2. Matapos ang aralin,inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
Naipapaliwanag ang kahulugan ng kakayahang pragmatiko;
Natutukoy ang kahulugan ng sinasabi,di-sinasabi,atkinikilos ng taong
kausap;
Nauunawaan ang kagawiang pangkomunikasyon ng mga Pilipino; at
Naisasaalang-alang ang epekto ng
tono,diin,intonasyon,hinto,muwestra, at iba pa sa pakikipagtalastasan.
3. Berbal na Komunikasyon
Gumagamit ng salita sa anyong pasalita o pasulat.
Nagagawa ang pasalita sa pamamamagitan ng pakikipag-
usap sa kaanak, kaibigan, pakikipagtalakayan sa klase at
seminar.
4. Nagagawa ang pasulat sa pamamagitan ng mga sulatin sa
klase, paglikha ng blogspot, pagbuo ng manifesto at bukas
na liham.
5. Di-Berbal na Komunikasyon
Ayon sa mga pag-aaral, lubhang napakalaki ng
elementong di-berbal sa pakikipag-usap sa mga
taong nakapaloob sa sariling kultura.
7. Ibat Ibang Anyo
Kinesika (Kinesics)-tumutukoy sa kilos o galaw ng
katawan.Bahagi nito ang ekspresyon ng mukhagalaw ng
mata,kumpas ng mga kamay, at tindig ng katawan.
Proksemika (Proxemics)- tumutukoy sa oras at distansya sa
pakikipag-usap.
8. Pandama o Paghawak (Haptics)- Itinuturing na isa sa
pinakaunang anyo ng komunikasyon.
Halimbawa:
Pagtapik sa balikat at pagyakap sa kausap.
Paralanguage- tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad at
bilis ng pagsasalita.
9. Katahimikan o Kawalang-Kibo- lubhang makahulugan na
karaniwang ginagawa upang mag-isip at paghandaan ang
sasabihin, o kaya ay maparating ang tampo o sama ng
Kapaligiran- tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipag-
usap at ng kaayusan nito. Mahihinuha ang intension ng
kausap batay sa kung saang lugar niya nais makipag-usap.
10. Ang Kagawiang Pangkomunikasyon ng
mga Pilipino
Nakapaloob sa kakayahang pragmatiko ang pagkilala sa
kagawiang pang komunikasyon ng mga tagapagsalita ng
wikang pinag-aaralan.Sa pamamagitan nito, natatantiya ng
isang mag-aaral ng wika kung ang kaniyang sasabihin ay
maaaring maging lubhang tuwiran o napapalooban ng
tamang pagkilala at paggalang sa kausap.
11. Ayon kay Maggay (2002), high context ang kulturang Pilipino.
Ang pahiwatig ang maituturing na pinakalaganap at
pinakabuod ng kulturang pangkomunikasyon.
Ito ay isang katutubong pamamaraan ng pagpapahayag ng
di-tuwirang ipinapaabot ngunit nababatid at nahihiwatigan
sa pamamagitan ng matalas na pakiramdam at matunog na
pagbasa ng mga himaton; o ng mga palatandaang kaakibat
nito.
12. Mga Salitang Kaugnay ng Pahiwatig
(Maggay 2002)
1. Mga salitang di-tuwirang pagtukoy
a. Pahaging
b. Padaplis
2. Mga salitang ang pinatatamaan ng mensahe ay hindi
ang kausap kundi ang mga taong nasa paligid at
nakaririnig ng usapan:
a. Parinig
b. Pasaring
13. 3. Mga salitang kumukuha ng atensiyon sa
pamamagitan ng pandama:
a. Paramdam
b. Papansin
4. Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na ang dating sa
nakarinig ay
napatatamaan siya:
a. Sagasaan
b. Paandaran
14. Tukuyin kung anong anyo ng di-berbal na komunikasyon ang
ipinapahiwatig.Kung ito ba ay Kinesika, Proksemika, Pandama,
Paralanguage, Katahimikan, Kapaligiran.
1. Paghimas ng ina sa ulo ng sanggol.
2. Hindi pagtugon sa ipinadalang text message.
3. Galaw ng kamay ng guro habang nagpapaliwanag
aralin.
4. Pasigaw na pananalita.
5. Pagtabi sa kaibigan
15. 6. Pagtingin sa pulubi mula ulo hanggang paa.
7. Naghihinalong tinig
8. Pagpisil sa mukha ng kapatid
9. Pag-iwas sa mga nag-iinuman
10. Pagtungo sa madilim na sulok ng silid