2. Matthew 5:14-16
14 "Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lunsod
na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago. 15
Wala din namang taong nagsisindi ng ilaw at
pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng malaking
takalan. b Sa halip, inilalagay iyon sa talagang
patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa
bahay. 16 Gayundin naman, dapat ninyong
paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao
upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at
papurihan ang inyong Ama na nasa langit."
3. John 1:9
9 Ito ang tunay na ilaw: dumarating ito sa sanlibutan
upang magbigay liwanag sa lahat ng tao.
John 8:12
12 Muling nagsalita si Jesus sa mga Pariseo. Sinabi
niya, Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa
akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di
na lalakad sa kadiliman.•
4. John 1:4-5
4 Mula sa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw
ng sangkatauhan. 5 Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at
hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman.
John 9:5
5 Habang ako'y nasa sanlibutan, ako ang ilaw ng
sanlibutan."
5. John 3:20-21
20 Ang gumagawa ng masama ay ayaw sa ilaw, at
hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang
kanyang mga gawa. 21Ngunit ang namumuhay sa
katotohanan ay lumalapit sa ilaw; sa gayon,
nahahayag na ang kanyang mga ginagawa'y
pagsunod sa Diyos."
6. 1 Thessalonians 5:5
5 Kayong lahat ay kabilang sa panig ng liwanag, sa
panig ng araw, hindi sa panig ng gabi o ng dilim.
7. Ephesians 5:13-14
13 Ang lahat ng nalalantad sa liwanag ay nakikilala
kung ano talaga ang mga iyon, 14 at nalalantad ang
lahat dahil sa liwanag. b Kaya't sinasabi,
"Gumising ka, ikaw na natutulog,
bumangon ka mula sa libingan,
at liliwanagan ka ni Cristo."
8. 1 Peter 2:12
12 Mamuhay kayo nang maayos sa gitna ng mga
walang pananampalataya. Kahit na pinararatangan
nila kayo ngayon ng masama, magpupuri sila sa Diyos
sa Araw ng kanyang pagdating, kapag nakita nila ang
inyong mabuting gawa.