QUIZ KAHULUGAN NG EKONOMIKS sa pang araw araw pptxGraceCalipjo
油
Ang Ekonomiks ay isang agham panlipunan na tungkol sa paggamit at alokasyon o pamamahagi ng mga kapos na pinagkukunang-yaman ng lipunan upang makalikha ng pinakamahusay at de-kalidad na mga produkto at serbisyong makatutugon sa paparaming pangangailangan at hilig ng tao sa paraang pinakamatipid at pinakamabisa.
2. Panuto: Katatapos mo lang maligo nang biglang mangyari ng sabay-
sabay ang sumusunod na mga pangyayari. Ano ang iyong uunahin?
Lagyan ng bilang 1 ang una hanggang 4 ang pinakahuli.
Biglang umulan at nakasampay sa likod-bahay ang
iyong mga nilabhan.
Naamoy mo ang nasusunog na sinaing.
Narinig mo na nag-ring ang iyong cellphone.
Umiyak ang iyong inaalagaang sanggol na kapatid .
3. Panuto: Batay sa naunang mga sitwasyon, sagutin ang sumusunod na
mga katanungan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Maaari mo bang gawin ang mga sumusunod ng sabay-
sabay? Pangatwiran ang sagot.
2. Ano ang batayan sa iyong pagpili kung anong gagawin ang
uunahin?
5. KAHULUGANNG
EKONOMIKS
Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na
nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan ng
tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay
nagmula sa salitang Griyego na oikonomia na nagmula
naman sa dalawang salita: ang oikos ay
nangangahulugang bahay at nomos na pamamahala
(Viloria, 2000).
8. EKONOMIYAAT
SABAHAYAN
Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad (Mankiw,
1997). Ang sambahayan, tulad ng lokal at pambansang ekonomiya, ay
gumagawa rin ng mga desisyon. Nagpaplano ito kung paano
mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano hahatiin
ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at
kagustuhan. Ang pagpapasiya ng sambahayan ay maaaring nakatuon
sa kung magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig,
tirahan, at ibang mga bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan sa
pamilya.
9. PAMAYANAN
Samantala, ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay
gumaganap din ng ibat ibang desisyon. Ang pamayanan ay
kailangang gumawa ng desisyon kung ano anong produkto at
serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano
karami ang gagawin. Lumalabas ang mga batayang katanungang
nabanggit dahilan sa suliranin sa kakapusan. May kakapusan
dahil may limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman at walang
katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa
kakapusan, kailangan ng mekanismo ng pamamahagi ng
limitadong pinagkukunang-yaman.
13. KAKAPUSAN
Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon ang
kakayahan ng tao at may limitasyon din ang iba pang
pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at kapital. Ang
yamang likas ay maaaring maubos at hindi na mapalitan sa
paglipas ng panahon. Samantala, ang yamang kapital tulad ng
makinarya, gusali, at kagamitan sa paglikha ng produkto ay may
limitasyon din ang dami ng maaaring malikha. Sa gayon,
kailangang magdesisyon ang pamayanan batay sa apat na
pangunahing katanungang pang-ekonomiya na kapaki-
pakinabang sa lahat. Tingnan ang pigura sa susunod na slides.
17. MAHALAGANGKONSEPTOSA
EKONOMIKS
Bahagi na ng buhay ng tao ang
pagkakaroon ng mga choices. Sa
pagproseso ng pagpili mula sa mga
choices, hindi maiiwasan ang trade-
off. Ang trade-off ay ang pagpili o
pagsasakripisyo ng isang bagay
kapalit ng ibang bagay. Mahalaga
ang
trade-off, sapagkat sa pamamagitan
nito ay maaaring masuri ang mga
pagpipilian sa pagbuo ng
pinakamainam na pasya. Halimbawa,
mag-aaral ka ba o maglalaro?.
19. Sa ginagawang pagsasakripisyo ay
may opportunity cost. Ang
opportunity cost ay tumutukoy sa
halaga ng bagay o ng best
alternative na handang ipagpalit sa
bawat paggawa ng desisyon (Case,
Fair at Oster, 2012). Ang
opportunity cost ng paglalaro
sa naunang halimbawa ay ang
halaga ng pag-aaral na
ipinagpalibang gawin.
23. Mahalagang makabuo ng matalinong
desisyon sa bawat produkto o
serbisyong pagpipilian, subalit
minsan kahit nakabuo na ng desisyon
ay hindi pa rin
maiiwasang magbago ng isip sa
bandang huli. Ito ay dahilan sa mga
insentibo na
iniaalok ng mga lumilikha ng
produkto at serbisyo.
24. Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade-off, opportunity
cost, incentives, at marginal thinking ay makatutulong sa
matalinong pagdedesisyon upang maging rasyonal ang
bawat isa sa pagbuo ng desisyon. Tingnan ang pigura sa
ibaba.
27. Pamprosesong
Tanong
1. Paano nakatutulong sa
matalinong pagdedesisyon
ang mga konsepto ng trade
off, opportunity cost,
incentives, at marginal
thinking?
01.
2. Sa iyong palagay, kailan
masasabing matalino ang
pagdedesisyong ginawa
ng
tao?
02.
29. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin
ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa 村
sheet of paper.
1. Ang Ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:
A. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang
matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas
ang antas ng kabuhayan.
B. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating
daigdig.
C. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
D. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating
kapwa tao .
30. 2. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin
ang HINDI
kasama sa pangkat?
A. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
B. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
C. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
D. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
31. 3. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman
tulad ng yamang likas, yamang tao, at yamang kapital. Nagkakaroon ng
kakapusan sa mga ito dahil _______________________.
A. limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao
B. sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga
pinagkukunang-yaman
C. sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong
ibinebenta sa pamilihan
D. likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang yaman ng bansa
4. Ang salitang Ekonomiks ay galing sa salitang oikos at nomos, isang salitang
Griyego na ang ibig sabihin ay ________________________________.
A. pamamahala ng negosyo
B. pakikipagkalakalan
C. pamamahala ng tahanan
D. pagtitipid
32. 5. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga
kabataan. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo
ng pagkakaroon ng kaalaman sa Ekonomiks?
A. Maisasaulo ang mga konsepto sa Ekonomiks upang madaling
makapasa sa kolehiyo.
B. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
C. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang
makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at
sa hinaharap.
D. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng Ekonomiks.
33. 6. Malaki ang bahaging ginagampanan ng Ekonomiks sa lipunan. Alin
sa mga pangungusap ang nagsasaad ng diwang ito?
A. Sa tulong ng pagsusuri sa Ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang
katayuan ng mga tao sa lipunan kayat nauuuri natin ang
mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman.
B. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin
nito ang mga patakaran ng mayayamang bansa.
C. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao
ay mahalaga kayat dapat ipagpatuloy and produksyon ng mga ito
kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig.
D. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Ekonomiks, nakatutuklas ng
paraan upang patuloy na tumaas ang antas ng kita, empleyo,
seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang
bansa.
.
34. 7. Ano ang pinakamahalagang layunin ng Ekonomiks bilang isang
agham panlipunan?
A. maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming
mahihirap
B. maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa
isang bansa
C. mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita
D. makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at
makapaglingkod sa ibang bansa
8. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-
alang sa paggawa ng desisyon?
A. dinadaluhang okasyon B. desisyon
C. opportunity cost ng desisyon D. tradisyon ng pamilya
35. 9. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
Ito ay ____.
A. matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning
pangkabuhayan na kinakaharap
B. ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na
nakaimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon
C. ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga
suliraning pangkabuhayan
D. ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan
36. 10. Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong
paraan sa pagaaral ng ekonomiks. Ibig sabihin nito ay:
A. tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga
desisyon
B. naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang
makapagbigay ng lapat o angkop na kongklusyon
C. sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon
D. ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat
sila ang may hawak ng puhunan
40. Sustainabilityand
economy:Therole
ofgreentrade
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit,
sed do eiusmod tempor incididunt ut labore et dolore
magna aliqua. Ut enim ad minim veniam, quis nostrud
exercitation ullamco laboris nisi ut aliquip ex ea
commodo consequat.
Duis aute irure dolor in reprehenderit in voluptate velit
esse cillum dolore eu fugiat nulla pariatur. Excepteur
sint occaecat cupidatat non proident, sunt in culpa qui
officia deserunt mollit anim id est laborum.
41. Thefutureofbanking
anddigitalfinance
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, sed do eiusmod
tempor incididunt ut labore et dolore magna aliqua. Ut enim ad minim
veniam, quis nostrud exercitation ullamco laboris nisi ut aliquip ex ea
commodo consequat.
Duis aute irure dolor in reprehenderit in voluptate velit esse cillum dolore
eu fugiat nulla pariatur. Excepteur sint occaecat cupidatat non proident,
sunt in culpa qui officia deserunt mollit anim id est laborum.
42. Historyof
internationaltrade
Lorem ipsum dolor sit
amet, consectetur
adipiscing elit, sed do
eiusmod tempor incididunt
ut labore et dolore magna
aliqua. Ut enim ad minim
veniam, quis nostrud
exercitation ullamco
laboris nisi ut aliquip ex ea
commodo consequat.
1800
Lorem ipsum dolor sit
amet, consectetur
adipiscing elit, sed do
eiusmod tempor incididunt
ut labore et dolore magna
aliqua. Ut enim ad minim
veniam, quis nostrud
exercitation ullamco
laboris nisi ut aliquip ex ea
commodo consequat.
1900
Lorem ipsum dolor sit
amet, consectetur
adipiscing elit, sed do
eiusmod tempor incididunt
ut labore et dolore magna
aliqua. Ut enim ad minim
veniam, quis nostrud
exercitation ullamco
laboris nisi ut aliquip ex ea
commodo consequat.
2000
Lorem ipsum dolor sit
amet, consectetur
adipiscing elit, sed do
eiusmod tempor incididunt
ut labore et dolore magna
aliqua. Ut enim ad minim
veniam, quis nostrud
exercitation ullamco
laboris nisi ut aliquip ex ea
commodo consequat.
2030