1. Konsepto sa Wika ng mga Dalubhasa
Ang wika ay isang masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang
arbitraryo at nagsisilbing daan sa pagtupad ng tungkulin ng pagpapabatid Henry Gleason
Ang paggamit ng wika ay nakasalalay sa karanasan ng taong gumagamit nito Ronald
Wardhaugh
Nakasalalay ang wika sa mga karanasang natatangi sa isang nilalang - Hudson
Binubuo ang wika ng mga payak na salitang nalilikha bunga ng pagtugon ng indibidwal sa
kanyang kapaligiran Benjamine Lee worf
Ang kahusayan sa pagtalima sa tunog ng kapaligiran ang nakapagpapahusay sa kasanayan sa
wika Noam Chonsky
Pangunahin at Universal na Katangian ng Wika
1. Ang wika ay masistemang balangkas
2. Ang wika ay binubuo ng makahulugan at makabuluhang tunog
3. Ang wika ay pinipili ay isinasaayos
4. Ang wika ay arbitraryo
5. Ang wika ay ginagamit
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura
7. Ang wika ay nagbabago. Dinamiko
Kahalagahan ng Wika
1. Instrumento sa Komunikasyon
2. Tagapagtala ng mga mahahalagang pangyayari at impormasyon sa lipunan, kultura at
kasaysayan
3. Tagapagpalaganap ng mga karunungan at katotohanan
4. Nagsisilbing instrumento sa pagbubuklod ng bansa
5. Naitataas ang antas ng malikhaing pag-iisip
2. Tungkulin ng Wika
1. Instrumental tungkulin sa pagtugon sa mga pangangailangan
2. Regulatory Nagkokontrol at gumagabay sa mga kilos at asal
3. Informative Bilang daluyan ng impormasyon
4. Heuristic Kagamitan sa pagtuklas at pagharap ng mga tala, imposmasyon at datos
5. Interactionary tagapagtatag ng mga ugnayan at samahang sosyal
6. Imaginative sa mga paglalahad ng mga paraan ng pagpapahayag ng nilalaman ng haraya o
imahinasyon
7. Personal lunsaran ng pagpapabatid ng sariling damdamin, opinyon at ideya.
Mga Palagay Ukol sa Pinagmulan ng Wika
1. Teoryang Ding-dong ipinalalagay nito na kinatawan ng isang ispesipikong tunog ang mga
bagay sa kapaligiran.
2. Teoryang Bow-wow ipinalalagay nito na ang mga uno na nililikha ng mga bagay sa
kapaligiran ay ginagaya ng tao at siyang pinangalanan
3. Teoryang Tata ay maihahalintulad sa paraan ng pagsasabi ng mga Pranses sa goodbye o
paalam. Pinibigyan diin nito na ang pagkumpas o paggalaw ng kamay na sasabayan ng
paglagitik ng dila bilang paraan ng pagsasalita.
4. Teoryang Pooh-Pooh itinataguyod nito na ang anumang sambitlang ng mga nilalang bunga
ng mga emosyan ay natutumbasan ng mga pagpapakahulugan sapagkat ang mga ito ay sariling
likha niya.
5. Teyoryang Ta-ta Ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat
partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog
at kalaunay magsalita
3. Antas ng Wika
Formal.
1. Pambansa Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila
sa lahat ng mga paaralan.
2. Pampanitikan o Panretorika Ito naman ang mga salitang gamit ng mga manunulat sa
kanilang mga akdang pampanitikan.
Informal.
1. Lalawiganin Ito ang mga vokabularyong dayalektal.
2. Kolokyal Itoy mga pang araw araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong informal.