際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA
WIKA AT KULTURANG
PILIPINO
Pagkatapos ng talakayan, ang mga
mag-aaral ay inaasahang:
 nauunawaan ang kahulugan ng
pananaliksik;
 nakapagbabahagi ng kahalagahan ng
pananaliksik; at
 nakapagbibigay ng mga posibleng
paksa sa pananaliksik.
Ano nga ba
ang
pananaliksik?
Ayon kay Good (1963), ang
pananaliksik ay isang maingat,
kritikal, disiplinadong inkwiri sa
pamamagitan ng ibat ibang
teknik at paraan batay sa
kalikasan at kalagayan ng
natukoy na suliranin tungo sa
klaripikasyon at/o resolusyon
nito.
Samantala, ayon naman kay Aquino (1974), ang
pananaliksik ay isang sistematikong
paghahanap sa mga mahahalagang
impormasyon hinggil sa isang tiyak na pakasa
o suliranin. Matapos ang maingat at
sistematikong paghahanap ng mga
pertinenteng impormasyon o datos hinggil sa
isang tiyak na paksa o suliranin at matapos
suriin at lapatan ng interpretasyon ng
mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay
mahaharap siya sa isa pang esensyal na
Gawain-ang paghahanda ng kanyang ulat-
pampanananaliksik.
Masasabi ring ang pananaliksik
ay isang proseso ng pangangalap
ng mga datos o impormasyon
upang malutas ang isang
partikular na suliranin sa isang
siyentipikong pamamaraan.
(Manuel at Medel:1976)
Halos gayon din ang sinabi ni
Parel (1966). Ayon sa kanya,
ang pananaliksik ay isang
sistematikong pag-aaral o
imbestigasyon ng isang bagay
na layuning masagot ang mga
katanungan ng isang
mananaliksik.
Maidaragdag din sa ating depinisyon
ang kina E. Trece at J. W Trece (1973)
na nagsasaad na ang pananaliksik ay
isang pagtatangka upang makakuha
ng mga solusyon sa mga suliranin.
Idinagdag pa nila na ito ay
pangangalap ng mga datos sa isang
kontroladong sitwasyon para sa
layuning prediksyon at
eksplanasyon.
Narito naman ang ilang Layunin ng
Pananaliksik ayon kina Calderon at
Gonzales (1933):
1. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga
batid pang phenomena.
2. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa
ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at
impormasyon.
3. Mapagbuti ang mga umirral na teknik at makadebelop ng mga
bagong instrumento o produkto.
4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements.
5. Higit na maunawaan ang kalikasan ng dati nang kilalang
substances at elements.
Narito naman ang ilang Layunin ng
Pananaliksik ayon kina Calderon at
Gonzales (1933):
6. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa
kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba
pang larangan.
7. Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.
8. Mapalawak o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman.
BAHAGI NG
PANANALIKSIK
LESSON 8 FINAL.ppt
Ibat Ibang Uri
ng
Pananaliksik
1. Panimulang Pananaliksik
(Basic Research)
ang pananaliksik na ito ay may layuning
magpaliwanag ng isang paksa. Ito ay
binubuo ng teorya o paliwanag sa isang
pangyayari. Ang resulta ng pananaliksik
na ito ay nakatutulong sa pagbibigay ng
karagdagang impormasyon hinggil sa
kaalamang umiiral na sa kasalukuyan.
Halimbawang paksa:
Pananaliksik tungkol sa epekto ng
haba ng oras na inilalaan ng
kabataan sa paggamit ng Facebook sa
kanilang pakikitungo sa kanilang
paligid.
2. Pagkilos na Pananaliksik
(Action Research)
ang pananaliksik na ito ay
naglalayong lumutas ng isang
tiyak na suliranin sa isang
programa, organisasyon o
komunidad. Ang pananaliksik
na ito ay may payak na
suliranin at kadalasang bahagi
ang mananaliksik sa pinag-
aaralan
Halimbawang paksa:
 Pananaliksik sa epekto ng Part time Job
sa pagkatutuo ng mga mag-aaral sa
Ikalabing isang Baitang ng Mataas na
Paaralang Sto. Dominico.
 Pag-aaral hinggil sa pagtaas ng
populasyon sa Pilipinas.
3. Pagtugong Pananaliksik
(Applied Research)
ang layuning ng pananaliksik na ito ay
upang matulungan ang mga tao na
maunawaan ang kalikasan ng isang
suliranin nang sa gayon ay magkaroon
siya ng ideya kung paano kokontrolin
ang suliraning iyon. Ito ay may layuning
solusyunan ang suliranin ng tao at ang
suliraning umiiral sa kanyang paligid.
Halimbawang paksa:
Pag-aaral kung paano
maiiwasan ang sobrang
katabaan (obesity).
4. Aral Kaso o Case Study
inoobserbahan dito ang mga
gawi o pagkilos ng isang subject
sa isang sitwasyon o kaligiran.
Sinisiyasat din ang mga sanhi
nito, maging ang maaaring tugon
o reaksyon sa panibagong
kaligiran.
Halimbawang paksa:
Kaso ng isang doctor na piniling
maging caregiver sa Estados Unidos.
Kuwento ng buhay ng isang
kabataang dumaan sa proseso ng
aborsyon.
5. Komparison/Komparatibo
Dalawa o higit pang umiiral na
sitwasyon o subject ang
pinagaaralan dito upang tukuyin
ang kanilang mga pagkakatulad
at pagkakaiba.
Halimbawang paksa:
Komparatibong pagsusuri ng
mga panitikang pambata ng mga
Tagalog at Bisaya.
6. Deskriptibo
pinag-aaralan sa pananaliksik na ito
ang pangkasalukyang
ginagawa,pamantayan at kalagayan.
Itoy tumutugon sa mga tanong na
sino,ano,kailan at paano na may
kinalaman sa pag-aaral. Hindi ito
sasagot sa tanong na bakit dahil ito
ay naglalarawan lamang.
Halimbawang paksa:
Persepsyon ng mga mag-aaral
sa Divorce Bill.
Pag-aaral sa pananaw ng mga
kabataan sa Family Planning.
7. Historikal
ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng
ibat ibang pamamaraan ng pangangalap
ng datos upang makabuo ng
kongklusyon hinggil sa nakaraan. Batay
sa mga datos at ebidensya, pinalalalim
ang pagunawa sa nakaraan, kung paano
at bakit nangyari ang mga bagaybagay at
pinagdaanang proseso kung paanong
ang nakaraan ay naging kasalukuyan.
Halimbawang paksa:
Pag-unlad ng General Education
Curriculum sa Kolehiyo
Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pista
ng Nazareno
8. Nakabatay sa Pamantayan
(Normative Studies)
ang pananaliksik na ito ay may
layunin din maglarawan. Ngunit,
naiiba ang disenyong ito sapagkat
hindi lamang simpleng deskripsyon
ang layunin nito, kundi nagbibigay-
diin sa pagpapabuti o pagpapaunlad
ng populasyong pinag-aaralan batay
sa mga tanggap na modelo o
pamantayan.
Halimbawang paksa:
Pagsusuri ng Kakayahan sa
Matematika ng mga Mag-aaral ng
Magsaysay High School batay sa
itinatakdang kompetensi ng DepEd.
9. Etnograpikong Pag-aaral
ito ay isang uri ng pananaliksik sa agham
panlipunan na nag-iimbestiga sa ibat
ibang gawi ng isang komunidad sa
pamamagitan ng pakikisalamuha dito.
Nakabatay ito sa panlipunang konteksto
ng mga taong naninirahan dito sa
pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang
mga pagpapahalaga, pangangailangan,
wika, kultura at iba pa.
Halimbawang paksa:
Pagpapakahulugan kay Rizal ng
mga Milinaryong Kilusan sa
Banahaw.
Pag-aaral sa uri ng pamumuhay
ng mga Mangyan.
10. Eksploratori
isinasagawa ang pag-aaral na ito kung
wala pang gaanong pagaaral na
naisagawa tungkol sa isang paksa o
suliranin. Ang pokus nito ay
magkaroon ng mas malawak na
kaalaman sa isang paksa na maaring
magbigay-daan sa mas malawak at
komprehensibong pananaliksik.
Halimbawang paksa:
 Panimulang Pag-unawa sa Masaker sa
Mamasapano kaugnay ng Usaping
Pangkapayapaan sa Mindanao.
 Panimulang pag-aaral sa cyberbullying
sa piling Unibersidad ng Maynila.
Maraming salamat!
Madamu nga salamat!
Daghang salamat! Raku nga salamat!
Abo saeamat!
Thank you very much!

More Related Content

LESSON 8 FINAL.ppt

  • 1. KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
  • 2. Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: nauunawaan ang kahulugan ng pananaliksik; nakapagbabahagi ng kahalagahan ng pananaliksik; at nakapagbibigay ng mga posibleng paksa sa pananaliksik.
  • 4. Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inkwiri sa pamamagitan ng ibat ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon nito.
  • 5. Samantala, ayon naman kay Aquino (1974), ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na pakasa o suliranin. Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap ng mga pertinenteng impormasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at matapos suriin at lapatan ng interpretasyon ng mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay mahaharap siya sa isa pang esensyal na Gawain-ang paghahanda ng kanyang ulat- pampanananaliksik.
  • 6. Masasabi ring ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan. (Manuel at Medel:1976)
  • 7. Halos gayon din ang sinabi ni Parel (1966). Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay na layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
  • 8. Maidaragdag din sa ating depinisyon ang kina E. Trece at J. W Trece (1973) na nagsasaad na ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layuning prediksyon at eksplanasyon.
  • 9. Narito naman ang ilang Layunin ng Pananaliksik ayon kina Calderon at Gonzales (1933): 1. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid pang phenomena. 2. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon. 3. Mapagbuti ang mga umirral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o produkto. 4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements. 5. Higit na maunawaan ang kalikasan ng dati nang kilalang substances at elements.
  • 10. Narito naman ang ilang Layunin ng Pananaliksik ayon kina Calderon at Gonzales (1933): 6. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan. 7. Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik. 8. Mapalawak o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman.
  • 14. 1. Panimulang Pananaliksik (Basic Research) ang pananaliksik na ito ay may layuning magpaliwanag ng isang paksa. Ito ay binubuo ng teorya o paliwanag sa isang pangyayari. Ang resulta ng pananaliksik na ito ay nakatutulong sa pagbibigay ng karagdagang impormasyon hinggil sa kaalamang umiiral na sa kasalukuyan.
  • 15. Halimbawang paksa: Pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na inilalaan ng kabataan sa paggamit ng Facebook sa kanilang pakikitungo sa kanilang paligid.
  • 16. 2. Pagkilos na Pananaliksik (Action Research) ang pananaliksik na ito ay naglalayong lumutas ng isang tiyak na suliranin sa isang programa, organisasyon o komunidad. Ang pananaliksik na ito ay may payak na suliranin at kadalasang bahagi ang mananaliksik sa pinag- aaralan
  • 17. Halimbawang paksa: Pananaliksik sa epekto ng Part time Job sa pagkatutuo ng mga mag-aaral sa Ikalabing isang Baitang ng Mataas na Paaralang Sto. Dominico. Pag-aaral hinggil sa pagtaas ng populasyon sa Pilipinas.
  • 18. 3. Pagtugong Pananaliksik (Applied Research) ang layuning ng pananaliksik na ito ay upang matulungan ang mga tao na maunawaan ang kalikasan ng isang suliranin nang sa gayon ay magkaroon siya ng ideya kung paano kokontrolin ang suliraning iyon. Ito ay may layuning solusyunan ang suliranin ng tao at ang suliraning umiiral sa kanyang paligid.
  • 19. Halimbawang paksa: Pag-aaral kung paano maiiwasan ang sobrang katabaan (obesity).
  • 20. 4. Aral Kaso o Case Study inoobserbahan dito ang mga gawi o pagkilos ng isang subject sa isang sitwasyon o kaligiran. Sinisiyasat din ang mga sanhi nito, maging ang maaaring tugon o reaksyon sa panibagong kaligiran.
  • 21. Halimbawang paksa: Kaso ng isang doctor na piniling maging caregiver sa Estados Unidos. Kuwento ng buhay ng isang kabataang dumaan sa proseso ng aborsyon.
  • 22. 5. Komparison/Komparatibo Dalawa o higit pang umiiral na sitwasyon o subject ang pinagaaralan dito upang tukuyin ang kanilang mga pagkakatulad at pagkakaiba.
  • 23. Halimbawang paksa: Komparatibong pagsusuri ng mga panitikang pambata ng mga Tagalog at Bisaya.
  • 24. 6. Deskriptibo pinag-aaralan sa pananaliksik na ito ang pangkasalukyang ginagawa,pamantayan at kalagayan. Itoy tumutugon sa mga tanong na sino,ano,kailan at paano na may kinalaman sa pag-aaral. Hindi ito sasagot sa tanong na bakit dahil ito ay naglalarawan lamang.
  • 25. Halimbawang paksa: Persepsyon ng mga mag-aaral sa Divorce Bill. Pag-aaral sa pananaw ng mga kabataan sa Family Planning.
  • 26. 7. Historikal ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng ibat ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos upang makabuo ng kongklusyon hinggil sa nakaraan. Batay sa mga datos at ebidensya, pinalalalim ang pagunawa sa nakaraan, kung paano at bakit nangyari ang mga bagaybagay at pinagdaanang proseso kung paanong ang nakaraan ay naging kasalukuyan.
  • 27. Halimbawang paksa: Pag-unlad ng General Education Curriculum sa Kolehiyo Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pista ng Nazareno
  • 28. 8. Nakabatay sa Pamantayan (Normative Studies) ang pananaliksik na ito ay may layunin din maglarawan. Ngunit, naiiba ang disenyong ito sapagkat hindi lamang simpleng deskripsyon ang layunin nito, kundi nagbibigay- diin sa pagpapabuti o pagpapaunlad ng populasyong pinag-aaralan batay sa mga tanggap na modelo o pamantayan.
  • 29. Halimbawang paksa: Pagsusuri ng Kakayahan sa Matematika ng mga Mag-aaral ng Magsaysay High School batay sa itinatakdang kompetensi ng DepEd.
  • 30. 9. Etnograpikong Pag-aaral ito ay isang uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na nag-iimbestiga sa ibat ibang gawi ng isang komunidad sa pamamagitan ng pakikisalamuha dito. Nakabatay ito sa panlipunang konteksto ng mga taong naninirahan dito sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang mga pagpapahalaga, pangangailangan, wika, kultura at iba pa.
  • 31. Halimbawang paksa: Pagpapakahulugan kay Rizal ng mga Milinaryong Kilusan sa Banahaw. Pag-aaral sa uri ng pamumuhay ng mga Mangyan.
  • 32. 10. Eksploratori isinasagawa ang pag-aaral na ito kung wala pang gaanong pagaaral na naisagawa tungkol sa isang paksa o suliranin. Ang pokus nito ay magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa isang paksa na maaring magbigay-daan sa mas malawak at komprehensibong pananaliksik.
  • 33. Halimbawang paksa: Panimulang Pag-unawa sa Masaker sa Mamasapano kaugnay ng Usaping Pangkapayapaan sa Mindanao. Panimulang pag-aaral sa cyberbullying sa piling Unibersidad ng Maynila.
  • 34. Maraming salamat! Madamu nga salamat! Daghang salamat! Raku nga salamat! Abo saeamat! Thank you very much!