2. Ang Batas Rizal Hunyo 12, 1956 pinagtibay ang Batas ng Republika Blg. 1425 at tinawag itong Batas Rizal. Ayon sa batas, dapat maging bahagi ng kurikulum ng lahat ng pamantasan maging pampubliko at pambribadong paaralan ang kursong nauukol sa buhay, mga ginawa at mga naisulat ni Jose Rizal, lalo na ang kanyang dalawang nobela, ang Noli at El Fili
4. Ang Kapanganakan Si Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda o mas kilala bilang Jose Rizal ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861 sa pagitan ng 11-12 ng hatinggabi, araw ng Miyerkules
5. Ang Kanyang Binyag Bininyagan siya sa Simbahang Katoliko noong Hunyo 22, 1861 ni Padre Rufino Collantes , isang Batangueno. Ang kanyang ninong ay si Padre Pedro Casanas , isang taga-Calamba.
6. Ano Ang Ibig Sabihin ng Kanyang Pangalan? Jose pangalan ng patron ng kanyang ina na si San Jose. Protacio ang pangalan ng patron sa kalendaryo kung saan natapat ang pista ni San Protacio sa kaarawan ni Jose. Mercado salitang Espanyol na ang ibig sabihin ay market o palengke. Rizal salitang Espanyol na Ricial na ibig sabihin ay luntiang bukirin.
7. Alonzo ang unang apelyido ni Donya Teodora Alonzo Realonda . Realonda ang kinuhang bagong apelyido ni Donya Teodora noong ipinatupad ang utos ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria na papalitan ang lahat ng apelyido at ang kinuha niya ay ang apelyido / pangalan ng kanyang ninang - Realonda
8. Ang Mga Magulang ni Rizal Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos
9. Mga Magulang ni Rizal Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro (1818-1898) isinilang sa Binan, Laguna noong May 11,1818. Nag-aral sa Kolehyo ng San Jose sa Maynila. Noong bata pa, lumipat na siya sa Calamba, Laguna upang maging magsasaka sa asyenda ng mga paring Dominikano. Namatay siya sa Maynila noong Enero 5, 1898.
10. Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos (1826-1911)- isinilang sa Maynila noong Nobyembre 8, 1826 at nag-aral sa Kolehiyo ng Sta. Rosa. Namatay siya noong Agosto 6, 1911 sa Maynila.
12. Mga Kapatid Saturnina (1850-1913) panganay sa magkakapatid, ang palayaw ay Neneng at ikinasal kay Manuel Higaldo. Paciano (1851-1930) ang nag-iisang kapatid na lalaki ni Jose at namatay noong Abril 23, 1930 Narcisa (1852-1939) palayaw niya ay Sisa at ikinasal siya kay Antonio Lopez, isang guro sa Morong.
13. Olimpia (1855-1887) palayaw niya ay Ypia at ikinasal siya kay Silvestre Ubaldo. Lucia (1857-1919) iknasal kay Mariano Herbosa ng Calamba na namatay sa sakit na kolera at ayaw bigyan ng Kristiyanong libing dahil bayaw siya ni Jose. Maria (1857-1945) Biang ang kanyang palayaw at ikinasal kay Daniel Faustino Cruz ng Binan, Laguna.
14. *Jose (1861-1896) ang palayaw niya ay Pepe at napangasawa niya si Josephine Bracken.* Concepcion (1862-1865) - ang kanyang palayaw ay Concha at ang kanyang pagkamatay ay nagdulot ng unang kalungkutan ni Jose. Josefa (1865-1945) ang palayaw niya ay Panggoy.
15. Trinidad (1868-1951) Trining ang kanyang palayaw. Soledad (1870-1929) bunso sa magkakapatid; ang kanyang palayaw ay Choleng at napangasawa kay Pantaleon Quintero ng Calamba.
16. Ang Kuwento ng Gamugamo Sa lahat ng mga kuwentong isinalaysay kay Rizal ng kaniyang ina, ang tungkol sa gamugamo ang nag-iwan ng alaalang hindi makatkat sa kanyang isipan. Sa murang edad ang naitanim ang pagiging martir ng batang gamugamo na hindi inalintana ang kamatayan masunod lamang ang pangarap na makita ang liwanag.
17. Unang Tula Ni Rizal Sa edad na walo, sinulat ni Jose ang una niyang tula na pinamagataang Sa Aking Mga Kabata . na isang isyu para kay Ambeth Ocampo
18. Impluwensiyang Namana Mula sa Ama tunay na pagpapahalaga sa sarili, pagmamahal sa paggawa, at malayang pagiisip. Mula sa Ina relihiyoso, diwa ng pamamalasakit, at pagmahal sa literatura.
19. Impluwensiya ng Kapaligiran Tiyo Jose Alberto sining Tiyo Manuel palakasan Tiyo Gregorio palabasa Mga kalungkutan - pagkamatay ni Concha, pagkakapiit ni Dona Teodora, at pagbitay sa GomBurZa .
20. Pag-aaral Mga Unang Guro Sa Binan Sa Ateneo Sa UST Sa Univercidad Central de Madrid
21. Mga Unang Guro Kanyang Ina Maestro Celestino Maestro Lucas Padua Leon Monroy
22. Sa Binan Si Jose ay nag-aral kay Maestro Justiniano Aquino Cruz ng isat kalahating taon. Si Maestro Justiniano Aquino Cruz ay naging guro rin ni Paciano.
24. Sa Ateneo Municipal de Manila natapos ng Bachilles en Artes labing-isang taong gulang nang pumasok nakatanggap ng pang-unang medalya at pitong sobresaliente .
26. Sa Unibersidad ng Sto Tomas nag-aral ng Filosofia y Letras. nag-aral din ng Medisina ngunit di siya nasiyahan sa pamamaraan ng pagtuturo kayat nagtungo sa Europa.
28. Sa Universidad Central de Madrid nag-aral siya rito noong magtungo siya sa Madrid, Espanya nagtapos ng Medisina at Pilosopiya nag-aral ng Eskultura, Artes, Pagpinta, at lengguwahe
30. Naging Pagibig Julia (Minyang) Segunda Katigbak unang pagibig, itinakdang ikasal kay Manuel Luz. Binibining L. (Jacinta Ibardo Laza) Leonor Valenzuela (Orang) tinuruan ni Rizal magsulat gamit ng invisible ink. Leonor Rivera (Taimis) natatangi sa lahat, ikinasal kay Henry Kipping.
31. Seiko Usui (O-Sei-San) siya rin ang tagaturo ni Jose tungkol sa Hapon. Consuelo Ortiga y Perez sinulatan ni Jose ng tulang A La Senorita C.O.y. P.. Suzanne Jacoby Belgian na nakatira sa Londres na umiibig kay Jose. Nelly Boustead - naging sanhi ng muntik nang pakikipagduwelo ni Rizal kay Antonio Luna
32. Gertude Beckett ang patawag para kay Gertude ay Gettie at para kay Jose naman at Pettie. Josephine Bracken pinakasalan ni Jose bago siya barilin.
33. Mga Wikang Alam Tagalog Ilokano Bisaya Subanon Spanish Dutch German Portuguese English Hebrew Chinese
34. Latin Arabic Catalan Swedish Greek Malaysian Italian Russian French Sanskrit Japanese
35. Mga naging Propesyon Manunulat Doktor (surihano sa mata) Makata Mandudula Mananalaysay Arkitekto Pintor Eskultor
41. Noli Me Tangere Inspirasyon: Circulo Hispano Filipino hinangad ni Rizal na makasulat siya at ang mga kasama niya ng isang aklat tungkol sa ibat ibang mukha ng buhay sa Pilipinas Wandering Jew hinangaan niya ang nobelang ito Uncle Toms Cabin nadama niya ang pagkaalipin ng mga Negro sa Amerika
42. Inalay para sa Inang Bayan . Isinulat sa Madrid, Paris at Berlin Tinulungan ni Maximo Viola at ni Paciano para mapalimbag ang Noli Natapos ito isulat sa Berlin noong Marso 29, 1887 at ipinalimbag sa Berliner Buchdruckrei-Action Gesselschaft.
43. Katumbas sa English: The Social Cancer Katumbas sa Filipino: Huwag Mo Akong Salingin Nilalaman:Nobelang panlipunan na tumatalakay sa pamumuhay, pag-uugali at ang mga "sakit" ng mga mamamayan noon.
46. Mi Ultimo Adios Sinulat niya bago mamatay Nilagay sa lampara at ibinigay kay Trinidad. Sinabi ni Rizal kay Trining, Theres something inside. Isinulat nang walang pamagat.
47. Mga Sagisag Panulat P. Jacinto ginamit sa pagsulat ng Mga Alaala Ng Isang Mag-aaral sa Maynila Laong-Laan ginamit sa pagsulat ng Amor Patrio. Dimasalang ginamit sa pagsulat ng La Vision de Fray Rodriguez.
48. Ang Paglilitis Ang kanyang abogado ay si Luis Taviel de Andrade. Nilitis siya sa Cuartel de Espana. Hinatulan siya ng kamatayan.
49. Kamatayan ni Jose Rizal Disyembre 29, 1896 11:00-12:00 n.g. kinuha ni Rizal ang kaniyang oras para itago ang ginawang tula sa loob ng isang lampara. Kailangan niya itong gawin para hindi makahalata ang mga nagbabantay sa kaniya. Malalaman na ang naturang tula ay ang Huling Paalam Disyembre 30, 1896 5:00 6: 15 n.u. naghilamos si Jose, kumain ng agahan at ginawa ang mga personal na gawain. Gumawa ng sulat para kay Josephine. 6:15-7:00 n.u. naglakad si Jose sa lugar kung saan siya babarilin Bagumbayan (Luneta/Rizal Park) 7:00 7:03 narinig ang tunog ng mga baril Namatay si Jose Rizal sa batang gulang na 35 taong gulang. Huling Kataga: Consummatum Est (Naganap na.)