2. 3 URI NG KAUKULAN NG
PANGNGALAN
PALAGYO-kung ang pangngalan ay ginagamit
bilang:
SIMUNO-ang pinag-uusapan sa pangungusap
Hal: Ang Diyos ay mabuti.
PANTAWAG-pangngalan sinasambit o
tinatawag sa pangungusap.
Hal: Panginoon,salamat po sa pagmamahal mo
sa amin.
3. KAGANAPANG PANSIMUNO-ang simuno at
ang isa pang pangngalan sa panaguri ay iisa.
Hal: Si Yahweh ay kinikilalang Diyos ng mga
Hudyo.
PAMUNO-ang pangngalang tumutukoy sa
simuno at nasa bahagi rin ng simuno.
Hal: Si Yahweh,ang ating Diyos ay laging
gumagabay sa atin.
4. PALAYON-kung ang pangngalan ay ginagamit
bilang:
-LAYON NG PANDIWA-kung ang pangngalan ay
tagatanggap ng kilos.
Hal: Ang Panginoon ay nagbibigay ng biyaya sa
lahat.
Ang pagmamahal ng Diyos ang lakas niya sa
buhay.
5. -LAYON NG PANG-UKOL-kung ang
pangngalan ay pinaglalaan ng
kilos at kasunod ng pang-ukol.
Hal: Ang Diyos ay nagliligtas sa mga
tao.
Nagpapasiklab siya para kay Lola
Everlyn.
6. PAARI-kung may dalawang pangngalan
magkasunod ,ang ikalawang pangngalan
ay nagpapakita ng pagmamay-ari.
Hal: Ang pag-ibig ni Yahweh ay walang
kapantay.
Ang pamilya ni Haya ay buo at matatag.
7. Palagyo-nasa kaukulang ito ang pangngalan
kung itoy ginamit bilang simuno, kaganapang
pansimuno, pamuno at pantawag.
Palayon-pangngalang na maaari maging layon
ng pang-ukol at layon ng pandiwa.