3. Ngunit ang mga alaalang ito ay agad ding
naglalaho kasabay ng pagpanaw ng taong
nakaranas nito, kaya mahalagang matutunang
magkaroon ng paglalakbay na maitatala at
maisusulat upang ito ay manatili at
mapakinabangan mga taong makakabasa.
4. LAKBAY-SANAYSAY(n). Tinatawag ding travel essay o travelogue. Ito ay
isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay
maitala ang mga nagiging karanasan sa
paglalakbay.
5. Ayon kay Nonon Carandang, ito
ay tinawag niyang sanaylakbay
kung saan ang terminolohiyang
ito ay binubuo ng tatlong
konsepto:
Sanaysay,
Sanay, at
Lakbay.
Naniniwala siyang ang sanaysay
ang pinakaepiktibong pormat ng
sulatin upang maitala ang mga
naranasan sa paglalakbay.
6. Aniya, nanghihinayang siya
sa mga nakalipas niyang
paglalakbay sa iba't ibang
lugar sa Europa at marami
pang bansa dahil nakaligtaan
niya o sadyang nabaliwala
ang pagtatala.
Maaaring naikwento niya ang
kanyang mga karanasan
ngunit kalaunan ito ay
nakakalimutan.
7. Kaya naman, sa kanyang
panayam sa naganap na UP
Writers Workshop (Abril
2014) ay kanyang winika sa
kanyang mga tagapakinig na
sisikapin niyang isulat ang
mga nangyari at kanyang
naranasan sa kanyang mga
paglalakbay sa pamamagitan
ng paglalad gamit ang
sanaysay.
9. MAYROONG APAT NA PANGUNAHING DAHILAN NG PAGSULAT NG
LAKBAY-SANAYSAY
1. Upang itaguyod ang isang lugar at kumita ng pagsulat.
2. Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng
lugar sa malikhaing pamamaraan.
3. Upang makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay.
4. Upang maitala ang pansariling kasanayan sa paglalakbay tulad ng
espiritwalidad, pagpapahilom o kaya'y pagtuklas sa sarili.
Ayon kay Dr. Lilia
Antonio,et al. sa
Malikhaing
Sanaysay (2013)
10. UPANG MAITAGUYOD ANG
ISANG LUGAR AT KUMITA SA
PAGSUSULAT
Mga Travel Blog na itinuturing
na libangan at gayundin ay
maaaring pagkakitaan.
Ang mga blog na ito ay
naglalaman ng mga
pagsasalaysay ng may-akda ng
kanyang paglalakbay.
11. UPANG MAIDOKUMENTO ANG
KASAYSAYAN, KULTURA AT
HEOGRAPIYA NG LUGAR SA
MALIKHAING PARAAN.
Magandang halimbawa nito ay ang
ginawa ni Antonio Pigafetta na tumungo
sa Pilipinas kasama ni Magellan. Siya ang
nagtala ng mahahalagang datos na
kanilang nakita sa Pilipinas.
Mga datos patungkol sa hayop, klima,
heograpiya at kultura ng sinaunang
Pilipino.
12. UPANG MAIDOKUMENTO ANG
KASAYSAYAN, KULTURA AT
HEOGRAPIYA NG LUGAR SA
MALIKHAING PARAAN.
Gayundin ang pagtatalang ginawa ni
Marco Polo sa kanyang librong The
Travels of Marco
Ito aybunga ng kanyang pagtungo sa
Asya at resulta na rin ng kanyang
paninirahan sa Tsina sa loob ng 15 taon.
13. UPANG MAKALIKHA NG
PATNUBAY PARA SA MGA
POSIBLENG MANLALAKBAY
Sabi nga ni Rizal sa kanyang
nobelang Noli Me Tangere,
kung nais mong higit na
makilala ang katangian ng
kultura ng bansang iyong
pupuntahan, mahalagang
alamin mo muna ang taglay
nitong kasaysayan.
14. UPANG MAITALA ANG
PANSARILING KASAYSAYAN SA
PAGLALAKBAY TULAD NG
ESPIRITWALIDAD, PAGPAPAHILOM
O KAYA'Y PAGTUKLAS SA SARILI
Daily Journal o Diary.
Ginagawa ito upang maitala ang
baging bagay na kanyang
nakita, narinig, naranasan at
iba pa sa kanyang paglalakbay.
Itinatala sa journal ang kanyang
mga realisasyon at natutunan
sa proseso ng paglalakbay.
15. Anuman ang dahilan sa paglalakbay, ang
lakbay-sanaysay ay kadalasang naglalaman ng
mga tala ng karanasan ng awtor. Ang
pagtatalang ito ay isang paraan ng manunulat
na maibahagi ang karanasan at kasiyahan sa
paglalakbay.
17. MAGKAROON NG KAISIPANG MANLALAKBAY SA
HALIP NA ISANG TURISTA
Upang makagawa ng isang masining at
makabuluhang lakbay-sanaysay, dapat na isaisip ng
taong naglalakbay na siya tutungo sa isang lugar
hindi bilang isang turista kundi isang manlalakbay.
Mahalagang malinaw sa kanyang isip ang kanyang
pakay at layunin.
1
18. MAGKAROON NG KAISIPANG MANLALAKBAY SA
HALIP NA ISANG TURISTA
Ang isang turista ay karaniwang nagtatakda ng
itinerary o talaan ng magagandang pupuntahan.
Ngunit, para sa manlalakbay ay pangalawa
nalamang ito. Sinisikap niyang maunawaan ang
kultura, kasaysayan, heograpiya,
hanapbuhay,pagkain at maging uri ng pang-araw-
araw na pamumuhay ng mga tao.
1
19. SUMULAT SA UNANG PANAUHANG
PUNTO DE-BISTA
Ang karamihan sa nilalaman ng sanaysay ay mula sa
mga nakita, narinig, naunawaan at naranasan ng
manunulat. Kadalasang napakapersonal ng tinig ng
lakbay-sanaysay.
Ayon kay Antonio (2013), ang susi sa mainam na
pagsulat ay ang erudisyon o ang pagtataglay ng
sapat na kaalaman at pagkatuto sa paglalakbay.
2
20. SUMULAT SA UNANG PANAUHANG
PUNTO DE-BISTA
Bukod sa matamang obserbasyon, mahalagang
maranasan din ng manlalakbay ang mga bagay-
bagay upang lubos na maunawwan at mabigyang
kahulugan ang pangyayari.
Sikaping maisali ang sarili sa bawat bahagi ito ng
imersiyon sa paligid. Subukin ang ibat ibang
karanasan at hamon na maaaring gawin sa lugar.
2
21. TUKUYIN ANG POKUS NG SUSULATING
LAKBAY-SANAYSAY
Mahalagang matukoy ang pokus ng sulatin batay sa
human interest.
Tandaang iba iba-iba ang kinahihiligang paksang
maaaring itampok sa paglalakbay at maging
pagsulat ng lakbay-sanaysay.
3
22. TUKUYIN ANG POKUS NG SUSULATING
LAKBAY-SANAYSAY
Ito ay maaaring ibatay sa layunin o dahilan ng
paglalakbay.
Ito ay maaaring tungkol sa espiritwal na
paglalakabay.
Maaari ring gawing paksa ang tunkol sa hayop,
halaman, kakatwa, libangan, kultura, pagkain at iba
pa.3
23. MAGTALA NG MAHAHALAGANG DETALYE AT
KUMUHA NG MGA LARAWAN
Ang pangunahing gamit na dapat dala ng taong
susulat ng lakbay-sanaysay ay ang panulat,
kwaderno o dyornal at kamera.
Mahalagang maitala ang pangalan ng mahahalagang
lugar, kalye, restoran, gusali at iba pa.
Ang wastong detalye ay nagbibigday ng kredibilidad
sa sanaysay.4
24. MAGTALA NG MAHAHALAGANG DETALYE AT
KUMUHA NG MGA LARAWAN
Makakatulong rin maglagay ng litrato o larawan.
Mahalaga ito para sa wastong dokumentasyon ng
sanaysay.
Para sa mgalarawan, mahalagang maglagay ng mga
impormasyon para sa mambabasa. (Eksaktong
lokasyon, maikling deskripsyon o kaya naman
maikling kasaysayan).
4
25. ILAHAD ANG MGA REALISASYON O MGA
NATUTUNAN SA GINAWANG PAGLALAKBAY
5
Mahalaga ring maisama ang mga bagay na
natutuhan habang isnasagawa ang paglalakbay.
Ito ang magsisilbing pinakapuso ng sanaysay kung
saan dito ibabahagi ang gintong aral mula sa
paglalakbay.
Maaaring talakayin kung paano nagbago ang buhay
o pananaw, paano umunlad ang kanyang pagkatao
mula sa karanasan at ano ang mga karagdagang
kaalaman na nakuha.
26. GAMITIN ANG KASANAYAN SA PAGSULAT NG
SANAYSAY
6
Mahalagang taglayin ng magy-akda ang sapat na
kasanayan sa paggamit ng wika. Sikaping ang
susulating sanaysay ay malinaw, organisasdo ,
lohikal at malaman.
Maaari ring gumamit ng mga tayutay, idyoma o
matatalinhagang salita upang mas maging
masining ang pagkakasulat nito.
27. GAMITIN ANG KASANAYAN SA PAGSULAT NG
SANAYSAY
6
Sa pangkalahatan, maging obhetibo sa paglalatag
ng mga impormasyon. Sikaping mailahad ang
katotohanan sa pamamagitan ng paglalahad ng
posetibo at negatibon karanasan at maging ang
kondisyon ng lugar na pinuntahan.
Sikaping hindi nakatuon sa sarili ang mga larawan,
kung hindi sa mahahalagang larawang kailangan
upang mapagtibay ang sanaysay.
28. GAMITIN ANG KASANAYAN SA PAGSULAT NG
SANAYSAY
6
Sa pagsulat, laging baunin sa isipan ang
depenisyong ibinigay ni Nonon Carandang na ang
lakbay-sanaysay ay laging kinapapalooban ng
tatlong mahalagang konsepto:
SANAYSAY
SANAY
LAKBAY,
29. Uri ng kaisipan ng sumulat.
Panauhang ginamit sa pagsulat.
Pokus ng lakbay-sanaysay.
Mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay.
Teknikal na pagkakasulat ng sanaysay (kaisahan, kalinawan,
kawastuhan, kaangkupan).
Narito ang halimbawa
ng isang mahusay na
lakbay-sanaysay na
ginawa nina Gng. Teresita.
Buensuceso at G. Ariel Marasigan.
Ito ay nakabase sa balangkas na makikita sa
loob ng kahon.