2. 1897 Saligang Batas ng Biak na Bato
Dito nakasaad na ang wikang Tagalog ang magiging opisyal na
wika ng pamahalaang rebulusyonaryo
1901
Sa pamamagitan ng Philippine Commission, Ginawang opisyal na
wikang panturo ang wikang Ingles sa mga paaralan.
1931
Ipinag utos ng Kalihim ng Public Instruction na wikang
bernakular na lamang ang gamitin bilang wikang panturo sa
elementarya simula taong-aralan 1932-1933.
3. 1935
Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 ng Konstitusyon
na Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo
sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang
pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika.
Mga katutubong wika/dayalekto:
Bisaya Waray-Waray Tagalog
Ilokano Pangasinense Tiruray
Ibanag Kapampangan Chavacano
Bikolano Ivatan Maranao
Hiligaynon Tausug Sambal
13. 1936 Batas Komonwelt 184
Itinatag ni Pangulong Manuel L. Quezon ang
Surian ng Wikang Pambansa upang
mamuno sa pag aaral at pagpili sa wikang
pambansa.
Tungkulin ng SWP na magsagawa ng
pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging
batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng
Pilipinas
14. 1937
Nabuo ang Kautusang Tagapagganap Blg. 134 na
nag-aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin
sa pagbubuo ng Wikang Pambansa.
15. 1940
Ipinalabas ni Pangulong Quezon ang
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 na
nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng
Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa
Wikang Pambansa. Pinasimulan din nito ang
pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng
mga paaralan sa buong bansa.
16. 1959
Nagpalabas si Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim Jose Romero ng Kautusang Blg. 7 na
nagsasaad na Pilipino ang opisyal na tawag
sa wikang pambansa.
17. 1954
Proklamasyon Blg 12 na nagsasaad na
ipagdiwang Linggo ng Wika mula Marso 29-
Abril 4 sa araw ng kapanganakan ni
Balagtas
18. 1955
Proklamasyon Blg 186 inilipat ang
pagdiriwang ng Linggo ng wika sa Agosto
13-19 sa kaarawan ng Ama ngWikang
Pambansa
19. 1973
Si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa
Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 na ang Batasang
Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit
ng pambansang wikang Filipino. Hanggat hindi
binabago ang batas, ang Ingles at Filipino ang
mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas.
Kautusang Tagapagpaganap Blg 96
Nagtadhana na lahat ng gusali, edipisyo,
at tanggapan ng panmahalaan ay
pangangalanan sa Pilipino
20. 1971
Memo Sirkular Blg 448, humuhiling sa lahat
ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng
palatauntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa simula Agosto 13-19
Kautusang Tagapagpaganap Blg 304 na
nilagdaan ng Pangulong Marcos na
nagpapanauli sa Surian ng Wikang
Pambansa
21. 1987
Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: Ang
Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral
na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
22. KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP
BLG. 117
Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP)
Noong Enero taong 1987, ang SWP ay
pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng
Pilipinas na pagkaraan ay binuwag naman
nang buuin ang Bagong Konstitusyon ng
Pilipinas noong 1987.
23. Saligang Batas ng 1987
Ang pagtatatag ng isang komisyon
ng pambansang wika.
Naisakatuparan nang maipasa ang
Batas Republika 7104 noong 14
Agosto 1991, na nagtatag sa
Komisyon sa Wikang Filipino.
24. 1986
Proklamasyon Blg 19 kinilala ni Pres Corazon
Aquino ang mahalagang papel na ginampanan
ng wikang pambansa na nagbunsod sa bagong
pamahalaan
1996
CHED Memo Blg 59 nagtadhana ng 9 na
yunits na pangangailangan sa
pangkalahatang edukasyon
31. Makabagong Alpabeto
A B C D E F G H I J
/ey/ /bi/ /si/ /di/ /i/ /ef/ /ji/ /eych/ /ay/ /jey/
K L M N 単 Ng O P Q
/key/ /el/ /em/ /en/ /enye/ /enji/ /o/ /pi/ /kyu/
R S T U V W X Y Z
/ar/ /es/ /ti/ /yu/ /vi/ /dobol yu/ /eks/ /way/ /zi/