1. LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Nauunawaan ang mga konsepto,
elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa Pilipino.
I. LAYUNIN (F11PS- Ib-86)
1. Nakikilala ang konseptong Multilinggwalismo gamit ang wika sa pagkatuto.
2. Naipadarama ang kahalagahan ng kanilang wika sa pakikipagtalastasan.
3. Nakasusulat ng talata tungkol sa personal na karanasan gamit ang
konseptong multilinggwalismo.
PAKSA:
Multilinggwalismo
KAGAMITAN:
Laptop, Multimedia Projector, kartolina/manila paper, marker, masking tape,
at speaker.
II. PAGPAPALAWAK NG ARALIN
A. Pagganyak
WIKA KO, HULAAN MO!
Tatanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang kinagisnang
wika.
Papangkatin sa lima ang klase bawat mag-aaral.
Ang bawat pangkat ay mag-iisip ng dalawang salitang nakabatay sa
kanilang kinagisnang wika sa loob lamang ng isang minuto.
Pipili ang bawat pangkat ng isang miyembro na magsasagawa ng
kilos sa harap upang hulaan ang kahulugan ng salita na kanilang
ibinigay.
Magkakaroon ng puntos ang pangkat na makakahula sa salita.
B. Pagbasa at Pag-awit
Babasahin at aawitin ang katutubong awitin ng Cebuano.
https://www.youtube.com/watch?v=ADODgK8VixE
CEBUANO SONG LYRICS
Si Pilemon, si Pilemon namasol sa kadagatan.
Nakakuha, nakakuha og isdang tambasakan.
Gibaligya, gibaligya sa merkadong guba
Ang halin pulos kura, ang halin pulos kura,
Igo lang ipanuba.
TAGALOG VERSION
Si Pilemon, si Pilimon, nangisda sa karagatan
Nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan,
Pinagbili, pinagbili sa isang maliit na palengke
Kumita ng kaunting pera, kumita ng kaunting pera
Para lang sa kaniyang alak na tuba
ENGLISH TRANSLATION OF LYRICS
2. Philemon, Philemon went to sea to catch some fish
He was able to get, to get only a small mudskipper.
He sold it, sold it at a dilapidated market
For it he got nothing much, nothing much
Just enough to buy tuba
C. Paghawan ng Sagabal
Panuto: Tukuyin ang mga angkop na salitang kumakatawan sa mga
sumusunod na larawan. Piliin ang salita sa kahon.
D. Pag-unawa sa Binasa
Batay sa pagkakaunawa sa awiting binasa, lalapatan ito ng angkop
na kilos ng bawat pangkat.
Pagkatapos itanghal sa harap, sasagutin ang sumusunod na mga
katanungan:
o Paano nagkakaunawaan ang mga tao sa Cebu, Ilocos,
Pampanga, Batangas at iba pa?
o Kung halimbawang mag-uusap ang mga Cebuano at
Kapampangan , paano sila magkakaintindihan?
o Kung kayo ay mapupunta sa ibang bansa, paano kayo
makikipagtalastasan?
o Sa paanong paraan naipakita ng awitin ang
multilinggwalismo?
tambasakan tuba kura
merkado namasol pulos
3. III. Mga Gawain
A. Pangkatang Gawain
Panonood ng Video
Panonoorin ang isang video tungkol sa multilinggwalismo.
(https://www.youtube.com/watch?v=0g5hgtHM)
PAGTIBAYIN ANG PALAGAY
Batay sa napanood, bumuo ang bawat pangkat ng
sariling konsepto o pananaw gamit ang mga ekspresyong
pagpapahayag
Kinakailangan kong matuto ng ibat ibang
wika sapagkat
___________________________________
___________________________________
___________________________________
Sa aking pananaw ang kahalagahan ng
multilingwalismo ay
___________________________________
___________________________________
VENN DIAGRAM
Bibigyan ang bawat pangkat ng maikling seleksiyon tungkol
sa Multilinggwalismo na kanilang babasahin.
Multilinggwalismo ang tawag sa patakarang pangwika
kung saan nakasalig ito sa paggamit ng wikang pambansa at
katutubong wika bilang pangunahing midyum sa
pakikipagtalastasan at pagtuturo, bagamat hindi
kinakalimutan ang wikang global bilang isang mahalagang
wikang panlahat. Layunin ng Multilinggwalismo sa makatuwid
ang unang pakinisin at gamitin ang mga wikang katutubo o
dialekto o wika ng tahanan bilang pangunahing wika ng
pagkatuto at pagtuturo mula sa unang baitang hanggang
ikaapat, susundan ito ng Filipino o ng wikang pambansa bago
ibababad sa Wikang Ingles. Kailangang matamo muna na ang
isang mag-aaral ay bihasa na sa unang wika na susundan ng
pangalawa at pangatlo.( http://docslide.net/documents/ulat-
sa-monolinggwalismo-multilinggwalismo-at-
bilinggwalismo.html) (binuksan noong Ika- 10 ng Abril 2017)
Matapos basahin at panoorin ng bawat pangkat ang video at
seleksiyon, bubuo sila ng Venn Diagram na nagpapakita ng
pagkakatulad at pagkakaiba ng konseptong Bilinggwal at
Multilinggwal.
Isusulat ang gagawing dayagram sa manila paper o kartolina
at ilalahad ito sa harap ng klase.
4. B. Paglalahat
Tanungan- Sagutan
Bakit Multilinggwalismo ang K to 12 Curriculum? Ipaliwanag ang
konseptong Multilinggwalismo batay sa natutunan sa talakayan.
Kailangan ba ang Mother Tongue-Based Multilingual Education
(MTB-MLE)?
C. Paglalapat
Pagsasaling-Wika
Ang bawat pangkat ay isasalin ang awiting Si Pilemon sa
nakagisnang wika. Bibigyan lamang ang bawat pangkat ng sampung
minuto.
Aawitin sa harap ng klase.
D. Pagtataya
I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng
multilingwalismo?
a. Itinuturo ni Hannah ang kasaysayan sa wikang Waray-
waray, Filipino at Ingles kung kinakailangan
b. Itinuro ni Marta ang panitikan sa wikang Ingles
c. Itinuturo ni Jona ang Matematika sa Ilokano
d. Itinuturo ni Gemma ang agham sa mga wikang Filipino
at Ingles
2. Kung ipinanganak at lumaki sa albay si Katrina, sa Anong
wika dapat ituro ang mga asignaturaniya sa unang baiting
sa eskwelahan, ayon sa patakarang multilinggwal?
a. Filipino
b. Bikol
c. Ingles
d. Ilokano
3. Alin sa sumusunod ang tama kaugnay sa ipinatupad na
bilinggwal na patakaran sa edukasyon sa UP?
a. Maaaring ituro ang pisika sa Filipino
b. Sa Ingles lamang dapat ituro ang matematika
c. Maaaring gamitin pareho ang Ingles at Filipino sa
pagtuturo ng kasaysayan.
Bilinggwal Multilinggwal
Pagkakaiba Pagkakaiba
Pagkakatulad
5. d. Maaaring ituro sa Filipino ang Kimika o Chemistry
4. Alin sa sumsusunod ang makapagpapatunay na
nagtatagumpay ang multilingwal na edukasyon sa layunin
nito?
a. Higit na nakilala ng mga tao ang kanilang sariling
identidad
b. Naihanda ang mga tao sa pakikilahok sa pambansa at
internasyonal na mga Gawain
c. Nalinang ang wikang pambansa at mga rehiyonal na
wika
d. Itinakwil ang paggamit ng Ingles sa kabuuan
5. Ayon sa pahayag ng UNESCO noong 2003, ano pa ang
dapat pangalagaan at bigyang proteksiyon bukod sa
multilingguwalismo at lingguwistikong pagkakaiba-iba?
a. Mga katutubong wika
b. Mga internasyonal na wika
c. Mga wikang pambansa
d. Mga wikang nanganganib nang mawala
.
II. Panuto: Sagutin ang tanong sa paraang patalata:
2. Bilang isang mag-aaral ng K to 12, ano ang magandang
maidudulot ng Multilinggwalismo? Ipaliwanag.
___________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
______________.
Rubrik ng Pagmamarka
PAMANTAYAN
Napaka-
galing
(4)
Magaling
(3)
Katam-
tamang
Galing
(2)
Muling
Ayusin
(1)
Puntos
NILALAMAN
May kabuluhan at
akma sa paksang
tinatalakay
PARAAN NG
PAGKAKASULAT
Tama ang baybay,
bantas at
kapitalisasyon,
6. maayos ang mga
pangungusap at
talata
PRESENTASYON
Malinis at nababasa
ang sulat-kamay;
may sapat na margin
at espasyo
KABUUAN
Inihanda nina:
Generosa C. Fetalvero- Tarlac Province
Elsie M. Mariano- Tarlac Province
Jennifer R. Mendoza- Tarlac Province
Princess C. Reyes- Nueva Ecija
Kavin F. Tipay- Tarlac Province