2. Siya si Melissa. Nasa Ikalawang Baitang
siya sa Paaralang Elementarya ng San
Andres. Ikaanim pa lang ng umaga ay
naghahanda na siya sa pagpasok. Suot
niya ang malinis niyang uniporme at ID
card na pagkakakilanlan sa kanya. Sabi ng
kanyang guro, dapat ay nasa paaralan na
sila sa ganap na ikapito ng umaga para sa
seremonya ng pagtataas ng watawat.
3. 1. Makakadalo kaya si
Melissa sa pagtataas
ng watawat ng
Pilipinas sa kanilang
paaralan?
10. Maraming laruan sa silid-aralan ni
Gng. Bernardo. Napagkasunduan
ng klase na kailangang maibalik
ang mga laruan sa tamang lagayan
matapos nila itong gamitin.
Sinang-ayunan ito ng kanilang
guro. Isa si Dan sa mga mag-aaral
ni Gng. Bernardo na naglaro sa
mga laruang ito.
13. Sina Dino at ang kanyang mga kaibigan ay
mahilig maglaro ng soccer. Humiram sila ng
bola kay G. Reyes sa oras ng recess. Habang
sila ay naglalaro biglang tumunog ang bell
bilang hudyat na tapos na ang recess.
Nagtakbuhan ang mga kaibigan ni Dino
pabalik sa kanilang silid-aralan. Naiwan siya
sa palaruan.
16. Ano ang masasabi mo sa ipinakita ng
dalawang bata?
Tama ba ang ginawa ni Kiko?
Tama ba ang ginawa ni Rolan?
Ano ang tuntunin ng paaralan na ipinakita sa
sitwasyong ito?
Nasunod kaya ng dalawang bata ang
tuntunin? Paano?
17. Ating Tandaan
Ang mga tuntunin at
napagkasunduang gawain sa
paaralan ay kinakailangang
kusang-loob na sundin. Hindi na
tayo dapat laging paalalahanan pa.
Ito ay tinatawag na disiplinang
pansarili.
18. Bumuo kayo ng anim na pangkat.
Bawat pangkat ay bibigyan ng
activity card na nakasaad ang isang
tuntunin o napagkasunduang
gawain sa inyong paaralan. Ipakita
sa pamamagitan ng pagsasadula ang
paraan ng pagsunod sa loob ng 2-3
minuto. Itala sa tsart sa ibaba ang
mga obserbasyon ng bawat pangkat.
20. Isulat sa tsart ang mga tuntunin at
napagkasunduang gawain sa inyong paaralan.
Lagyan ng tsek ( ) ang hanay na angkop sa
iyong kasagutan. Sundin ang pamantayan sa
ibaba:
A Palaging sinusunod
B Madalas na sinusunod
C Minsan lang sinusunod
D Hindi sinusunod
E Hindi alam
22. Pumili ka ng isang tuntunin
na hindi mo sinusunod o
minsan mo lang sinusunod.
Isulat sa papel kung bakit
hindi mo ito palaging
sinusunod at ano ang
gagawin mo upang sundin
ito ngayon.
25. Pag-aralan mo ang
sumusunod na sitwasyon.
Isulat sa papel ang Tama
kung sumunod sa tuntunin
o napagkasunduang gawain
ang mag-aaral at Mali
naman kung hindi.
26. 1. Isa sa tuntunin ng
paaralan ang paghihiwalay
ng basura sa nabubulok at
di-nabubulok. Itinapon ni
Dan ang plastik na bote sa
basurahang may nakasulat
na Nabubulok.
27. 2. Ang sabi ng guro nina Mar
ay ilalagay sa kahon na Lost
and Found ang mga napulot
na bagay na hindi kanila.
Nakapulot siya ng isang lapis
habang naglilinis ng silid-
aralan. Inilagay niya ito sa
kahon ng Lost and Found.
28. 3. Ipinatutupad sa
paaralan ang kalinisan.
Nakakuha ng krayola si
Peter at sinulatan niya
ang dingding ng kanilang
silid-aralan.
29. 4. Unang oras sa hapon ang
simula ng klase nina Bert.
Nakagawian na niyang
maglaro patungo sa
kanilang paaralan. Ika-isa at
kalahati na ng hapon kung
siya ay dumating.
30. 5. Nakita ni Gina ang maganda
at mabangong bulaklak sa
hardin ng paaralan. Gustong-
gusto niya itong pitasin ngunit
nabasa niya ang babalang
Bawal pitasin ang mga
bulaklak kaya masaya na
lamang niya itong tiningnan.