Sikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teoryamyrepearl
油
Ave Maria,
ang 4 na Teorya (ayon sa libro ni P. Badayos, Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika): Behaviorist, Innative, Kognitb, Makatao
I disclaim accordingly.
Damdamin at saloobin ng mga guro at mag aaral sa filipino 10DepEd
油
Ang pagtuturo ng Filipino 10 Panitikang Pandaigdig ay bago sa mga guro sa Filipino. Ang mga damdamin at saloobin ng guro sa pagtuturo nito ay magkakaroon ng implikasyon sa tagumpay ng mag-aaral sa asignatura.
Damdamin at saloobin ng mga guro at mag aaral sa filipino 10DepEd
油
Ang pagtuturo ng Filipino 10 Panitikang Pandaigdig ay bago sa mga guro sa Filipino. Ang mga damdamin at saloobin ng guro sa pagtuturo nito ay magkakaroon ng implikasyon sa tagumpay ng mag-aaral sa asignatura.
2. DALAWANG KLASIPIKASYON NG SALITA AYON
SA SINAUNANG GRIYEGO
Una, iyong tumitiyak sa kilos na isinasagawa sa isang
pangungusap.
Ikalawa, ang tao o bagay na nagsasagawa ng kilos.
Dionysus Thrax
Isang griyego
tumukoy ng walong iba't ibang klasipikasyon ng salita
sumikat ang kanyang aklat na The Art of Grammar at
ginawang modelo sa pag-aaral ng mga balarilang Latin at
Griyego.
3. a. PRESCRIPTIVE GRAMMAR
tumutukoy sa mga set ng gawi o panuntunan hinggil sa tama at
hindi tamang paggamit ng wika
nagsisilbing gabay sa kung paano ang nararapat na baybay,
bantas, at marami pang iba.
b. DESCRIPTIVE GRAMMAR
a set of rules about language based on how it is actually used.
se in
4. c. TEORYANG BEHAVIORISM
ang mga bata ay ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto at
ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa pamamagitan ng
pagkokontrol ng kanilang kapaligiran.
Skinner (1968)
isang pangunahing behaviorist
binigyang diin na kailangang alagaan ang pag ulad ng intelektwal sa
pamamagitan ng pagganyak, pagbibigay-sigla, at pagpapatibay sa
anumang mabuting kilos o gawi.
maaaring maisagawa ng bata ang anumang gawain kung tuturuan
at bibigyan siya ng tamang direkaiyon.
Halimbawa:
Posibleng pagkaanak pa lamang ay maaaring hubugin na ng mga magulang ang
kanilang anak para maging isang doctor o isang abugado.
5. Ang teoryang behaviorism sa pagkatuto ay nagbibigay sa
mga guro ng set ng mga simulain at mga pamaraang
madaling isagawa sa pagtuturo. Ang Audio-Lingual Method
(ALM) na nagging popular noong mga taong 1950 at 1980
ay ibinatay sa teoryang behaviorism.
MGA PANGUNAHING KATANGIAN NG ALM
Binibigyang-diin ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita;
Binibigyang-diin ang pag-uulit at mga dril;
Paggamit lamang ng target na wika;
Kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot;
Kagyat na pagwawasto ng kamalian; at
Ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro
6. d.TEORYANG INNATISM
Ang teoryang innatism sa pagkatuto ay
nakabatay sa paniniwalang ng bata ay ipinanganak na
may likas na talino" sa pagkatuto ng wika.
Chomsky (1975.1965)
Ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak
at likas itong nalilinang habang ang mga bata ay
nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran.
7. Ayon pa rin kay Chomsky, ang mga bata ay biologically
programmed para sa pagkatuto ng wika at ang wikang ito
ay nalilinang katulad nang kung paano nalilinang ang iba
pang tungkuling biyolohikal ng tao.
Halimbawa, pagdating ng bata sa takdang gulang,
nagagawa niya ang paglalakad lalo na kung nabibigyan ng
tamang nutrisyon bukod pa sa Malaya siyang nakakakilos at
nakakagalaw.
Tinukoy ni Chomsky ang espesyal na abilidad na ito na
Language Acquisition Device (LAD). Ang aparatong ito ay
inilalarawan bilang isang likhang isip na black box' na
matatagpuan sa isang sulok ng ating utak.
8. Sa kasalukuyan, inilaglag na ni Chomsky at ng kanyang mga
kapanalig ang terminong LAD: sa halip, Universal Grammar (UG) na
ang tawag nila sa aparatong pang-isipan na taglay ng lahat ng mga
bata pagsilang (Chomsky, 1981: Cook, 1988: White, 1989).
d. TEORYANG COGNITIVE
Ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong dinamiko kung saan
ang nag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang mag-isip at
gawing may saysay o makabuluhan ang bagong tanggap na
impormayon, alamin ang pumapailalim sa tuntunin, at mailapat ang
mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap.
Ayon sa mga cognitivist, ang pagkakamali ay isang palatandaan
ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang
iwinawasto.
9. Ang teoryang cognitive ay palaging nakapokus sa kaisipang ang
mga impormasyong ito'y maluugnay ng mga mag-aaral sa kanilang
umiiral na istrukturang panwgkaisipan at sa kanilang dating
kaalaman.
Ang teoryang cognitive at teoryang innatism ay magkatulad sa
maraming aspekto. Parehong pinanghahawakan ng mga teoryang ito
na ang mga tao ay ipinanganak na may likas na kakayahan upang
matutuhan ang isang wika (page at pinnel,1979),
Pinaniniwalaan ng mga innativist na hindi kailangang
suportahan ang bata sa pagtatamo ng wika dahil kas niya itong
matututuhan.
Samantalang sa kampo ng mga cognitivist, kailangan ang
pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto na magpapabilis sa pagkatuto
ng wika
10. e. TEORYANG MAKATAO
Sa pagkatuto ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga salik na
pandamdamin at emosyunal.
Tungkulin ng guro na maglaan at lumikha ng isang kaaya-ayang
kaligiran sa klasrum at isang pagkaklaseng walang pananakot kung
saan maginhawa ang pakiramdam ng bawat mag-aaral at malaya
nilang nagagamit at nasusuri ang bagong wikang natutuhan.
Ilan sa mga metodo sa pagtuturo ng wika na may kaugnayan sa
makataong tradisyon ay ang sumusunod:
Community Language Learning ni Curran;
ang Silent Way ni Gattegno; at
ang Suggestopedia ni Lazonov.