3. Pangyayari:
Palihim na dumating si Elias sa tahanan ni Ibarra at
sila ay nag-usap tungkol sa mga kaaway ni Ibarra.
Pinayuhan ni Elias si Ibarra na nagkalat ang kanyang
mga kaaway kahit na ang hangad niya ay kabutihan.
Sinabi rin nito ang pagkatuklas niya sa balak ng taong
dilaw na patayin si Ibarra sa araw ng pagpapasinaya sa
paaralan, bagamat mahiwatig ang binitiwang salita ng
taong dilaw sa taong kausap nito, "hindi kakanin ng
isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama".
4. Palihim na sinubaybayan ni Elias ang taong dilaw at
napag-alaman nito na prinisinta nito ang sarili kay Nor
Juan kahit maliit ang sahod kapalit ng kanyang mga
kaalaman. Nanghinayang naman si Ibarra sa
pagkawala ng taong dilaw sapagkat marami pa siyang
matutuklasan kung ito ay nabubuhay lamang. Bagay
na sinalungat naman ito ni Elias sapagkat tiyak niyang
makakaligtas sa hukuman ang taong dilaw dahil sa
kabulagan ng hustisya sa bayan.
5. Nagkaroon naman ng interes si Ibarra sa pagkato ni
Elias sapagkat marami itong nalalaman at ang
kanyang mga kaisipan ay kakaiba sa karaniwang
mamamayan. Napako ang kanilang usapan tungkol sa
paniniwala sa Diyos at hindi tinanggi ni Elias na siya ay
nawalan na ng tiwala. Kalaunan ay nagpaalam na rin si
Elias at nangako ng katapatan kay Ibarra.
9. Sa araw na iyon ay darating ang Heneral at tutuloy sa
bahay ni Kapitan Tyago. Magkakaharap na nananghali ang
mga mayayaman sa San Diego. Nasa magkabilang dulo
ng hapag si Ibarra at ang alkalde mayor. Katabi ni Ibarra si
Maria sa gawing kanan at ang eskribano naman sa kaliwa.
Nandoon din sa hapag sina Kapitan Tyago, iba pang mga
kapitan ng bayan ng San Diego, mga prayle, mga kawani
ng pamahalaan at mga kaibigan nina Maria at Ibarra.
Nagtaka naman ang karamihan sapagkat hindi pa
dumarating si Padre Damaso.
10. Habang
kumakain ay nag-uusap-usap ang
mga nasa hapag. Napadako ang usapan
sa hindi pagdating ni Padre Damaso, ang
kamang-mangan ng mga magsasaka sa
mga kubyertos, ang mga kursong nais
nilang ipakuha sa kanilang mga anak, at
kung ano-ano pa.
11.
Pamaya-maya ay dumating na si Padre Damaso at lahat
ay bumati sa kanya liban kay Ibarra. Sinimulan ng ihanda
ang serbesa at sinimulan na rin ni Padre Damaso ang
patutsada kay Ibarra. Tinangkang sumingit naman ang
alkalde upang maiba ang usapan ngunit lalong
nagumalpas ang dila ng pari. Hindi naman kumikibo si
Ibarra at nagtimpi na lamang. Ngunit talagang
nananadya si Padre Damaso kayat inungkat ang
nangyari sa kanyang ama, bagay na hindi mapapayagan
ni Ibarra kung kaya't dinaluhong nito ang pari at
tangkang sasaksakin. Pinigilan naman ni Maria ang
katipan kung kaya't bumalik ang hinahon ni Ibarra at
umalis na lamang ito.