際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
WIKA
KAHULUGAN AT
MGA KATANGIAN
NITO
INIHANDA NI: ANA MELISSA VENIDO-
PAGBABALIK-ARAL
Ang komunikasyon ay
________________________
________________________
MANOOD TAYO!
Pabili.mp4
ANO NGA BA ANG WIKA?
KAHULUGAN NG
WIKA
Ayon kay Constantino ang wika
ay maituturing na behikulo ng
pagpapahayag ng damdamin, isang
instrumento rin sa pagtatago at
pagsisiwalat ng katotohanan.
Ayon kay Sapir ang wika ay ginagamit
bilang kasangkapan sa sosyalisasyon na kung
walang wika, walang iiral na relasyong sosyal.
Gumagamit ang mga tao ng mga simbolismo
upang makipag-ugnayan sa iba na
nagbubunga ng pagkakaroon ng pagkakaisa.
Ang wika ay tumutukoy sa
kakayahan ng tao na mag-angkin at
gumamit ng mga komplikadong
sistemang pangkomunikasyon, o sa
ispesipikong pagkakataon ng nasabing
komplikadong sistemang
pangkomunikasyon
Ang wika ay instrumento ng
komunikasyon. Sa pamamagitan ng wika
ay naipapahayag ng tao ang kanyang
kaisipan at saloobin sa ibang tao.
Nagagamit niya ito sa ibat ibang aspekto
ng buhay gaya ng pang-ekonomiya,
pampolitika, pang-edukasyon at iba pa.
Ang wika ang tulay sa pagkakaroon ng
pagkakaintindihan sa bawat mamamayan.
Ito ay gamit upang magkaroon ng kaunlaran
ang isang lipunan. Sa pamamagitan ng wika,
nagkakaroon ng komunikasyon ang mga tao
at nagiging produktibo ang mga
mamamayan.
MGA PANLAHAT
NA KATANGIAN NG
WIKA
Ang wika ay
MASISTEMANG
BALANGKAS
Ponema ang tawag sa makahulugang
tunog ng isang wika samantalang Ponolohiya
naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral
ng mga ito. Kapag ang mga ponemang ito ay
pinagsama, maaaring makabuo ng maliit na
unit ng salita na tinatawag na morpema.
Morpolohiya naman ang tawag sa
makaagham na pag-aaral ng mga morpema.
Samantala, kapag ang mga salita ay ating
pinag-uugnay, maaari naman tayong
makabuo ng mga pangungusap.
Sintaksis naman ang tawag sa
makaagham na pag-aaral ng mga
pangungusap. Kapag nagkaroon na ng
makahulugang palitan ng mga
pangungusap ang dalawa o higit pang tao
ay nagkakaroon na ng tinatawag na
diskurso.
BALANGKAS NG WIKA
Ang wika ay
SINASALITANG TUNOG
Bawat wika ay may kanya-kanyang
set ng mga makahulugang tunog o ponema.
Makahulugan ang isang tunog sa isang
wika kapag ito ay nagtataglay ng
kahulugan o di kayay may kakayahang
makapagbabago ng kahulugan ng isang
morpema o salita.
Ang wika ay
PINIPILI AT ISINASAAYOS
Upang maging epektib ang
komunikasyon, kailangang isaayos natin
ang paggamit ng wika. Sa lahat ng
pagkakataon, pinipili natin ang wikang
gagamitin.
Bakit lagi nating pinipili ang wikang
ating gagamitin?
Sagot: upang tayoy maunawaan ng ating
kausap. Hindi maaaring ipagpilitan
nating gamitin ang isang wikang hindi
nauunawaan ng ating kausap.
Ang wika ayMAY SARILING
KAKANYAHAN
Walang wika ang superior sa ibang
wika, Ingles ang wikang internasyunal,
Latin o Griyego ang pinagmulan ng
sibilisasyon ngunit, hindi masasabing ito ay
higit na mataas o namumukod sa ibang
wika. Lahat ng wika ay pantay-pantay.
Ang wika ay ARBITRARYO
Bawat bansang may sariling wika ay
may napagkakasunduang sistema sa
paggamiit ng wika. Hal. Kung paano ito
bigkasin o basahin, ilang titik ang buuin ng
alfabeto, ano ang sistema ng panghihiram
sa wikang katutubo, dayuhan at iba pa.
Ang wika ay GINAGAMIT
Ang wika ay kasangkapan sa
komunikasyon at katulad ng kasangkapang
hindi ginagamit ay nawawalan na ng saysay.
Hindi ba? Gayon din ang wika. Kapag hindi
natin ito ginagamit ay unti-unti itong
mawawala at tuluyang mamamatay.
Ang wika ay
NAKABATAY SA KULTURA
Ayon kay Salazar (sa Constantino at
Atienza 1996) kung ang kultura ay ang
kabuuan ng isip, damdamin, gawi, at
kaalaman na nagtatakda ng maaring
kakanyahan ng isang kalipunan ng tao, ang
wika ay hindi lamang daluyan kundi, higit pa
rito, tagapagpahayag at impukan-kuhanan ng
alinmang kultura.
Ang wika ay DINAMIKO
Ayon kay Hafalla (sa Pagkalinawan 2002)
ang wika ay lumalawak at yumayaman dahil sa
mga gumagamit nito. Sa pag-unlad ng larangan
ng pangkalakalan, medisina at siyensya, ang tao
ay nakalilikha , nakabubuo at nakapanghihiram
ng mga bagong salita at katawagang magagamit
para sa pagpapahayag ng mga ideya.
Ang wika ayNANGHIHIRAM
Karaniwan sa lahat ng wika ang sistemang
panghihiram na gaya ng wikang Filipino.
Resolusyon 96- 1 ng KWF (1996): Ang Filipino ay
dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan
ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di
katutubong wika. Ang panghihiram ay bahagi ng
paglinang sa isang wika para sa mabisang
pagpapahayag at mahusay na pakikipag-ugnayan sa
ibat ibang tao sa lipunan (Pagkaliwanan 2002).
GAWIN NATIN!
Pamantayan sa Pagmamarka
Kaangkupan sa paksa . 40 puntos
Kahusayan sa Pagganap  25 puntos
Wastong Paggamit ng Wika  25 puntos
Kaisahan ng Pangkat .. 10 puntos
KABUUAN 100 puntos
KATANGIAN NG WIKA-Q1 LESSON.pptx
SUBUKIN MO!
1. SALUMPWET NOON, UPUAN
NGAYON
2. PAGHAHANDOG NG TULA SA
DALAGANG NILILIGAWAN
3. PAHINGI PA NGA NG
POPCORN
4. /u/ /l/ /a/ /l/ = ulap
5. Nag-aaral Anna nang siya mabuti
makapasa pagsusulit sa
Si Anna ay nag-aaral nang mabuti upang
makapasa siya sa pagsusulit
6. ILOKANO  balay
TAUSUG  bay
CHAVACANO  casa
7. Ang salitang bomba ay nangangahulugan
na:
- pampasabog
- igiban ng tubig mula sa lupa
- sikreto o baho ng mga kilalang tao
8. ICE FORMATIONS
(Filipino versus Ingles)
9. PAGGAMIT NG WIKA SA IBAT
IBANG SITWASYON
10. WIKANG FILIPINO BILANG
WIKANG PAMBANSA NG PILIPINAS
TAKDANG-ARALIN
oMagsasagawa ng isang
pakikipanayam hinggil sa mga
wika sa Pilipinas.
oMaaaring kapanayamin ang isang
indibidwal na nakaranas nang dumayo o
mangibang bansa gamit ang kasunod na
mga tanong:
a.Anong wika ang iyong natutuhan maliban sa unang wika?
b.Madali bang matutuhan ang ibang wika?
c. Paano nagkakaiba o nagkakatulad ang paggamit ng mga
ito?
d.Nagagamit mo ba nang buong husay ang wikang
natutuhan mo sa pakikipagtalastasan?
MARAMING SALAMAT
PO!

More Related Content

KATANGIAN NG WIKA-Q1 LESSON.pptx

  • 4. ANO NGA BA ANG WIKA?
  • 6. Ayon kay Constantino ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang instrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan.
  • 7. Ayon kay Sapir ang wika ay ginagamit bilang kasangkapan sa sosyalisasyon na kung walang wika, walang iiral na relasyong sosyal. Gumagamit ang mga tao ng mga simbolismo upang makipag-ugnayan sa iba na nagbubunga ng pagkakaroon ng pagkakaisa.
  • 8. Ang wika ay tumutukoy sa kakayahan ng tao na mag-angkin at gumamit ng mga komplikadong sistemang pangkomunikasyon, o sa ispesipikong pagkakataon ng nasabing komplikadong sistemang pangkomunikasyon
  • 9. Ang wika ay instrumento ng komunikasyon. Sa pamamagitan ng wika ay naipapahayag ng tao ang kanyang kaisipan at saloobin sa ibang tao. Nagagamit niya ito sa ibat ibang aspekto ng buhay gaya ng pang-ekonomiya, pampolitika, pang-edukasyon at iba pa.
  • 10. Ang wika ang tulay sa pagkakaroon ng pagkakaintindihan sa bawat mamamayan. Ito ay gamit upang magkaroon ng kaunlaran ang isang lipunan. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaroon ng komunikasyon ang mga tao at nagiging produktibo ang mga mamamayan.
  • 13. Ponema ang tawag sa makahulugang tunog ng isang wika samantalang Ponolohiya naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga ito. Kapag ang mga ponemang ito ay pinagsama, maaaring makabuo ng maliit na unit ng salita na tinatawag na morpema.
  • 14. Morpolohiya naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga morpema. Samantala, kapag ang mga salita ay ating pinag-uugnay, maaari naman tayong makabuo ng mga pangungusap.
  • 15. Sintaksis naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap. Kapag nagkaroon na ng makahulugang palitan ng mga pangungusap ang dalawa o higit pang tao ay nagkakaroon na ng tinatawag na diskurso.
  • 18. Bawat wika ay may kanya-kanyang set ng mga makahulugang tunog o ponema. Makahulugan ang isang tunog sa isang wika kapag ito ay nagtataglay ng kahulugan o di kayay may kakayahang makapagbabago ng kahulugan ng isang morpema o salita.
  • 19. Ang wika ay PINIPILI AT ISINASAAYOS
  • 20. Upang maging epektib ang komunikasyon, kailangang isaayos natin ang paggamit ng wika. Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang gagamitin.
  • 21. Bakit lagi nating pinipili ang wikang ating gagamitin? Sagot: upang tayoy maunawaan ng ating kausap. Hindi maaaring ipagpilitan nating gamitin ang isang wikang hindi nauunawaan ng ating kausap.
  • 22. Ang wika ayMAY SARILING KAKANYAHAN
  • 23. Walang wika ang superior sa ibang wika, Ingles ang wikang internasyunal, Latin o Griyego ang pinagmulan ng sibilisasyon ngunit, hindi masasabing ito ay higit na mataas o namumukod sa ibang wika. Lahat ng wika ay pantay-pantay.
  • 24. Ang wika ay ARBITRARYO
  • 25. Bawat bansang may sariling wika ay may napagkakasunduang sistema sa paggamiit ng wika. Hal. Kung paano ito bigkasin o basahin, ilang titik ang buuin ng alfabeto, ano ang sistema ng panghihiram sa wikang katutubo, dayuhan at iba pa.
  • 26. Ang wika ay GINAGAMIT
  • 27. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng kasangkapang hindi ginagamit ay nawawalan na ng saysay. Hindi ba? Gayon din ang wika. Kapag hindi natin ito ginagamit ay unti-unti itong mawawala at tuluyang mamamatay.
  • 28. Ang wika ay NAKABATAY SA KULTURA
  • 29. Ayon kay Salazar (sa Constantino at Atienza 1996) kung ang kultura ay ang kabuuan ng isip, damdamin, gawi, at kaalaman na nagtatakda ng maaring kakanyahan ng isang kalipunan ng tao, ang wika ay hindi lamang daluyan kundi, higit pa rito, tagapagpahayag at impukan-kuhanan ng alinmang kultura.
  • 30. Ang wika ay DINAMIKO
  • 31. Ayon kay Hafalla (sa Pagkalinawan 2002) ang wika ay lumalawak at yumayaman dahil sa mga gumagamit nito. Sa pag-unlad ng larangan ng pangkalakalan, medisina at siyensya, ang tao ay nakalilikha , nakabubuo at nakapanghihiram ng mga bagong salita at katawagang magagamit para sa pagpapahayag ng mga ideya.
  • 33. Karaniwan sa lahat ng wika ang sistemang panghihiram na gaya ng wikang Filipino. Resolusyon 96- 1 ng KWF (1996): Ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di katutubong wika. Ang panghihiram ay bahagi ng paglinang sa isang wika para sa mabisang pagpapahayag at mahusay na pakikipag-ugnayan sa ibat ibang tao sa lipunan (Pagkaliwanan 2002).
  • 35. Pamantayan sa Pagmamarka Kaangkupan sa paksa . 40 puntos Kahusayan sa Pagganap 25 puntos Wastong Paggamit ng Wika 25 puntos Kaisahan ng Pangkat .. 10 puntos KABUUAN 100 puntos
  • 38. 1. SALUMPWET NOON, UPUAN NGAYON
  • 39. 2. PAGHAHANDOG NG TULA SA DALAGANG NILILIGAWAN
  • 40. 3. PAHINGI PA NGA NG POPCORN
  • 41. 4. /u/ /l/ /a/ /l/ = ulap
  • 42. 5. Nag-aaral Anna nang siya mabuti makapasa pagsusulit sa Si Anna ay nag-aaral nang mabuti upang makapasa siya sa pagsusulit
  • 43. 6. ILOKANO balay TAUSUG bay CHAVACANO casa
  • 44. 7. Ang salitang bomba ay nangangahulugan na: - pampasabog - igiban ng tubig mula sa lupa - sikreto o baho ng mga kilalang tao
  • 45. 8. ICE FORMATIONS (Filipino versus Ingles)
  • 46. 9. PAGGAMIT NG WIKA SA IBAT IBANG SITWASYON
  • 47. 10. WIKANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA NG PILIPINAS
  • 49. oMagsasagawa ng isang pakikipanayam hinggil sa mga wika sa Pilipinas.
  • 50. oMaaaring kapanayamin ang isang indibidwal na nakaranas nang dumayo o mangibang bansa gamit ang kasunod na mga tanong:
  • 51. a.Anong wika ang iyong natutuhan maliban sa unang wika? b.Madali bang matutuhan ang ibang wika? c. Paano nagkakaiba o nagkakatulad ang paggamit ng mga ito? d.Nagagamit mo ba nang buong husay ang wikang natutuhan mo sa pakikipagtalastasan?