pang maganda dito ay may isang parte dito ng hinahayaan ang bawat
bisita na ipahayag ang nais nitong iparating sa mga illegal loggers o sa pagkaubos ng
mga puno sa ating bansa. Naipapakita dito ang malasakit ng bawat isa sa ating
kalikasan.
Ang National Museum ay iang napakagandang lugar para sa mga nais malaman
ang kasaysyan ng ating mga ninuno at ating bansa dito napapatunayan na ang mga
Pilipino noon pa man at likas na malikhain at madiskarte at isa iyon sa ating namana sa
kanila. Dito natin matutuhang pahalagahan ang mga kulturang ating minana sa ating
mga ninuno. Bilang isang Pilipino ay mahalagang malaman mo ang iyong pinagmulan

More Related Content

plant tissues

  • 1. JAVATE, Mia Gene Airell D. BS Biology 1-3 THE NATIONAL MUSEUM Sa aming pagpasok sa THE NATIONAL MUSEUM ay tumambad na sa amin ang napakagandang Lobby nito, sa una ay nag-iisip pa kami kung kami ay tutuloy dahil sa bayad na 50.00 kada estudyante ngunit napagpasiyahan na naming tumuloy tutal nandun na din naman na kami. Sa aming pag-akyat at pag-pasok sa lugar kung saan pinakatampok ay ang ekspedisyon ng San Diego, nakasama din dito ang ilang kasangkapan ng ating mga ninuno at isa dito ang Manunggul Jar kung saan nilalagak ang labi ng mga patay, namangha ako ng ito ay aking makita dahil hindi ko lubos maisip na magkakasya doon ang katawan ng isang patay na tao. Nakakatuwang isipin na hanggang ngayon ay may natitira pa silang alaala sa atin. Sa sumunod na bahagi o palapag naman ay nakita namin ang kanilang paraan ng pamumuhay sa ibat-ibang panahon at kultura. Nandito ang ilang gamit na mula sa metal, bato, at kahoy. Kasunod nito ang kanilang tinatawag ng Balay na ngayon kung tawagin sa atin ay Bahay. Ang kanilang balay ay karaniwang nakatayo sa tabing dagat dahil isa sa kanilang pangunahing ikinabubuhay ay ang pangingisda. Sa isang bahagi ng lugar na iyon ay nakalagay ang isang kwaderno ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Sa sumunod na palapag naman ay tampok ang mga hayop na nabuhay noon ngunit sa panahon natin ngayon ay wala na o sinasabing extinct na. Ang mga hayop na ito ay kung iyong makikita ay parang buhay na buhay dahil sa ganda ng kanilang pagkakapreserba. Sa sumunod na silid naman ay tampok ang unang alpabetong Pilipino na Alibata, malinis ang puro puting silid na ito, bubungad sayo ang ilang kwadernong ginamit noon na ang ginamit sa pagsulat ay Alibata sa kabila naman ay isang telebisyon na nagpapakita ng paraan ng pagsulat ng Alibata. Dito ko din nalaman
  • 2. na hanggang ngayon ay may lugar pa din sa Pilipinas na ang pinag-aaralang alpabeto ay Alibata, sila ay nakatira sa Palawan. Marahil ang kanilang lugar ay napakalayo sa kabihasnan. Isa pa sa nakapukaw ng aking pansin ay ang silid na naglalaman ng mga sinaunang damit ng mga Pilipino. And barot saya ng mga kababaihan noon at ibat- ibang damit na ginamit nila, nandito din ang mga ginaganmit ng mga ninuno natin sa paghahabi ng mga makukulay na tela. May isang parte dito na nakakuha ng aking atensyon, larawan ito na nagpapakita ng pananamit ng mga unang Pilipino base sa kanilang kapangyarihan sa kanilang tribo o baranggay. Ang bawat larawan ay pinapakita ang uri ng damit ng mga naninirahan sa tribo. Ang nakakapagpaganda dito ay ang mga nasa larawan ay tunay ng na mga katutubo, ang kanilang Datu ang isa sa modelo sa larawan. Pinapakita nito na ang mga Pilipino na may sinaunang kutura ay buhay pa at mananatiling buhay. Isa iyong napakaganda karanasan para sa isang estudyanteng tulad ko na nais malaman ang ating kasaysayan, ngunit magiging mas epektibo ito kung sa bawat silid na aming puntahan ay may isang taong nangangasiwa upang magbigay kaalaman sa amin. Ang isa pang maganda dito ay may isang parte dito ng hinahayaan ang bawat bisita na ipahayag ang nais nitong iparating sa mga illegal loggers o sa pagkaubos ng mga puno sa ating bansa. Naipapakita dito ang malasakit ng bawat isa sa ating kalikasan. Ang National Museum ay iang napakagandang lugar para sa mga nais malaman ang kasaysyan ng ating mga ninuno at ating bansa dito napapatunayan na ang mga Pilipino noon pa man at likas na malikhain at madiskarte at isa iyon sa ating namana sa kanila. Dito natin matutuhang pahalagahan ang mga kulturang ating minana sa ating mga ninuno. Bilang isang Pilipino ay mahalagang malaman mo ang iyong pinagmulan