1. LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11
Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto,
elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino.
Pamantayang Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang
pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas.
I. Layunin:
1. Naiuugnay ang mga konsepto sa sariling kaalaman, pananaw, at mga
karanasan (F11PS-Ib-86).
2. Napahahalagahan ng mga mag-aaral ang mga Barayti ng Wika.
3. Nakabubuo ng dayalogo gamit ang mga Barayti ng Wika.
Paksa : Aralin 3: Mga Barayti ng wika, phina 41-57
Sanggunian : PINAGYAMANG PLUMA Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
nina Alma M. Dayag (Awtor-Koordineytor)
at Mary Grace G. del Rosario video clips
tungkol sa Angelica spoofs Kris on
Aquiknow & Aboonduh Tonight mula
sa programang Banana Split sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=t2302wr
xso0
Kagamitan : Laptop, sipi ng akda, manila paper,
pentel pen, art materials
II. Pagpapalawak ng aralin
A.Pagganyak (3-5 minuto)
Tumawag ng dalawang mag-aaral na maituturing na bibo o mahusay sa pag-
arte. Ipagawa at ipasabi ang magiging pagbati at reaksiyon nila para sa
sumusunod na sitwasiyon.
Nasalubong mo ang isa sa pinakamalapit mong kaibigan o kabarkada.
Habang naglalakad kayo ng kaibigan mo ay nasalubong ninyo naman ang
principal ng inyong paaralan.
Patuloy kayo sa paglalakad nang masalubong mo ang isa sa mga kaklase
mo.
Maya-maya pay heto at dumarating naman ang crush mo.
Tukuyin kung bakit nagkaiba-iba ang mga paraan ng pagbating inilahad
nila gayong iisa lang naman ang sitwasiyon. Itanong ang sumusunod:
Bakit kahit magkakapareho ang sitwasyon ay magkakaiba ang naging
paraan mo ng pagbati o pakikipag-usap sa mga taong nabanggit?
2. Ano ang pinatutunayan nito sa paggamit natin ng wika?
B. Paghawan ng Sagabal
Panuto: Bigyang kahulugan ang sumusunod na mga salita ayon sa
iyong pagkaunawa gamit ang Concept Map.
Sossy
Sachet
Gosh
Pa-beg
Pa-have
3. C. Pagbasa
Basahin ang dayalogo at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
WHAT IF CONYO LAHAT THE PEOPLE HERE IN PINAS
Magnanakaw 1: Holdap, make bigay all your thingies! Dont make galaw or
I will make tosuk you!
Pulis: Make suko, we made you napaliligaran!
Impeachment trial: You are so asar! Im galit na to you!
Raliyista: Lets make baka, dont be takot! Dont be sossy, join the rally!
Newscaster: Oh my gosh, I have hot balita to everyone!
Pasahero 1: Sir, payment!
Pasahero 2: Manong, faster please! Im nagmama-hurry!
Customer: Pa-buy ng water, yung naka shachet! (ice tubig)
Karpintero: Can I hammer na the pokpok?
Pari: Youre so bad, see ka ni God!
Tsismosa 1: I was like this, he was like all that, and I was like whats your
problem?
Tsismosa 2: OMG that is like sooo sad!
Magtataho: Taho! Make bili na while its init, Ill make it with extra sagot!
Bumibili ng taho: Is it sarap? Pwede pa-have?
Pulubi: Knock-knock, pa-beg!
Janitor: Ekkkk! Kill the ipis, please dont step on it ha, I dont like to feel the
sound!
Source: https://www. Tumblr.com/search/Israel+lumansang
D. Pag-unawa sa Binasa
1. Ano kaya ang mangyayari kung sa ganitong paraan magsasalita ang
lahat ng mga Pilipino? Ipaliwanag.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_______________________________________________
2. Kung makasasanayan mo ang ganitong paraan ng pagsasalita ay
maaaring madala mo na rin ito hanggang sa iyong pagtanda at maging
sa iyong paghahanapbuhay. Paano kaya kung newscaster ka ng isang
respetadong news and public affairs program sa telebisyon subalit
ganito kang magsalita: Oh my gosh I have hot balita to everyone!
Paano maaapektuhan nito ang kredibilidad mo bilang newscaster?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_______________________________________________
4. 3. Batay sa isinagot mo sa bilang dalawa ano-ano ang gagawin mo para
hindi mangyari ito sayo at malinang sa iyo ang pagsasalita ng maayos
ngayon pa lang?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________
Halaw sa aklat na PINAGYAMANG PLUMA Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino nina Alma M. Dayag (Awtor-Koordineytor)
at Mary Grace G. del Rosario
E. Pagtalakay sa aralin
Pagpanood ng video clip tungkol sa barayti ng wika mula sa link na ito:
https://www.powtoon.com/online-presentation/cgKYOsl6Wb2/barayti-ng-
wika/?mode=movie
III. Mga Gawain
A. Hahatiin ang klase sa apat na pangkat.
Ang bawat pangkat ay bibigyan lamang ng 10 minuto upang pag-
usapan ang itinakdang gawain gamit ang sumusunod na pamantayan
Pamantayan sa Pagmamarka/Rubriks
NILALAMAN------------------------------------5
ORGANISASYON ------------------------------5
PAG-UULAT-------------------------------------5
PAGKAMALIKHAIN -------------------------5
KABUUAN ----------20
Pangkat 1: Magbigay ng tatlong Gay Lingo o salitang beki na alam mo na
ang kahulugan ng bawat isa at tatlong salita na co単o o sosyal at gamitin sa
sariling pangungusap ang bawat isa.
Gay Lingo o salitang beki Pangungusap
1. 1.
2. 2.
3. 3.
Co単o o sosyal Pangungusap
1. 1.
2. 2.
3. 3.
5. Pangkat 2: Magbigay ng tatlong pangungusap na nakasulat sa paraang
jejemon.
Gamit ang Dayagram.
Pangkat 3: Sumulat ng Limang jargon ng trabahong ninanais mong makuha
o magampanan balang-araw gamit ang concept map.
Pangkat 4: Magbigay ng pangalan ng kilala mong taong may kilalang Idyolek.
Isulat ang pahayag na madalas mong marinig mula sa kanya gamit ang
Happy Face.
Jejemon
1.
2.
3.
6. ______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
Panoorin ang programang pantelebisyon at sagutin ang mga tanong.
1. Angelica spoofs Kris on Aquiknow & Aboonduh Tonight mula sa
programang Banana Split sa link na ito: (Malayang pumili ang guro ng
programang pantelebisyon na maaari niyang ipanood)
https://www.youtube.com/watch?v=t2302wrxso0.
a. Ano-anong barayti ng wika ang kapansin-pansin sa paraan ng
pagsasalita ng host sa programang pantelebisyon na napanood mo?
b. Bakit sina Boy Abunda, Kris Aquino at Gloria ang napiling gayahin o
i-spoof sa pinanood mo? Ano ang masasabi mo sa kanilang idyolek
B.Paglalapat
Think-Pair-Share
Bilang isang mag-aaral sa paanong paraan mo magagamit sa pang-araw-
araw na pakikisalamuha ang mga Barayti ng Wika. Sa pamamagitan ng
isang talata ilahad ang iyong sagot.
C. Paglalahat/Paglalagom
Lagumin ang aralin sa pamamagitan ng istratehiyang word chart gamit
ang salitang BARAYTI.
Word Chart
Mga halimbawa ng barayti ng wika
SALITA
Kahulugan:
7. D. Pagtataya
Panuto: Bumuo ng dayalogo ukol sa napapanahong isyung panlipunan gamit
ang mga Barayti ng Wika.
(20 puntos)
Pamantayan sa Pagmamarka/Rubriks
Nagagamit ang barayti ng wika------------------------------------------- 10
Nilalaman ----------------------------------------------------------------------- 5
Pagkakabuo -------------------------------------------------------------------- 5
Kabuuan ------------------------------------------------------------------------ 20
Group IV-Class A
Inihanda nina:
Pangalan Dibisiyon
Cindy B. Diaz - Bataan
Catherine O. Canilao - Pampanga
Rowena R. Ventura - Bulacan
Ipinasa kay:
Alexander F. Angeles
EPS Filipino Division of Gapan City