ºÝºÝߣ

ºÝºÝߣShare a Scribd company logo
KARAHASAN
SA PAARALAN
Ano ba ang
KARAHASAN SA
PAARALAN?
Ito ay anumang kilos na lumalabag sa misyon
at bisyon ng edukasyon, sa paggalang sa
kapwa mag-aaral o anumang kilos na
humahadlang sa layunin ng paaralan na
maging ligtas sa -pagdarahas ng tao, pag-aari,
droga, armas o kaguluhan.
Ano-ano nga ba ang
mga karahasan na
maaaring nagaganap
sa paaralan?
ï‚„pambubulas o bullying
ï‚„labanan
ï‚„pag-aaway o pagsasakitan sa loob man o sa labas ng
paaralan,
ï‚„pagdadala ng droga
ï‚„sexual harassment
ï‚„vandalism
ï‚„pagnanakaw
ï‚„pagdadala ng mga nakasasakit na bagay at marami
pang iba.
Ang Pambubulas
o Bullying
Ang pambubulas o bullying ay isang
sinasadya at madalas na malisyosong
pagtatangka ng isang tao o pangkat na
saktan ang katawan o isipan ng isa o
mahigit pang biktima sa paaralan.
Ang pambubulas ay hindi
palaging marahas. Sa
katunayan, mas malalim ang
sugat na iniiwan ng
pambubulas na hindi
marahas.
Uri ng
Pambubulas
Pasalitang
Pambubulas.
Pagsasalita o pagsusulat
ng masasamang salita laban
sa isang tao.
Kasama rito ang…
ï‚„Pangangantyaw
ï‚„Pangungutya
ï‚„panunukso
ï‚„Panlalait
ï‚„pang-aasar
ï‚„Paninigaw
ï‚„Pagmumura
ï‚„pang-iinsulto
ï‚„pagpapahiya sa iyo
sa harap ng
maraming tao, at iba
pa.
Sosyal o Relasyonal
na Pambubulas.
Ito ay may layuning sirain ang
reputasyon at ang pakikipag-
ugnayan sa ibang tao.
Kasama rito ang…
ï‚„hindi pagtanggap sa
isang tao o sadyang
pang-iiwan sa kaniya sa
maraming pagkakataon
ï‚„panghihikayat sa ibang
mag-aaral na huwag
makipagkaibigan sa
partikular na indibidwal o
pangkat
ï‚„pagkakalat ng tsismis
ï‚„pagpapahiya sa isang
sa gitna ng nakararami
iba pa.
Pisikal na
Pambubulas.
Ito ay ang pisikal na pananakit sa isang
indibidwal o
pangkat at paninira ng kaniyang mga
pag-aari.
Kasama rito ang…
ï‚„Panununtok
ï‚„Paninipa
ï‚„Pananampal
ï‚„Pangungurot
ï‚„biglang pag-alis ng upuan
habang nakatalikod upang
matumba ang nakaupo
ï‚„Kabilang din dito ang
pagkuha at pagsira sa
ï‚„pagpapakita ng hindi
magagandang sensyas ng
kamay
Mga Epekto ng
Pambubulas
Labis na pagkabalisa, kalungkutan, suliranin
sa pagtulog (sleep difficulties, mababang
tiwala sa sarili, maging sakit ng ulo at tiyan
at pangkalahatang tensiyon kumpara sa
mga kabataan na hindi nagiging biktima
ng pambubulas.
Madalas na kakaunti ang kaibigan o
maaaring
walang kaibigan.
Posibilidad na sila mismo ay maging
marahas, maaaring sa panahon ng
pambubulas o sa hinaharap.
Karahasan sa paaralan
SLOGAN
MGA TANONG:
1. Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng karahasan sa
paaralan?
2. Ano ang epekto ng pagkakaroon ng karahasan sa
paaralan?
3. Mayroon ka bang katulad na karanasan sa paaralan
o sa pamayanan? Ibahagi.
MGA TANONG:
4. Sa iyong palagay, bakit kaya may nambubulas
(bully)? Bakit may binubulas?
Karahasan sa paaralan
TAKDANG ARALIN
Gumawa ng isang komik strip sa isang
long bond paper tungkol sa
pambubulas o bullying. Lagyan ng
sariling pamagat at kulayan.

More Related Content

Karahasan sa paaralan