Klasipikasyon ng mga Karapatan Ayon sa Konstitusyon
1. KLASIPIKASYON NG MGA KARAPATAN
AYON SA KONSTITUSYON
Araling Panlipunan 4 4th Quarter | Topic 5
Prepared by: Eddie San Z. Pe単alosa
2. MGA KARAPATAN AYON SA KONSTITUSYON
Mga Karapatang Pampulitika.
Ang mga ito ay tumutukoy sa ugnayan ng pamahalaan at ng
mga mamamayan.
Halimbawa:
Karapatang bumoto.
Karapatan sa malayang pamamahayag.
Karapatan sa pagkamamamayan.
Karapatan sa serbisyong pampubliko.
Karapatan sa pantay na pangangalaga ng batas.
3. MGA KARAPATAN AYON SA KONSTITUSYON
Mga Karapatang Sibil.
Ang mga ito ay tumutukoy sa pakikipag-ugnayan ng isang
tao sa kaniyang kapuwa. Ang karapatang ito ang ginagamit ng
bawat indibidwal sa pagtatanggol sa kaniyang sarili.
Halimbawa:
Karapatang maging malaya.
Karapatang bumuo ng pamilya.
Karapatang pumili ng lugar na paninirahan.
Karapatang mag-asawa.
4. MGA KARAPATAN AYON SA KONSTITUSYON
Mga Karapatang Pangkabuhayan.
Ang mga ito ay tumutukoy sa karapatan ng bawat tao na
mapaunlad ang sariling kabuhayan at ang katayuang pang-
ekonomiya ng buong pamilya.
Halimbawa:
Karapatan sa edukasyon,
Karaptang paunlarin ang sarili.
Karapatang lumahok sa mga gawaing produktibo o
kapakipakinabang.
Karapatang pumili ng hanapbuhay o trabaho.
5. MGA KARAPATAN AYON SA KONSTITUSYON
Mga Karapatan ng Nasasakdal.
Ang mga ito ay nagbibigay proteksiyon sa mga taong
nagkakaroon ng kaso o usapin tungkol sa lipunan at sa batas.
Halimbawa:
Karapatang mabatid ang kaso at paratang na inihain.
Karapatan ng sapat na tulong pambatas.
Karapatan sa makataong pagpaparusa.
Karapatan sa maayos na paglilitis ng batas.
Karapatan laban sa puwersahang pagtestigo.
6. MGA KARAPATAN AYON SA KONSTITUSYON
Karapatan Laban sa Hindi Makatwirang Paghahalughog.
Hindi nagiging makatwiran ang paghahalughog ng mga may
kapanyarihan sa tahanan ng mga pribadong mamamayan kung
walang maipakitang search warrant.
Ang search warant ay isang kautusan na ibinibigay ng
hukuman sa mga alagad ng batas na nagbibigay pahintulot sa
mga ito na pumasok, maghalughog, at sumamsam ng mga
inaakala nilang ebidedsiya sa bahay ng isang taong sangkot sa
isang kasong kriminal.
7. MGA KARAPATAN AYON SA KONSTITUSYON
Karapatan Laban sa Hindi Makatwirang Pagdakip.
Hindi maaaring dakipin ang isang taong pinaghihinalaang
nakagawa ng paglabag sa batas nang walang warrant of arrest.
Ang warrant of arrest ay isang kauutusan na nagmula at
nilagdaan ng isang hukom sa ngalan ng mga mamamayan ng
Pilipinas na dakipin ang isang tao.
8. MGA KARAPATAN AYON SA KONSTITUSYON
Karapatan sa Proseso ng Wastong Paglilitis.
Ang proseso ng wastong paglilitis o due process ay
isang pangangailangang legal na dapat igalang at ipagkaloob ng
estado sa isang taong inaakusahan ng paglabag sa batas.
9. MGA KARAPATAN AYON SA KONSTITUSYON
Karapatan sa Proseso ng Wastong Paglilitis.
Nakapaloob sa due process of law ang mga sumusunod:
1. Pagpapabatid sa taong nasasakdal ang kaniyang kaso sa
pamamagitan ng abisong nakasulat at nagsasaad ng mga
detalye sa gagawing paglilitis na maaaring makaapekto sa
mga karapatan, ari-arian, at pagkatao ng nasasakdal.
2. Ang karapatan ng nasasakdal na maghain ng reklamo kung
siya ay sumasalungat sa hatol ng korte.
3. Ang karapatang umapela sa iba pang higit na mataas na
hukuman.
10. MGA KARAPATAN AYON SA KONSTITUSYON
Karapatan sa Proseso ng Wastong Paglilitis.
Ang due process ay tagapagtimbang ng kapangyarihan ng
batas. Ito ay nagbibigay proteksiyon din sa mga
mamamayan. Bilang pagsasakatuparan ng due process,
maaari ding maglabas ng kasulatan o subpoena ang
hukuman na nag-uutos dalhin sa korte ang isang tao upang
magpaliwanag tungkol sa isang kaso.