際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
KAGANAPAN
NG
PANDIWA
Inihanda ni:
Gng. Mishelle C. Arintoc
Ang kaganapan ay ang
relasyon ng pandiwa sa
panaguri ng pangungusap.
Mga Uri
ng
Kaganapan
ng
Pandiwa
1. Kaganapang Tagaganap
Bahagi ito ng panaguri na
gumaganap sa kilos na
ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
Ikinatuwa ng mga
mamamayan ang maringal
na pagdiriwang ng kalayaan
ng bansa.
2. Kaganapang Layon
Bahagi ng panaguri na
nagsasaad ng bagay na
tinutukoy o ipinahahayag ng
pandiwa.
Halimbawa:
Naghanda ng palatuntunan
ang mga guro at mag-
aaral, sapangdating ng mga
panauhin.
3. Kaganapang Tagatanggap
Bahagi ng panaguri na
nagpapahayag kung sino
ang nakikinabang sa kilos
na isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa:
Nagbigay ng donasyon ang
kanilang samahan para sa
mga biktima ng sunog.
4. Kaganapang Ganapan
Bahagi ng panaguri na
nagsasaad ng lugar na
siyang pinaggaganapan ng
kilos na ipinahayag ng
pandiwa.
Halimbawa:
Nanood ng pagtatanghal
sa plasa ang mga kabataan.
5. Kaganapang Kagamitan
Bahagi ng panaguri na
nagsasaad kung anong
bagay o kagamitan ang
ginagamit upang maisagawa
ang kilos na ipinahahayag ng
pandiwa.
Halimbawa:
Iginuhit niya ang larawan ni
Rizal sa pamamagitan ng
lapis.
6. Kaganapang Direksyunal
Bahagi ng panaguri na
nagsasaad ng direksyong
isinasaad ng kilos na
ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
Nagliwaliw siya sa
Tagaytay buong araw.
7. Kaganapang Sanhi
Bahagi ng panaguri na
nagsasaad ng dahilan ng
pagkakaganap ng kilos na
isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa:
Nagwagi sila sa pakikihamok
dahil sa katatagan ng kanilang
loob.
POKUS
NG
PANDIWA
Ang pokus ay ang
relasyon ng pandiwa sa
paksa ng pangungusap.
Mga Uri
ng Pokus
ng
Pandiwa
1. Pokus sa Tagaganap/ Aktor
Ang paksa ang tagaganap ng
kilos na isinasaad ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa
tanong na sino?.
[mag- , um- , mang- , ma- , maka-
, makapag- , maki- , magpa-]
Halimbawa:
Naglunsad ng proyekto ang
mga kabataan.
2. Pokus sa Layon
Ang paksa ang layon ng
pandiwa sa pangungusap;
sumasagot sa tanong
na ano?.
[-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an]
Sa Ingles, ito ay ang direct object.
Halimbawa:
Nasira mo ang mga
props para sa play.
3. Lokatibong Pokus o Pokus sa
Ganapan
Paksa ang lugar na
ginaganapan ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa
tanong na saan?.
[pag-/-an , -an/-han , ma-/-an ,
pang-/-an , mapag-/-an]
Halimbawa:
Pinagtaniman namin ang
bakuran ng maraming
gulay.
4. Benepaktibong Pokus o Pokus
sa Tagatanggap
Ang paksa ang tumatanggap
sa kilos ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa
tanong napara kanino?.
[i- , -in , ipang- , ipag-]
Sa Ingles, ito ay ang indirect object.
Halimbawa:
Kami ay ipinagluto ni nanay
ng masarap na ulam.
5. Instrumentong Pokus o Pokus
sa Gamit
Ang paksa ang kasangkapan o
bagay na ginagamit upang
maisagawa ang kilos ng pandiwa
sa pangungusap; sumasagot sa
tanong na sa pamamagitan ng
ano?.
[ipang- , maipang-]
Halimbawa:
Ipinanghambalos niya ang
hawak na tungkod sa
magnanakaw.
Ang paksa ang nagpapahayag
ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa
tanong na bakit?.
[i- , ika- , ikina-]
6. Kosatibong Pokus o Pokus
sa Sanhi
Halimbawa:
Ikinatuwa namin ang
pagluluto ng masarap
na ulam ng aming nanay.
7. Pokus sa Direksyon
Ang paksa ang nagsasaad ng
direksyon ng kilos ng pandiwa
sa pangungusap; sumasagot sa
tanong na tungo
saan/kanino?.
[-an , -han , -in , -hin]
Halimbawa:
Sinulatan niya ang kanyang
mga magulang.

More Related Content

Kaganapan at Pokus ng Pandiwa