際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
KATEKESIS SA PANALANGIN
SITWASYON NG BUHAY:
(Kwento ng isang matanda)
Isang matandang babaeng nagdarasal sa harap ng altar ang malimit na
mapansin ng kura-paroko. Kapansin pansin siya dahil araw-araw niyang
ginagawa iyon pagkatapos ng misa, may kalakasan ang boses subalit
mataimtim, napapatlangan ng kanyang pag-ubo ang bawat saknong at sa
salitang ingles. Minsan tinanong siya ng pari kung bakit ginagawa niya yon?
kasi po hinihiling ko sa Ama natin na pagalingin ako sa matinding ubo, sagot
niya. Pero mali yata po ang mga salita ng iyong dasal, sabi ng pari, baka
hindi kayo pakinggan ng Diyos. Alam nap o niya, yon, buong tiwalang sabi
ng matanda; ito po kasi ang natutunan ko, at dinasal niya yon: Our Father
whose in heaven, Halloween thy name; Thy King dont come. thy heal be
done on earth as it in heaven. At itinuro ng pari ang tamang salita. Sa
tuwing maririnig ng pari ang babae sa kanyang pagdarasal, muling bumabalik
siya sa dati niyang sinasabi kahit paulit-ulit na itama ng pari . Hanggang
nagsawa na ang pari. Minsan makalipas ang ilang panahon napansin ng pari
muli ang matanda na nagdarasal. Mali pa rin ang mga salitang ginagamit niya
subalit hindi na siya umuubo. Napagtanto ng pari na bagaman mali ang mga
salita matanda, ang disposisyon niya ay nasa tama. Nasiyahan ang Diyos sa
kanyang paraan ng pagdarasal at ipinagkaloob ang kanyang kahilingan o
hinihiling . Kung sabagay nababasa muna ng Diyos ang nasa puso ng tao
bago ang kanyang mga labi..
Ano ba ang Panalangin?
 Ito ay personal na pakikipag-usap sa Diyos
 Sa panalangin tinataas natin ang ating isip at puso sa Diyos, at tayo ay
personal na tumutugon sa panawagan ng Diyos na ibigin siya
Bakit kailangan nating manalangin?
1. A- Upang purihin ang Diyos
2. C- Upang humihingi ng tawad sa mga nagawang kasalanan
3. T- Upang magpasalamat sa mga biyayang ipinagkakaloob
4. S- Upang humihingi ng tulong at gabay
Subalit papaano ba tayo mananalangin katulad sa ating ebanghelyo ang
isang babaing balo na punta ng punta sa hukom upang humingi ng
katarungan. ngunit tinanggihan siya ng hukom sa loob ng ilang panahon.
Ngunit nang malaunan ay nasabi nito sa sarili: Bagamat hindi ako natatakot
sa Diyos ni gumagalang kaninuman, igagawa ko na ang katarungang hinihingi
ng babaing ito sapagkat lagi niya akong ginagambala  baka pa ako mainis sa
kapaparito niya. At sinabi ng Panginoon, Narinig ninyo ang sinabi ng
masamang hukom. Hindi ipagkakait ng Diyos ang katarungan sa kanyang
mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi, bagamat tila nagtatagal
Inihanda ni Joemer V. Aragon Page 1
iyon. Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang katarungan.
Ngunit pagdating ng Anak ng Tao sa daigdig na ito, may makikita kaya siyang
mga taong nananalig sa kanya?
Ang unang inaasahan sa atin ay ang tamang saloobin o disposisyon. Ang
tamang disposisyon ay ang saloobin ni Jesus sa harap ng Diyos-siya ang AMA
para kay Jesus. At ito ang katotohang ipinahayag ni Hesus sa buong panahon
ng pagtigil niya dito sa lupa. Ipinakilala niya ang Diyos hindi bilang isang
makapangyarihan at malayo sa tao kundi isang Ama na nagmamahal sa
kanyang anak at nakakaalam ng kanilang pangangailangan. Bagaman sapat
na ang larawan ng Ama, ipinakita pa rin ni Jesus ang Diyos bilang kaibigan na
maaasahan sa oras ng kagipitan. Kaya sa harap ng isang Ama o isang
kaibigan nandoon ang pagtitiwala na hindi ka nila bibiguin. Ang ganitong
saloobin ay napakahalaga sa ating pakikipag-ugnay sa Diyos. Kaya nga
lamang kung minsan o kayay malimit na hindi natin iginagalang ang kanyang
pagiging Ama sa pamamagitan ng hindi natin pamumuhay bilang kanyang
mga tunay na Anak. hindi natin inaasa sa kanya ang ating mga kailngan, at
sa halip ay sa ibang kapangyarihan tulad ,ng pera, lakas at katanyagan. Hindi
natin iginagalang ang kanyang kalooban. Kung minsan naman ay inaaway
natin ang ang kanyang ibang mga anak, na mga kapatid natin o kayay
tinaraydor natin ang ating mga kaibigan. Ang masakit pa po nito, kapag
nangyari na ang mga bagay na ito, hindi tayo marunong magpatawaran sa
isat-isa. Kaya ang panalanging itinuro ni Jesus ay humahamon din sa atin na
papaghariin natin ang Diyos sa ating buhay, sa ating daigidig.
Isa pang mahalagang bagay na dapat pagsikapan sa ating panalangin ay ang
pagtitiyaga o determinasyon na kailaman ay di susuko o manghihinawa. sabi ni San
Pablo sa kanyang mga sulat Huwag manghinawa sa panalangin. nakita po natin sa
ito babaeng balo hindi siya nagsawa na humingi at bumalik sa hukom. Dahil nga
ang Diyos ay ating Ama at kaibigan walang dahilan tayo upang sumuko at hindi
magtiwala.
Isang bagay na nagpapahirap sa atin upang manalangin ay ang mga
katanungang ito: Kung alam na ng Diyos ang ating pangangailangan bakit pa
kailangan nating magdasal; at kung talagang alam na nga niya bakit hindi niya ito
ipinagkakaloob? Bilang tao ang panalangin ay isang Gawaing nagpapahayag ng
ating kalayaan. Ito rin ay pagpapahayag ng ating pagkilala sa ating pagiging
nilalang at pag-asa sa Diyos. Ngayon, dahil nga alam niya ang ating
pangangailangan tinutugon niya ang ating pangangailangan ayon sa kanyang
karunungan at pamamaraan na kung minsan ay hindi ayon sa ating inaasahan dahil
hindi nga natin tiyakang nababatid ang kanyang walang hanggang karunungan.
Kaya nga sa huli ang nais niyang hilingin natin sa kanya ang Banal na Espiritu, Ang
kanyang pinakadakilang biyaya. Sapagkat ito ang espiritu ng Katotohanan at
karunungan na siyang magbibigay sa atin ng kabatiran sa lahat ng bagay at lalot
higit ang dulot nitong kapayapaan, dahil natanggap na natin ang kanyang kalooban
sa ating buhay.
Inihanda ni Joemer V. Aragon Page 2
Sa panalangin kinakailangan ang tamang saloobin o disposisyon at espiritu ng
pagtitiyaga. Ang Banal na Espiritu ang pinakadakilang biyaya na mahihiling ng
sinuman sa kanyang pananalangin. Sinabi ni Jesus Humingi kayo, at kayoy
bibigyan; humanap kayo at kayoy makakasumpong; kumatok kayo, at ang pintoy
bubuksan para sa inyo. Nawa lagi tayong humingi, humanap at kumatok sa ating
Panginoong Diyos sa pamamagitan ng Panalangin.
Tugon ng Pananampaltaya:
lagi po nating tandaan na ang PANALANGIN NA MAY KASAMANG SAKRIPISYO
AY KALUGUD-LUGOD SA ATING PANGINOONG DIYOS.
Inihanda ni
Joemer V. Aragon
Catechists Coordinator for Education
joemeraragon@yahoo.com
St. Rapael the Archangel Parish
Basud, Camarines Norte
Inihanda ni Joemer V. Aragon Page 3

More Related Content

Katekesis sa panalangin

  • 1. KATEKESIS SA PANALANGIN SITWASYON NG BUHAY: (Kwento ng isang matanda) Isang matandang babaeng nagdarasal sa harap ng altar ang malimit na mapansin ng kura-paroko. Kapansin pansin siya dahil araw-araw niyang ginagawa iyon pagkatapos ng misa, may kalakasan ang boses subalit mataimtim, napapatlangan ng kanyang pag-ubo ang bawat saknong at sa salitang ingles. Minsan tinanong siya ng pari kung bakit ginagawa niya yon? kasi po hinihiling ko sa Ama natin na pagalingin ako sa matinding ubo, sagot niya. Pero mali yata po ang mga salita ng iyong dasal, sabi ng pari, baka hindi kayo pakinggan ng Diyos. Alam nap o niya, yon, buong tiwalang sabi ng matanda; ito po kasi ang natutunan ko, at dinasal niya yon: Our Father whose in heaven, Halloween thy name; Thy King dont come. thy heal be done on earth as it in heaven. At itinuro ng pari ang tamang salita. Sa tuwing maririnig ng pari ang babae sa kanyang pagdarasal, muling bumabalik siya sa dati niyang sinasabi kahit paulit-ulit na itama ng pari . Hanggang nagsawa na ang pari. Minsan makalipas ang ilang panahon napansin ng pari muli ang matanda na nagdarasal. Mali pa rin ang mga salitang ginagamit niya subalit hindi na siya umuubo. Napagtanto ng pari na bagaman mali ang mga salita matanda, ang disposisyon niya ay nasa tama. Nasiyahan ang Diyos sa kanyang paraan ng pagdarasal at ipinagkaloob ang kanyang kahilingan o hinihiling . Kung sabagay nababasa muna ng Diyos ang nasa puso ng tao bago ang kanyang mga labi.. Ano ba ang Panalangin? Ito ay personal na pakikipag-usap sa Diyos Sa panalangin tinataas natin ang ating isip at puso sa Diyos, at tayo ay personal na tumutugon sa panawagan ng Diyos na ibigin siya Bakit kailangan nating manalangin? 1. A- Upang purihin ang Diyos 2. C- Upang humihingi ng tawad sa mga nagawang kasalanan 3. T- Upang magpasalamat sa mga biyayang ipinagkakaloob 4. S- Upang humihingi ng tulong at gabay Subalit papaano ba tayo mananalangin katulad sa ating ebanghelyo ang isang babaing balo na punta ng punta sa hukom upang humingi ng katarungan. ngunit tinanggihan siya ng hukom sa loob ng ilang panahon. Ngunit nang malaunan ay nasabi nito sa sarili: Bagamat hindi ako natatakot sa Diyos ni gumagalang kaninuman, igagawa ko na ang katarungang hinihingi ng babaing ito sapagkat lagi niya akong ginagambala baka pa ako mainis sa kapaparito niya. At sinabi ng Panginoon, Narinig ninyo ang sinabi ng masamang hukom. Hindi ipagkakait ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi, bagamat tila nagtatagal Inihanda ni Joemer V. Aragon Page 1
  • 2. iyon. Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang katarungan. Ngunit pagdating ng Anak ng Tao sa daigdig na ito, may makikita kaya siyang mga taong nananalig sa kanya? Ang unang inaasahan sa atin ay ang tamang saloobin o disposisyon. Ang tamang disposisyon ay ang saloobin ni Jesus sa harap ng Diyos-siya ang AMA para kay Jesus. At ito ang katotohang ipinahayag ni Hesus sa buong panahon ng pagtigil niya dito sa lupa. Ipinakilala niya ang Diyos hindi bilang isang makapangyarihan at malayo sa tao kundi isang Ama na nagmamahal sa kanyang anak at nakakaalam ng kanilang pangangailangan. Bagaman sapat na ang larawan ng Ama, ipinakita pa rin ni Jesus ang Diyos bilang kaibigan na maaasahan sa oras ng kagipitan. Kaya sa harap ng isang Ama o isang kaibigan nandoon ang pagtitiwala na hindi ka nila bibiguin. Ang ganitong saloobin ay napakahalaga sa ating pakikipag-ugnay sa Diyos. Kaya nga lamang kung minsan o kayay malimit na hindi natin iginagalang ang kanyang pagiging Ama sa pamamagitan ng hindi natin pamumuhay bilang kanyang mga tunay na Anak. hindi natin inaasa sa kanya ang ating mga kailngan, at sa halip ay sa ibang kapangyarihan tulad ,ng pera, lakas at katanyagan. Hindi natin iginagalang ang kanyang kalooban. Kung minsan naman ay inaaway natin ang ang kanyang ibang mga anak, na mga kapatid natin o kayay tinaraydor natin ang ating mga kaibigan. Ang masakit pa po nito, kapag nangyari na ang mga bagay na ito, hindi tayo marunong magpatawaran sa isat-isa. Kaya ang panalanging itinuro ni Jesus ay humahamon din sa atin na papaghariin natin ang Diyos sa ating buhay, sa ating daigidig. Isa pang mahalagang bagay na dapat pagsikapan sa ating panalangin ay ang pagtitiyaga o determinasyon na kailaman ay di susuko o manghihinawa. sabi ni San Pablo sa kanyang mga sulat Huwag manghinawa sa panalangin. nakita po natin sa ito babaeng balo hindi siya nagsawa na humingi at bumalik sa hukom. Dahil nga ang Diyos ay ating Ama at kaibigan walang dahilan tayo upang sumuko at hindi magtiwala. Isang bagay na nagpapahirap sa atin upang manalangin ay ang mga katanungang ito: Kung alam na ng Diyos ang ating pangangailangan bakit pa kailangan nating magdasal; at kung talagang alam na nga niya bakit hindi niya ito ipinagkakaloob? Bilang tao ang panalangin ay isang Gawaing nagpapahayag ng ating kalayaan. Ito rin ay pagpapahayag ng ating pagkilala sa ating pagiging nilalang at pag-asa sa Diyos. Ngayon, dahil nga alam niya ang ating pangangailangan tinutugon niya ang ating pangangailangan ayon sa kanyang karunungan at pamamaraan na kung minsan ay hindi ayon sa ating inaasahan dahil hindi nga natin tiyakang nababatid ang kanyang walang hanggang karunungan. Kaya nga sa huli ang nais niyang hilingin natin sa kanya ang Banal na Espiritu, Ang kanyang pinakadakilang biyaya. Sapagkat ito ang espiritu ng Katotohanan at karunungan na siyang magbibigay sa atin ng kabatiran sa lahat ng bagay at lalot higit ang dulot nitong kapayapaan, dahil natanggap na natin ang kanyang kalooban sa ating buhay. Inihanda ni Joemer V. Aragon Page 2
  • 3. Sa panalangin kinakailangan ang tamang saloobin o disposisyon at espiritu ng pagtitiyaga. Ang Banal na Espiritu ang pinakadakilang biyaya na mahihiling ng sinuman sa kanyang pananalangin. Sinabi ni Jesus Humingi kayo, at kayoy bibigyan; humanap kayo at kayoy makakasumpong; kumatok kayo, at ang pintoy bubuksan para sa inyo. Nawa lagi tayong humingi, humanap at kumatok sa ating Panginoong Diyos sa pamamagitan ng Panalangin. Tugon ng Pananampaltaya: lagi po nating tandaan na ang PANALANGIN NA MAY KASAMANG SAKRIPISYO AY KALUGUD-LUGOD SA ATING PANGINOONG DIYOS. Inihanda ni Joemer V. Aragon Catechists Coordinator for Education joemeraragon@yahoo.com St. Rapael the Archangel Parish Basud, Camarines Norte Inihanda ni Joemer V. Aragon Page 3