4. 1. Magkaroon ng bukas na talakayan tungkol sa mga
ginagawa ng mga bata bago matulog sa gabi at
pagkagising sa umaga.
Asahan ang ibat ibang kasagutan.
2. Basahin nang tahimik ang kuwento ng magkapatid
na Ronan at Rolan sa pahina 26 - 28.
3. Ipabasa muli ang kuwento nang pabigkas sa
paraang dugtungan. Bawat talata ay babasahin ng
isang bata o isang pangkat hanggang sa matapos
ang kuwento.
10. 1. Ano ang ginawa ng magkapatid na Ronan at
Rolan matapos nilang kumain ng hapunan?
2. Ano-ano naman ang kanilang ginawa
pagkagising sa umaga?
3. Ano ang naging mabuting bunga ng maagang
paghahanda ng magkapatid?
4. Bakit nila ginawa ang mga paghahandang ito?
5. Kung ikaw si Ronan o si Rolan, gagawin mo rin
ba ang mga paghahandang ginawa nila? Bakit?
11. 4. Pag-usapan ang kuwentong
binasa. Pasagutan ang mga tanong
na nasa modyul pahina 28.
5. Sa oras ng talakayan, sikaping
maipaunawa sa mga mag-aaral na
sa murang gulang pa lamang ay
dapat matutunan nilangpumasok
sa tamang oras.
13. Pasagutan ang tseklis sa mga bata
sa pamamagitan ng pagguhit ng
orasan kung gaano kadalas nila
ginagawa ang mga tuntuning
nabanggit. Gamitin ang
amantayang nasa modyul pahina
34.
17. Ating Tandaan
Ang pagpasok sa tamang oras
ay isa sa mga tuntunin at
pamantayang itinakda sa
paaralan. Mahalaga ang mga
ito para sa ikabubuti natin.
Ang pagtupad nito ay tanda o
pagpapakita ng pakikiisa.
23. 1. Tanungin ang mga bata kung minsan ay
naranasan na nila ang hindi pagpasok sa
tamang oras. Ibahagi sa klase ang dahilan ng
pagkahuli sa klase.
2. Talakayin ang dapat gawin upang
maiwasan ang mahuli sa klase.
3. Ipasulat ang dapat gawin upang maiwasan
ang pagpasok sa di-tamang oras.
25. 1. Ipabasa ng malakas ang panuto sa Subukin
Natin pahina 35 - 36 ng modyul. Tiyaking
naintindihan ito ng lahat. Ipasulat ang mga
sagot sa sagutang papel.
(Ang mga bilang na may tsek (/) ay 1 at 2; at
ekis (x) naman para sa bilang 3, 4 at 5.)
27. 1. Itanong sa mga bata:
Sa inyong palagay, bakit dapat ugaliing maging
maagap sa lahat ng oras?
2. Ipabasa nang sabay-sabay ang Gintong
Aral. Ipaliwanag ang kahulugan nito.
Maaaring sipiin ito sa isang kartolina at ipaskil
sa lugar na nakikita ng mga bata. Hikayating
maisaulo
ito.
28. Oras ay mahalaga, huwag
nating sayangin.
Ugaliing maging maagap,
upang biyaya ng Diyos ay
ating kamtin.