2. Huling Paalam
Pinipintuho kong Bayan
ay paalam,
Lupang iniirog ng sikat
ng araw,
mutyang mahalaga sa
dagat Silangan,
kaluwalhatiang sa ami'y
pumanaw
3. Masayang sa iyo'y
aking idudulot
ang lanta kong
buhay na lubhang
malungkot;
maging maringal
man at labis ang
alindog
sa kagalingan mo
ay akin ding
4. Sa pakikidigma at
pamimiyapis
ang alay ng iba'y ang
buhay na kipkip,
walang agam-agam,
maluwag sa dibdib,
matamis sa puso at di
ikahahapis.
5. Saan man mautas ay di
kailangan,
cipres o laurel, lirio ma'y
patungan
pakikipaghamok, at ang
bibitayan,
yaon ay gayon din kung
hiling ng Bayan.
7. Ang kulay na pula kung
kinakailangan
na maitina sa iyong
liwayway,
dugo ko'y isaboy at
siyang ikikinang
ng kislap ng iyong
maningning na ilaw.
8. .
Ang aking adhika sapul
magkaisip
noong kasalukuyang bata
pang maliit,
ay ang tanghaling ka at
minsang masilip
sa dagat Silangan hiyas
na marikit.
9. Natuyo ang luhang sa mata'y
nunukal,
taas na ang noo't walang kapootan,
walang bakas kunot ng kapighatian
gabahid man dungis niyong
kahihiyan.
Sa kabuhayan ko ang laging gunita
maningas na aking ninanasa-nasa
ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa
paghingang papanaw ngayong
biglang-bigla.
10. Ikaw'y guminhawa laking kagandahang
akoy malugmok, at ikaw ay matanghal,
hininga'y malagot, mabuhay ka lamang
bangkay ko'y maisilong sa iyong
Kalangitan.
Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas
sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa mga labi mo'y mangyayaring ilapat,
sa kaluluwa ko halik ay igawad.
11. At sa aking noo nawa'y
iparamdam,
sa lamig ng lupa ng aking
libingan,
ang init ng iyong paghingang
dalisay
at simoy ng iyong paggiliw na
tunay.
Bayaang ang buwan sa aki'y ititig
ang liwanag niyang lamlam at
tahimik,
liwayway bayaang sa aki'y ihatid
13. Bayaan ang ningas ng sikat ng
araw
ula'y pasingawin noong kainitan,
magbalik sa langit ng buong
dalisay
kalakip ng aking pagdaing na
hiyaw.
Bayaang sino man sa katotong
giliw
tangisang maagang sa buhay
pagkitil;
kung tungkol sa akin ay may
manalangin
idalangin, Bayan, yaring
pagkahimbing.
14. Idalanging lahat yaong nangamatay,
Nangag-tiis hirap na walang kapantay;
mga ina naming walang kapalaran
na inihihibik ay kapighatian.
Ang mga balo't pinapangulila,
ang mga bilanggong nagsisipagdusa;
dalanginin namang kanilang makita
ang kalayaan mong ikagiginhawa.
15. At kung ang madilim na gabing
mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libinga't
tanging mga patay ang nangaglalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.
Ang kanyang hiwagay huwag gambalain;
kaipala'y marinig doon ang taginting,
tunog ng gitara't salterio'y magsaliw,
ako, Bayan yao't kita'y aawitan.
16. Kung ang libingan ko'y limot na ng
lahat
at wala ng kurus at batong
mabakas,
bayaang linangin ng taong masipag,
lupa'y asarolin at kahuyay ikalat.
Ang mga buto ko ay bago matunaw,
mauwi sa wala at kusang maparam,
alabok na iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo'y makipisan.
17. Kung magkagayon ma'y, alintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin,
pagka't himpapawid at ang
panganorin,
mga lansangan mo'y aking lilibutin.
Matining na tunog ako sa dinig mo,
ilaw, mga kulay, masamyong pabango,
ang ugong at awit, paghibik ko sa iyo,
pag-asang dalisay ng pananalig ko.
18. Bayang iniirog, sakit
niyaring hirap,
Katagalugan kong
pinakaliliyag,
dinggin mo ang aking
pagpapahimakas;
diya'y iiwan ko sa iyo ang
lahat.
19. Ako'y patutungo sa walang
busabos,
walang umiinis at berdugong
hayop;
pananalig doo'y di nakasasalot,
si Bathala lamang dooy haring
lubos.
Paalam, magulang at mga
kapatid
kapilas ng aking kaluluwa't
dibdib
mga kaibigan, bata pang maliit,