narito ang kasaysayan ng pag-unlad ng wikang pambansa, sang-ayon na din sa mga saligang batas na umiiral.
Ang sanggunian nito ay : "Komunikasyong Epekyibo sa Wikang Epektibo" nina Bernales, R.A., et al. 2015
narito ang kasaysayan ng pag-unlad ng wikang pambansa, sang-ayon na din sa mga saligang batas na umiiral.
Ang sanggunian nito ay : "Komunikasyong Epekyibo sa Wikang Epektibo" nina Bernales, R.A., et al. 2015
Ang **akdang naratibo** ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay ng isang kwento o karanasan. Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari na may layuning magbigay aliw, magturo, o magbigay aral sa mga mambabasa. Kadalasang gumagamit ng mga tauhan, tagpuan, at kaganapan upang maipahayag ang isang kwento sa isang tiyak na ayos o pagkakasunod-sunod.
Ang **akdang naratibo** ay may mga pangunahing elemento tulad ng **tauhan**, **tagpuan**, **tema**, **salungatan**, at **banghay**. Ang **tauhan** ang mga karakter na gumaganap sa kwento, mula sa pangunahing tauhan hanggang sa mga sumusuportang karakter. Ang **tagpuan** ay ang lugar at oras kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa kwento. Ang **tema** naman ay ang pangunahing ideya o mensahe na nais iparating sa mambabasa. Ang **salungatan** ay ang problema o hamon na kinakaharap ng mga tauhan sa kwento, at ang **banghay** ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa simula, gitna, hanggang sa wakas.
Halimbawa ng akdang naratibo ay ang mga **maikling kwento**, **nobela**, at **talambuhay**. Sa mga akdang ito, ang manunulat ay nagkukuwento ng isang kwento na may mga tauhan at nagsisilbing gabay sa mga mambabasa upang matutunan ang mga aral na dulot ng kwento. Ang isang akdang naratibo ay maaaring magtaglay ng iba't ibang emosyon tulad ng saya, lungkot, takot, at pagmamahal, na nakatutulong upang mas maging makulay at buhay ang kwento.
Sa kabuuan, ang akdang naratibo ay isang mahalagang anyo ng panitikan na naglalaman ng mga kwento at karanasan na makapagbibigay ng kasiyahan at aral sa mga mambabasa.
2. PANAHON NG KASTILA
Ipinag-utos ng hari espanya na turuan ang mga katutubo ng wikang kastila. Ngunit
hindi nila nasunod ang utos ng hari bagkus sila ang nag-aral sa wikang katutubo sa
tatlong dahilan:
1. Ayaw nilang mahihigitan ang kanilang talino ng mga katutubo.
2. Natatakot sila baka maghimagsik ang mga katutubo laban sa kanila.
3. Nangangambang baka magsumbong sa hari ng Espanya ang mga katutubo
tungkol sa kabalbalang ginawa ng mga Kastila sa Pilipinas.
3. PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO
Sa panahong ito ay maraming naisulat na mga akdang pampanitikan
na siyang nagpapagising sa damdaming makabayan at sumibol ang
nasyonalismong Pilipino.
Sa pamamagitan ng Biak na Bato (1897), nakasaad na ang wikang
Tagalog ang siyang magiging wikang opisyal ng Pilipinas.
4. PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO
Sa panahong ito ay namulat ang isipan at
damdaming makabayan ng mga Pilipino .
Dito naitatag ang Kartilya ng
Katipunan na nakasulat sa wikang
Tagalog.
KK- ang popular na tawag sa akda
ni Emilio Jacinto na naglatag ng
mga batas at prinsipyo ng
Katipunan at nagsilbing gabay
para sa mga kasapi nit坦
5. PANAHON NG AMERIKANO
May pagbabagong nagaganap pagdating ng mga Americano sa
bansa.
Kabaligtaran ang nangyari sa panahon ng Amerikano. Pilit nilang
pinakalimutan sa mga katutubo ang wikang bernakyular at
sapilitang ipagamit ang wikang Ingles.
6. PANAHON NG AMERIKANO
Malugod naman itong tinanggap ng ating mga ninuno sa
kadahilanang :
(1.)Uhaw ang ating mga katutubo sa edukasyong liberal.
(2.) Mabuti ang pakikitungo ng mga amerikano sa mga katutubo.
7. PANAHON NG AMERIKANO
Nagpatayo sila ng pitong pampublikong paaralan sa Maynila na
kung saan ang mga sundalong Amerikano ang kanilang unang
nagging guro.
Monroe Educational Commission (1925) Nagsasaad na mabagal
matuto ang mga batang Pilipino kung Ingles ang gamiting wikang
panturo sa paaralan batay sa ginawang sarbey.
8. PANAHON NG AMERIKANO
Panukalang Batas Blg. 577 (1932) gamitin bilang wikang
panturo sa mga paaralang primary ang mga katutubong wika mula
taong panuruan 1932-1933.
9. PANAHONG PAGSASARILI
Saligang Batas ng 1935, Artikulo Blg. XIV, Seksyon 3 ay
nagsasabing ang kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa
pagpapatibay at pagpapaunlad ng isang wikang pambansa na
ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika sa kapuluan.
10. PANAHONG PAGSASARILI
Disyembre 30, 1939 Nagkabisa ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
na wikang tagalog ang gawing batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng
Pilipinas. Ito ay ipinahayag ni Pangulong Quezon sa pamamagitan ng
brodkast sa radio mula sa Malacanang.
Disyembre 13, 1939- Nailimbag ang kauna-unahang Balarilang Pilipino na
siyang bunga ng walang pagod na pagsusumikap at pagmamalasakit sa wika
ni G. Lope K. Santos na kinikilalang Ama ng Balarilang Pilipino.
11. PANAHONG PAGSASARILI
Abril 1, 1940, kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 dito
ipinalimbag ang diksyunaryong Tagalog-Ingles at ng Balarilang ng
Wikang Pambansa upang magamit ng paaralan sa buong kapuluan.
Hunyo 19, 1940 dito sinimulang ituro ang pambansang wikang
nakabatay sa Tagalog sa mga paralang pribado at pampubliko.
12. PANAHON NG HAPON
Sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig at nasarado ang mga
paaralan.
Pagkatapos ng digmaan ay binuksan muli ang mga paaralan at
ipinagamit ang wikang katutubo bilang wikang panturo at
pinakalimutan ang wikang Ingles.
Naging maunlad sa panitikan ang Pilipinas.
13. PANAHON NG HAPON
Inalis ang kurikulum ang wikang Ingles at sapilitang ipinaturo ang
wikang pambansa at wikang Nihonggo.
Binigyang diin ang Niponggo sa mga paaralan at Institusyon.
14. PANAHON NG HAPON
Nobyembre 30,1943 Nilagdaan ni Pangulong Jose P.
Laurel ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 10 na nagtakda
ng ilang repormang pang-edukasyon, isa sa mga iyon ay ang
pagtuturo ng wikang pambansa sa lahat ng publiko at
pribadong paaralan ng hayskul ,kolehiyo at unibersidad.
15. PANAHON NG HAPON
Enero 3, 1944 Binuksan ang isang Surian ng tagalogna
tulad ng Surian ng Niponggo upang ituro ang mga tagalog sa
mga gurong di-tagalog.
16. PANAHON NG REPUBLIKA
Hulyo 4, 1946- Ipinalaba sa Batas Komonwelt Blg.
570 na ang wikang pambansa ay isa ng wikang opisyal
sa Pilipinas.
1946 Ang wikang pambansa ay tatawaging
Wikang Pambansang Pilipino.
17. PANAHON NG REPUBLIKA
Proklamasyon Blg. 186 noong Setyembre 23,1955 na
nagsasabing inilipat ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wika sa Agosto 13-19 na kung saan itinapat ang huling
araw ng pagdiriwang sa kaarawan ni Pangulong Manuel L.
Quezon na binigyang karangalan Ama ng Wikang
Pambansa .
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 7 noong Agosto 13 ,1959
na nagsasabing na ang wikang pambansa ay Pilipino.
18. PANAHON NG REPUBLIKA
Kautusang Pangkagawaran Blg. 96 (1967) na
pangalanan sa Pilipino ang mga gusali at tanggapan ng ating
pamahalaan.
Resolusyon Blg. 70 (1970) ay nagsasabing ang wikang
pambansa ay nagging wikang panturo sa antas elementarya.
19. PANAHON NG REPUBLIKA
Memorandum Sirkular 488, Hulyo 29, 1971.
Humiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na
magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng lingo ng
Wikang pambansa tuwing Agosto 13-19.
20. PANAHON NG BAGONG LIPUNAN
Resolusyon Blg. 73 (1973) iniluwal ang patakarang
bilingguwal. Ito ay ang paggamit ng wikang Ingles at
Pilipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga tiyak na
aralin at bilang hiwalay na asignatura sa kurikulum mula
unang baiting ng mababang paaralan hanggang Kolehiyo
sa lahat ng paaralan.
21. PANAHON NG BAGONG LIPUNAN
1974-1975 ay sinimulang ipatupad ang patakarang
Edukasyong Bilingguwal.
Ipinalabas ang mga aklat ng Mga Katawagang sa
Edukasyong Bilingguwal noong 1975 upang mabilis na
maipalaganap ang bilingguwalismo.
22. PANAHON NG BAGONG LIPUNAN
Memorandum Serkular 77 (1977) pagsasanay ng mga pinuno
at kawani ng mga pamahalaang local sa paggamit ng wikang
Pilipino sa mga transaksyon,komunikasyon at korespondensya.
Lumabas ang kautusang Pangministri Blg. 22 (1978) na nag
uutos ng pagkakaroon ng 6 na yunit na Pilipino sa lahat ng kurso
sa tersyarya at 12 yunit sa mga kursong pang-edukasyon.
23. PANAHON NG BAGONG LIPUNAN
Kautusang pangministri Blg. 40 (1979) ang mga estudyante sa
medisina, dentisa , abogasya at paaralang gradwado ay magkaroon na
rin ng asignaturang Pilipino pati na rin ang mga estudyanteng dayuhan.
Memorandum Sirkular Blg. 80-86 ( Nobyembre 1980 ) nag-aatas
sa lahat ng mga gobernador at mayor ng Pilipinas sa isa-Pilipino ang
mga Sagisag-opisyal.
24. PANAHON NG BAGONG LIPUNAN
Kautusang Pangministri Blg. 102 nagtatakda ng mga Sentro sa
Pagsasanay ng mga guro sa Pilipino bilang midyum ng pagtuturo
sa antas tersyarya.
Constitutional Commission ( Setyembre 10, 1983 )
nagpatibay na ang Pilipino ay gagawin bilang Wikang Pambansa.
25. PANAHON NG KASALUKUYAN
Oktubre 12,1986- pinagtibay ang implementasyon ng paggamit
ng Filipino bilang pambansang wika, gaya ng isinasaad sa 1987
konstitusyon ng Pilipinas ( artikulo 4 seksyon 6 ). Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay
dapat payabungin at pagyamaninpa salig sa umiiral na wika sa
Pilipinas at iba pang wika
26. PANAHON NG KASALUKUYAN
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ( Enero 1987 )
ang dating Surian ng Wikang Pambansa ng (SWP) ay
pinalitan ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP).
27. PANAHON NG KASALUKUYAN
Kautusang Pangkagawaran Blg.84 (1988) nag-aatas sa
lahat ng opisyal sa DECS na isakatuparan ang kautusang
tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na gamitin ang
Filipino sa lahat ng komunikasyon at transakyon ng
pamahalaan.
28. PANAHON NG KASALUKUYAN
Marso 19, 1989 ipinalabas ng kalihim Isidro Carino ng
Edukasyon , kultura at Palakasan ang kautusang
pangkagawaran Blg. 21 na nagtagubilin na gamitin ang
Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa
Saligang Batas at sa bayan natin.
29. PANAHON NG KASALUKUYAN
Batas Republika Blg. 7104 (Agosto 14,1991) nilikha
ang komisyon Sa Wikang Filipino (KWF) bilang alinsunod
sa Artikulo XIV, Seksyon 9 ng 1987 konstitusyon.
30. PANAHON NG KASALUKUYAN
Hulyo 15, 1997 nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel
V. Ramos ang Proklamasyon Blg. 1041 na nagpapahayag ng
taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa mula
Agosto 1-31 na dating Linggo ng Wika.
32. Kumatha ng isang paghahambing tungkol sa
pananakop ng mga dayuhan dito sa ating bansa. Ilahad
kung ano ang naidulot nito sa Pilipinas o sa mga
Pilipino.
Nilalaman - 10
Organisasyon -10
Kabuoan -20