3. PANANALIKSIK
Ang pananaliksik ay isang
sistematikong pag-aaral o
inbestigasyon ng isang bagay
sa layuning masagot ang mga
katanungan ng isang
mananaliksik.
4. 1. Pagpili ng Mabuting Paksa
Ito ang ang unang hakbang sa pagbuo ng
sulating pananaliksik na kailangan ang
masusing pag-unawa at mga kaugnay na
gawaing ibibigay ng isang guro.
Paksa- napakahalagang piliing mabuti upang
maging matagumpay ang isang sulating
pananaliksik.
- nararapat pinag-isipang mabuti at dumaan sa
isang maingat na pagsusuri upang matiyak na
makabubuo ng isang makabuluhang sulatin.
5. Narito ang mga tanong na maaari mong gawing
batayan upang
makapagpasya sa paksang maaari mong isulat:
Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-wili
kaya sa akin ang pananaliksik at pagsulat ng ukol dito?
Angkop, makabuluhan, at napapanahaon ba ang
paksang ito? Magiging kapaki-pakinabang ba ang
magiging bunga nito sa akin o sa ibang babasa partikular
sa mga kaklase ko?
Kaya ko kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng
panahong ibinigay sa amin?
Marami kayang sangguniang nasusulat na maaari kong
pagkunan ng impormasyon upang mapalawak ang
paksang napili ko?
6. 2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis
(Thesis Statement)
Kapag napagpasiyahan na ang paksa bumuo ka
na ng iyong pahayag ng tesis. Ito ang pahayag na
magsasaad ng posisyong sasagutin o
patutunayan ng iyong bubuoing pananaliksik.
Naririto ang ilang tanong na maaaring gumabay
o magbibigay direksyon sa pagbuo mo ng
pahayag ng tesis.
Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito?
Layunin kong maglahad ng impormasyong
magpapatunay sa pinapanigan kong posisyon?
7. Sino ang aking mga mambabasa?
Ang guro lang ba ang makababasa ng sinulat
ko? Sino pa kaya ang makababasa? Ano kaya
ang inaasahan at karanasan ng aking mga
mambabasa?
Ano-anong kagamitan o sanggunian ang
kakailanganin ko?
May sapat bang kagamitan o sanggunian
upang magamit ko sa pagpapatunay sa aking
pahayag ng tesis? Saan ko mahahanap ang
mga ito?
8. Mula sa iyong mga nakuhang sanggunian
ay bumuo ka ng pansamantalang
bibliyograpiya.
Bibliyograpiya- ay talaan ng iba't ibang
sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo,
report, peryodiko, magasin, web site, at iba
pang nalathalang materyal na ginamit. Ito'y
maaaring isang 3x5 na index card na
kakikitaan ng sumusunod na mga
impormasyon:
3. Paghahanda ng Pansamantalang
Bibliyograpiya
9. Pangalan ng awtor
Pamagat ng kanyang isinulat
Impormasyon ukol sa
pagkakalathala
- mga naglimbag
-lugar at taon ng pagkakalimbag
-pamagat ng aklat
Ilang mahalagang tala ukol sa
nilalaman
10. 4. Paghahanda ng Tentatibong
Balangkas
Mahalaga ito upang magbigay
direksyon sa pagsasaayos ng iyong
mga ideya at pagtukoy kung ano-
anong materyal pa ang kailangang
hanapin. Maaaring gamitin ang mga
inihanda mong card ng
bibliyograpiya upang maging gabay
sa pagbuo ng iyong balangkas.
11. 5. Pangangalap ng Tala o Note
Taking
Iminumungkahing isulat nang maayos ang
iyong mga tala. Gumamit ng index card na
mas malaki kaysa sa ginamit mo sa
bibliyograpiya para mapag-iba ang dalawa
bukod sa mas marami kang maisusulat sa
mas malaking card.
Ang bawat card ay ilalaan lamang sa isang
tala. Kung kukulangin ang isang index
card ay maaaring magdagdag pa ng ibang
card.
12. Maaari kang gumamit ng 4 uri ng
tala:
Pagsasalin o sariling salin- ito ay paggamit ng
sariling salita sa pagtatala ng mga konsepto na
nasa wikang banyaga at iba pa. Ito ay isang
napakahalagang kaalaman sa pagbuo ng
pananaliksik.
Tuwirang sinipi- kung ang tala ay direktang
sinipi mula sa isang sanggunian. Gumamit ng
panipi sa simula at dulo ng sinipi. Itala ang
sangguniang pinagkunan gayundin ang pahina
kung saan ito mababasa.
13. Bago naimbento ang kamera, walang nakapagpreserba ng
mga imahen kundi ang gunita ng tao. Ngunit hindi tulad
ng gunita, hindi kayang mapresenta ng litrato ang
kahulugan. Sabi nga ni Berger:
Meaning is the result of understanding functions.
And functioning takes place in ime, and must be
explained in time. Only that which narrates can
make us understand. Photographs in themselves not
narrate. Photographs preserve instant appearances.
Habit now protect us against the shock involved
such preservation.
Binubuwag ng potograpiya ang konteksto. Hinuhugot nito
ang sabdyek mula sa espisipikong panahon at espasyo sa
sandali ng produksyon ng litrato. Dahil sa
dekontekstuwalisasyong ito, mayaman sa posibilidad ng
distorsyon ng kahulugan ng paksa ang potograpiya
Hango sa BANWA 2006
Bahagi ng Sanaysay ng Bayang Magiliw, Bayang
Inaliw, Bayang Handang Pumatay.Galileo S. Zafra.
14. Maaari kang gumamit ng 4 uri ng
tala:
Hawig Layunin nito na maipapahayag sa simple,
direkta at naiintindihang pananalita ang orihinal.
Ang hawig ay isang pagsasalin ng ideya at
pananalita ng awtor sa sariling pananalita.
-kung binago lamang ang mga pananalita
subalit mananatili ang pagkakahawig sa orihinal.
Buod- ito'y pinaikling bersiyon ng isang mas
mahabang teksto. Ito'y maikli subalit nagtataglay
ng lahat ng mahahalagang kaisipan ng orihinal na
teksto. Ito ang pinakamadalas gamitin sa pagkalap
ng tala.
15. Halimbawa sa HAWIG:
Halimbawa:
come, open yourself to some of the best things in life. Food
come, live it up with. Ladys Choice honest -to -fullness. Food, eating is
living eat away and live it up!
Uminom ng Sarsi Nag - iisa sa lasa!
Uminom ng Sunta
16. Halimbawa sa BUOD:
Orihinal na Teksto:
Ang Coronavirus ay isang uri ng virus mula sa karaniwang sipon at ubo hanggang sa maging mas
malubhang sakit tulad ng Middle
East Respiratory Syndrome (MERS) at Severe Acute Respiratory
Syndrome (SARS). Ang karaniwang sintomas na dulot nito ay lagnat, ubot sipon, hirap sa paghinga at
iba pang problema sa daluyan ng hangin. Ang malubhang kaso ay maaaring maging sanhi ng
pneumonia, acute respiratory syndrome at pagkamatay.
Ayon sa kasalukuyang sitwasyon ang corona virus ay maaaring maipasa ng tao sa tao. Upang maiwasan
ito kailangang gawin ang sumusunod:
-Ugaliin ang madalas na paghuhugas ng kamay
-Lumayo at takpan ang bibig at ilong kapag uubo at babahing gamit ang panyo o tissue.
- Umiwas sa mga taong may lagnat, ubo at sipon
-Siguraduhing ang pagkain tulad ng karne at isda ay naluto nang maayos.
Buod.
Ang Corona virus ay isang uri ng virus na nagdudulot ng ibat ibang
uri ng sakit mula sa karaniwang ubot sipon na may malubhang
impeksyon tulad ng MERS-Cov at SARS. Ang ganitong uri ng sakit ay
kailangan ng agarang atensyon upang magamot at hindi makahawa
sa iba.
17. 6. Paghahanda ng Iwinastong
Balangkas o Final Outline
Dito susuriing mabuti ang
inihandang tentatibong balangkas
upang matiyak kung may mga
bagay pang kailangang baguhin o
ayusin. Maaari nang ayusin ang
dapat ayusin upang ang pangwakas
na balangkas ay maging mabuting
gabay sa pagsulat ng iyong burador.
18. 7. Pagsulat ng Borador o Rough
Draft
Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga
card ng tala ay maaari ka nang
magsimulang sumulat ng iyong borador.
Tandaang ang isang sulating pananaliksik
ay dapat magkaroon ng:
introduksiyon na kababasahan ng mga
ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin,
katawan nakababasahan ng pinalawig o
nalamnan ng bahagi ng iyong balangkas
19. konklusyon na siyang nagsasaad ng
buod ng iyong mga natuklasan sa iyong
pananaliksik.
Pag-ukulan ng pansin ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga kaisipan.
Dapat ding isaalang-alang na ang wikang
gagamitin ay payak ngunit malinaw;
tama ang baybay, bantas, at kaayusang
panggramatika; pormal ang anyo; at
karaniwang nasa ikatlong panauhan.
20. 8. Pagwawasto at Pagrebisa ng
Borador
I-proofread o basahing mabuti at iwasto ang
mga bagay na kailangang iwasto sa iyong
borador. Pag-ukulan ng pansin ang
pagkakabuo ng mga pangungusap, ang
baybay, bantas, wastong gamit,
pamamaraan ng pagsulat, at angkop na
talababa o footnote.
Maaari nang pumili ng tiyak na pamagat ng
iyong sulatin. Ihanda ang paunang salita,
talaan ng nilalaman, at pinal na bibliyograpiya.
21. Sa pagsulat ng bibliyograpiya ay
nararapat tandaan ang sumusunod:
Pangkat-pangkatin ang mga ginamit
na sanggunian. Pagsama-samahin ang
mga aklat, pahayagan, web site, at iba
pa.
Isaayos muna nang paalpabeto ang
pangalan ng mg awtor gamit ang
apelyido bilang basehan.
Isulat ang bibliyograpiya gamit ang
iba't ibang estilo ng pagsulat nito.
22. APA
(American Psychological
Association)
Para sa mga aklat
- Apelyido ng awtor, pangalan ng
awtor. (Taon ng Paglilimbag)
Pamagat. Lungsod ng
Tagapaglimbag: Tagapaglimbag.
Halimbawa:
Almario ,Virgilio S.,(2010) Filipino ng Wika.
Quezon City:Aninao Publishing, Inc.
23. Para sa mga Artikulo sa Pahayagan o Magasin
-Apelyido ng awtor, Pangalan ng
awtor.(Taon ng Paglilimbag) Pamagat
ng Artikulo. Pamagat ng Pahayagan o
Magasin, Paglilimbag #. (Isyu #),
pahina #.
Halimbawa:
Lala, Anna.(Agosto 3, 2017) To Create a
World Without Nuke. Philippine Daily
Inquirer, 76. (276), 3.
24. Para sa mga Kagamitang Mula sa Internet
- Awtor. (Petsa ng Publikasyon) Pamagat
ng Artikulo o Dokumento. Pamagat ng
Publikasyon. Petsa kung kailan sinipi o
ginamit mula sa buong web address simula
sa http://.
Halimbawa:
Ma. Gemma C. Cruz.(Hunyo 4, 2010) Kahirapan ng
mga Tao.Udyong Bataan Official Website.Oktubre
5,2014.http://udyong.gov.ph/teachers-corner/5679-
kahirapan-ng-mga-tao
25. 9. Pagsulat ng Pinal na Sulating
Pananaliksik
Pagkatapos pagdaanan at isigawa
nang mabuti ang naunang walong
hakbang, ngayon ay nakatitiyak ka
na ng isang mainam na sulating
pananaliksik. I-type na ito gamit
ang pormat na ibinigay ng iyong
guro.
#7: Pahayag na tesis-ito ay pangungusap na ginagamit upang maging gabay ng isang manunulat sa paggawa ng isang akademikong papel upang may magandang patutunguhan ang kanilang sinusulat.
Ito ay naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya ng sulating pananaliksik.
Isa itong matibay na pahayag na naglalahad sa pinapanigang posisyon o pananaw ng mananaliksik tungkol sa paksang handa niyang patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng mga datos at ebidensya.
-Ito ay binubuo ng 1-2 pangungusap at ito ay makikita sa hulihan ng introduksiyon