2. PAYAK
Ito ay salitang ugat lamang, walang
panlapi, hindi inuulit at walang
katambal na ibang salita.
Halimbawa: labis, payapa, dilim,
lingkod
3. MAYLAPI
Ito ay salitang binubuo ng salitang-
ugat at isa o higit pang panlapi.
Halimbawa: umalis, magtakbuhan,
tinulungan, pinaglaruan, at
nagsitulugan.
4. Ang paglalapi ay ang pagbubuo ng salita
sa pamamagitan ng pagsasama ng
panlapi at salitang-ugat.
Ang salitang-ugat ay nagkakaroon ng
ibat ibang anyo at kahulugan sa
pamamagitan ng ibat ibang panlapi.
5. Ang salitang-ugat ay nagkakaroon ng
ibat ibang anyo at kahulugan sa
pamamagitan ng ibat ibang panlapi.
6. Maaaring ang panlapi ay nasa anyong
unlapi (naligo, naglaba), gitlapi
(sinundo, sumulat), hulapi (sabihan,
utusan), kabilaan (kasayahan,
kapayapaan), at laguhan
(isinakatuparan)
7. TAMBALAN
Ito ay mga salitang pinagsama para
makabuo ng isang salita. May
dalawang pangkat ang tambalang
salita:
8. MGA TAMBALANG SALITANG
NANANATILI ANG KAHULUGAN
Sa uring ito, ang taglay na kahulugan
ng dalawang salitang pinagtambal ay
hindi nawawala. Walang ikatlong
kahulugan ang nabubuo.
Halimbawa: bahay-kubo, anak-pawis,
pamatid-uhaw
9. MGA TAMBALANG SALITANG NAGKAKAROON
NG KAHULUGANG IBA SA ISINASAAD NG
MGA SALITANG PINAGSAMA
Sa uring ito, ang dalawang salitang
pinagtambal ay nakabubuo ng ikatlong
kahulugang iba kaysa isinasaad ng
mga salitang pinagsama
10. Halimbawa: bahaghari at hampaslupa
Ito ay isinusulat ng walang gitling sa
gitnang dalawang salita
11. INUULIT
Inuulit ang salita kung ang kabuuan
nito o ang isa o higit pang pantig nito
sa dakong unahan ay inuulit
Batay sa kung ano pang bahagi ng
salita ang inuulit, may dalawang
pangkalahatang uri ng pag-uulit
12. PAG-UULIT NA GANAP
Sa uring ito ay inuulit ang buong
salitang-ugat. May mga salitang
nagbabago ng diin kapag inuulit,
mayroon namng nananatili ang diin
Halimbawa: gabi-gabi, isa-isa, dahan-
dahan
13. PAG-UULIT NA DI-GANAP
Tinatawag na di-ganap o parsyal ang
pag-uulit kung ang inuulit ay bahagi
lamang ng salita. Maaaring unang
pantig lamang ang inuulit
14. HALIMBAWA
Pag-uulit ng patinig (P) Iiyak, uuwi, aakyat
Pag-uulit ng Katinig-
Patinig-Katinig (KPK)
Sasayaw, lulundag,
susuntok
Pag-uulit ng unang
dalawang pantig ngunit sa
ikalaa, ang inuulit lamang
ay ang unang KP kung
kayarian ay KPK
Bali-baliko, himu-himutok
15. Pag-uulit gamit ang salita ay
dadalawahing pantig at kung nasa
banghay na panghinaharap, ang
inuulit ay ang buong salita. Ngunit
kung ang salita ay binubuo ng higit sa
dalawang pantig, ang inuulit lamang
ay ang unang dalawang pantig. At
kung ang kayarian ng ikalawang
pantig ay KPK, ang inuulit lamang ay
ang unang KP
Tatakbo-
takbo,
sasama-
sama,
hahangos-
hangos
16. Pag-uulit kapag ang
salita ay may umlapi, o
gitlapi o hulapi, ang
inuulit ay yaon lamang
salitang-ugat. Hindi
isinasama sa pag-uulit
ang panlapi
Umuuwi-uwi, maluluto-
luto, sabay-sabayan
17. May mga salitang
msylapi na ang inuulit
ay isa sa pantig ng
panlapi. May mga
panlaping ang inuulit ay
ang ikalawang pantig,
mayroon namang ang
inuulit ay ang ikatlong
pantig
Magsasa-pagong, mag-
papakabuti,
magsisipag-pakasipag