2. Maraming nagawa ang siyensiya noong
ika-19 na siglo.
Walang alinmang panahon sa kasaysayan
ng daigdig na nagtamo ang sangkatauhan
ng mga pambihirang kaunlaran sa mga
likas ng agham.
3. Nabago ni Charles Lyell (1797-1859), isang
English geologist, ang siyensiyang heolohikal dahil
sa kaniyang uniformitarian theory.
Sa kaniyang bantog na aklat na The Principles of
Geology (1830), ipinalagay niya na nagkahugis ang
ibabaw ng mundo, hindi dahil sa mga pagsabog ng
kalikasan, kundi dahil sa dahan-dahan at untiunting pagbabago sa paglipas ng panahon.
Ang teoryang ito ang tinanggap na paliwanag
tungkol sa mga pagbabago sa ibabaw ng mundo.
5. Ang pinakasensyonal na teorya ng siglo ay ang teorya
ng ebolusyon, na nagsasabing ang buhay ay resulta ng
ebolusyon, sa pamamagitan ng mga sumusunod na
antas. Ang ideya ng ebolusyon ay iminungkahi ng mga
sinaunang tao.
Dalawang siyentipiko noong ika-18 siglo, sina Buffon
at Lamarck, ang unang nagsabi nito.
Ngunit ang nagpasikat sa teorya ng ebolusyon ay ang
siyentipikong English na si Charles Darwin (1809-82)
sa kanyang akat na The Origin of the Species by
Means of Natural Selection (1859). Kaya ang teorya
ng ebolusyon ay tinatawag na Darwinism.
6. Ang teoryang Darwin ng ebolusyon ay lumikha ng
malaking kontrobersiya sa buong panahon ng
makabagong daigdig.
Ito ay sinuportahan ni Alfred Rusell Wallace
(English), na naglinang ng teorya ng ebolusyon nang
hiwalay kay Darwin; si Thomas Henry Huxley
(English), na naging pangunahing kasama ni Darwin; at
si Ernest Hacckel, isang German biologist at
philosoper.
7. Umunlad ang Kemistri noong ika-19 na siglo
pagkatapos matuklasan ni John Dalton (1766-1844) na
ang isang bagay (matter) ay binubuo ng napakalilit na
atom.
Mula sa teorya ng atom ni Dalton, si Joseph Louis
Gay-Lussac, isang French chemist, ang nakatuklas
noong 1809 na kapag hinalo ang ibat ibang gas,
nakakalikha ng mga bagong chemical compounds :
halimbawa, ang dalawang bolyum ng oxygen ay
nakalikha ng tubig.
Sa Germany, ang chemical science ay umunlad dahil sa
mga pagsasaliksik ni Friedrich Wohler at Justus von
Liebig.
8. Noong 1828, inilatag ni Wohler ang pundasyon ng
synthetic chemistry. Nakagawa si Liebig ng
artipisyal na abono sa kaniyang laboratoryo, kaya
humusay ang maka-agham na agrikultura.
Sa huling bahagi ng ika-19 siglo, isinulong ni Dmitri
Mendeleev, isang siyentipikong Russian, ang
periodic law of chemistry na nagsasabing kapag
ang mga elemento ay nakatala nang sunud-sunod
sa kaayusan ng kanilang atomic weights,
magpapakita sila ng magkakatulad na katangian sa
pamamagitan ng walo.
Si Louis Pasteur (1822-95) ng France, isa sa
pinakabantog na chemist sa daigdig, ang gumamit
ng chemistry upang iligtas ang biological science.
9. Ipinakilala niya ang pasteurization ng gatas
(sterilization sa pamamagitan ng pagkukulo upang
patayin ang mga mikrobyo), tumuklas ng lunas sa
rabies, at nakatuklas na ang fermentation o
pangangasim ng pagkain at iba pang sanhi ay sanhi
ng bakterya.
10. Ang mga bagong pagtuklas sa pisika noong ika-19
siglo at unang bahagi ng ika-20 siglo ay tumulong
sa pag-asenso ng sangkatauhan.
Ang mga kahanga-hangang nagawa sa siyensiya ay
ang pagtuklas ni Count Volta ang electric battery
noong 1800, ang imbensyon ni Michael Faraday ng
electric dynamo noong 1831, at imbensyon ni
Thomas Edison ng electric bulb noong 1879.
Ang siyensiya ng acoustics ay sinimulan ng isang
siyentipikong German, si Heinrich Rudolf Hertz,
ay nakatuklas ng tinawag na Hertzian waves na
humawi ng landas para sa imbensyon ng wireless
telegraphy.
11. Noong 1898, pinahanga ng mag-asawang Dr.
Pierre at Marie Curie ang mundo sa kanilang
pagkatuklas ng bagong elementong tinatawag
na radium. Sa tuklas na ito, sila ay ginawaran
ng Nobel Prize sa Pisika noong 1903.
Ang radium ay nakukuha mula sa mineral na
tinatawag na pitch-blended na malakas sa
radioactive.
Sa pasimula ng ika-20 siglo, si Albert Einstein
(tubong German ngunit naging mamamayang
Amerikano), isa sa pinakadakilang henyo ng
siyensiya sa daigdig, ang nagpabago ng
siyensiya ng pisika.
12. Ang kaniyang theory of relativity, na
iminungkahi niya noong 1905, ay nagbigay sa
taong bagong pananaw sa matter, oras, space
at kilos, na magkakaugnay sa isat isa.
Ang kaniyang mga siyentipikong pag-aaral ang
humawi ng landas para sa siyensiyang nukleyar.
13. Ang siyensiya ng medisina ay nagkaroon ng
malaking pagbabago noong ika-19 siglo. Si Elias
Metchnikoff (Russian) ang nakatuklas ng white
blood corpuscles na lumalaban sa mga mikrobyo.
Si Louis Pasteur (French) ang nanguna sa larangan
ng serum therapy sa pamamagitan ng pagtuklas ng
isang antitoxin laban sa hydrophobia.
Si Robert Koch (German) ang nakatuklas ng
mikrobyo ng tuberkulosis, si Emil von Behring
(German) ang nakatuklas ng antitoxin laban sa
diphtheria.
14. Isang malaking tulong sa pagtitistis ay ang
anaesthesia.
Ito ay unang ginamit noong 1846 ni Dr. John
C. Warren, isang Amerikanong siruhano sa
Boston.
Ngunit ang anaesthesia lang, ay hindi lubos na
makakatulong sa pasyente kung ang panganib
ng pagkakalason pagkatapos ng operasyon ay
hindi maiiwasan.
Ang antiseptic ay unang ipinakilala noong 1876
ni Dr. Joseph Lister ng England.
15. Isa pang kontribusyon sa pagtitistis ay ang
X-ray, na natuklasan noong 1895 ni Wilhelm
von Roentgen (German).
16. Ang mga dakilang heograpikal na eksplorasyon ng
ika-16 na siglo ay ipinagpatuloy noong ika -19 na
siglo.
Ang mababangis na rehiyon ng Amazon at Orinoco
sa South America ay ginalugad ng isang
siyentipikong German, si Alexander von
Humboldt.
Sa kaniyang bantog na aklat na Kosmos (1885),
inilatag niya ang batayan ng siyensiya sa pisikal na
heograpiya.
17. Si Von Humboldt ay kinikilala din bilang Father
of Science Climatology dahil gumawa siya ng
malawakang pag-aaral ng ibat ibang klima at
gumuhit ng unang mapa ng klima ng daigdig.
Ang Dark Continent (Africa) ay ginalugad ng
misyonerong-eksplorer na si Dr. David
Livingstone at ng Amerikanong mamamahayag na
si Henry Stanley.
Ang Tibet ay ginalugad ni Even Hedin (Swede)
mula 1893 hanggang 1902 at mula 1906 hanggang
1908.
Ang mga unang nagsisikap na galugarin ang North
at South Poles ay ginawa noong ika-19 siglo.
18. Mula 1881 hanggang 1896, si A.W. Greely
(American) at Fridjoy Nansen (Norwegian) ay
nagtangkang marating ang North Pole ngunit
nabigo.
Ngunit noong Abril 7, 1909, si Robert E.
Peary (American) ang nagtagumpay sa
pagdating doon.
Siya ay kilala bilang tumuklas ng North Pole.
Ang karangalan ng pagkatuklas ng South Pole
ay Roald Amundsen (Norwegian), na narating
ito noong Disyembre 16, 1911.