1. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
I. Mga Layunin/Layunin
Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Nasasagot nang may kahausayan ang mga katanungan ng guro;
Nakapagsasagawa ng ibat ibang gawain na nagpapakita ng kahusayan sa
paggamit ng heterogenous bilang konseptong pangwikawika;
Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook,google,at iba pa.)
sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika; (F11EP-Ic-30)
Naiuugnay ang konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga
karanasan; (F11PS-Ib-86)
Napahahalagahan ang Heterogenous bilang konseptong Pangwika.
Paksang Aralin
HETEROGENOUS NA KONSEPTONG WIKA
Mga Sanggunian/Sanggunian:
Cantillo, Ma. Luisa M. et al., SIKHAY. Quezon City:
St.Bernadette Publishing House.Ph. 22.
Mga Kagamitan:
powerpoint presentation,
dyornal,
projector,
laptop
Batayang aklat
Facebook
Illustration board
yeso
II. Pagpapalawak ng Aralin
A. Pangganyak (concept map)
Ang guro ay magpapakita ng concept map na may nakasulat na wikang
Filipino sa gitna. Samantalang ang mga mag-aaral ay ibibigay ang mga
dayalektong alam nila na bumubuo sa wikang Pambansa.
Mga Tanong:
1. Ano ang kaugnayan ng wikang Filipino sa mga dayalektong bumubuo rito?
2. Batay sa mga kasagutang ibinigay ninyo, ano sa palagay ninyo ang atin
paksang aralin ngayon?
FILIPINO
2. B. Malayang Talakayan
Sa pamamagitan ng power point presentation tungkol sa Heterogenous
bilang Konseptong pangwika magkakaroon ng malayang talakayan ang klase.
(Guro=mag-aaral=kapwa-mag-aaral)
III. MGA GAWAIN
A. Pangkatang Gawain
Panuto: Bibigyan ng guro ng kopya ang mga mag-aaral ng piyesang
Bahay-Kubo na aawatin ng bawat pangkat. (30 minutong paghahanda)
Pangkat Ilokano: Pag-awit ng piyesang bahay-kubo gamit ang diyalektong Iloko.
Pangkat Tagalog: Pag-awit ng piyesang bahay-kubo ang diyalektong Tagalog.
Pangkat Kapampangan: Pag-awit ng piyesang bahay-kubo ang
diyalektong Kapampangan.
Pangkat Bisaya: Pag-awit ng piyesang bahay-kubo ang diyalektong Bisaya.
Matapos ang pagtatanghal ng bawat pangkat, ito ay ipadadala sa hatirang pang-
madla (social media-facebook)(Gagamitan ng guro ng rubriks ang pangkatang
gawaing isinagawa ng mga mag-aaral.)
Pamantayan:
Kaisahan = 15%
Kalinawan ng Presentasyon =15%
Kahandaan =10%
Dating sa madla (facebook)
1-5 Pagkagusto = 2 puntos
5-10 Pagkagusto = 4 puntos =10%
11-20 Pagkagusto = 6 puntos
20-pataas na Pagkagusto= 10 puntos
Kabuuang puntos =50%
B. Paglalahat (One-Minute-Paper)
Sa loob ng isang minuto, itatala ng mga mag-aaral ang kanilang
naunawaan at natutunan sa aralin na tinalakay sa kanilang replektibong dyornal.
(Kapag may sapat na oras maaaring ipabahagi ng guro ang mga kasagutan ng
mga mag-aaral.)
C. Paglalapat
Bakit mahalagang pag-aralan ang Heterogenous bilang konseptong Pangwika?
D. Pagtataya (Pangkatang Gawain)
May Tama Ka, Itaas Mo!
Panuto: Ang guro ay naghanda ng ibat ibang salita sa wikang tagalog na
isasalin ng mga mag-aaral sa iba pang dayalektong alam nila.(Hal. Mahal
kita(tagalog), Kaluguran daka(Kapampangan), Ayayatin ka(Iloko).
Magbibigay ang guro ng mga salita sa wikang tagalog. Gamit ang
illustration board mag-uunahan ang bawat pangkat na isalin sa
dayalektong alam nila at bibigkasin ito. Ang pangkat na unang magtataas
ng illustration board na may tamang sagot ay may 5 puntos.
Tiyakin na bawat miyembro sa pangkat ay sasagot at makikiisa.
Inihanda nina:
Dr. Loida B. Espinosa
Danilo V. del Mundo
Joselle M. Galang