2. Nakaayos ang mga ito batay sa uri ng pagkain, kung ito ba ay
pampagana, sabaw, kanin, panghimagas, ulam na gawa sa karne, isda
gulay o kung itoy mga inumin.
Nakalagay din sa menu ang halaga ng bawat isa upang makapili ang
mga mamimili ng kanilang gusto o kayay ng abot-kaya para sa kanila.
Kung minsay mayroon ding kaunting paglalarawan sa mga pagkaing
nakalagay sa isang menu upang magka-ideya ang mga mambabasa
tungkol sa mga ito.
May ibang menu rin namang nagtataglay ng larawan ng mga pagkain
o inumin.
3. Nakalahad Sa Isang Resipi Ang Paraan
Kadalasang nasa itaas na bahagi ang pangalan ng lutuin at
kalimitan ding may larawan itong kalakip upang higit na maging
katakam-takam para sa mga makakakita.
Iniisa-isa rin ang mga sangkap na kinakailangan kung saan
nakalagay din ang hinihinging sukat o dami para sa bawat isa.
Detalyado ang pagkakasulat ng mga ito sapagkat dito nakasalalay
ang kalalabasan ng lulutuin.
4. Kasunod nito, iniisa-isa rin ang bawat hakbang na kailangang sundin
sa pagluluto.
Tiyak at malinaw ang pagkakalahadsa bawat proseso upang
masigurado ang tamang timpla, itsura at lasa ng lutuin.
Sadyang mahalaga ang tiyak na paglalahad ng mga sangkap at
proseso ng pagluluto sapagkat ito ang susundin ng mga
mambabasang ibig sumubok sa pagluluto ng ng mga ito.
Mainam na sundin ang bawat impormasyong nakasaad sa menu
upang matamo ang akmang kalalabasan ng anumang nais lutuin.