Wikang buhay salamin ng kulturang Masikay.pptxJeissaLara2
油
Ad
lesson plan for demo teaching for AP LP.docx
1. GRADES 1 to
12
DETAILED
LESSON PLAN
(Tala sa Pagtuturo)
Paaralan: SCALA INTEGRATED SCHOOL Baitang / Antas: G7
Guro: LESLY B. GUINYANG Asignatura: ARALING PANLIPUNAN
Petsa / Oras: Markahan: IKA-APAT NA MARKAHAN
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa papel ng ASEAN at ang mga kasapi nito sa pagtugon sa mga hamon at
pagkakamit ng likas-kayang pag-unlad ng mga bansa sa Timog Silangang Asya
B. Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong sa pagpapahalaga sa papel ng ASEAN tungo sa pagkakaisa at pagharap sa hamon ng
likas-kayang pag-unlad at karapatang pantao sa Timog Silangang Asya
C. Mga Kasanayan at Layuning
Pampagkatuto
Kasanayan:
Naiuugnay ang papel ng Pilipinas bilang aktibong kasapi ng ASEAN
Layuning Pampagkatuto:
1. Ano ang ASEAN?
2. Pilipinas bilang Miyembro ng ASEAN
3. Mga bansang kasapi sa ASEAN
D. Nilalaman Ang Pilipinas sa ASEAN
1. Ano ang ibig sabihin ASEAN at ang Layunin nito?
2. Mga kasaping bansa sa ASEAN
3. Mga adhikain ng Pilipinas sa ASEAN
4. Epekto ng ASEAN sa Pilipinas
II. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang PangMag-
aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal
ng Learning Resource
Internet
2. Ano ang ASEAN?
Ang ASEAN ay ang Association
of Southeast Asian Nations,
isang regional na organisasyon
na binubuo ng sampung bansa
sa Timog-Silangang Asya.
Sa kasalukuyan, ang ASEAN ay
mayroong sampung miyembrong
bansa at patuloy na isinusulong
ang kooperasyon sa iba't ibang
larangan.
B. Iba pang Kagamitang Panturo Lapis, Colored paper,Cartolina White board marker
III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO
A. Pagkuha ng Dating Kaalaman Maikling Balik-aral
Bago natin simulan ang ating bagong aralin,sino po sa inyo ang magbahagi sa klase kung ano ang inyong nakaraan na aralin.
B. Paglalahad ng Layunin Gawain 1: jumble word
Ayusin ang gulu-gulong mga titik upang mabuo ang tamang salita.
1. PLIPISIAN
2. SAAEN
3. NGASIREPO
4. PAKAPAANYA
5. BOCAMDIA
6. SOLA
C. Pag ugnay ng mga halimbawa sa bagong
aralin.
Kaugnay na Paksa: Ano ang ASEAN?
1. Ano ang ibig sabihin ASEAN at ang Layunin nito?
Layunin ng ASEAN
Layunin ng ASEAN na
itaguyod ang kapayapaan,
kasaganaan, at katatagan sa
rehiyon sa pamamagitan ng
kooperasyon sa pulitika,
ekonomiya, at kultura.
Kasaysayan ng ASEAN
Itinatag ang ASEAN noong
Agosto 8, 1967, sa Bangkok,
Thailand, ng limang bansa:
Indonesia, Malaysia, Pilipinas,
Singapore, at Thailand.
Pinalawak ang ASEAN sa
pamamagitan ng pagsali ng Brunei
noong 1984, Vietnam noong 1995,
Laos at Myanmar noong 1997, at
Cambodia noong 1999.
4. D. Paglinang at Pagpapalalim
2. Pilipinas bilang Miyembro ng ASEAN
Mga Papel ng Pilipinas sa ASEAN
3. Mga Adhikain ng Pilipinas sa ASEAN
Isa sa limang founding members ng ASEAN noong
1967.
Aktibong nakikilahok sa mga adyenda at inisyatibo ng
ASEAN.
Kinikilala bilang tagapagtaguyod ng kapayapaan at
kooperasyon sa rehiyon.
Nagsusulong ng economic integration at sustainable
development.
Tumutulong sa pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan
1.Palakasin ang diplomatikong
relasyon sa mga kapitbahay sa
Timog-Silangang Asya para sa
kapayapaan at katatagan.
2. Pagtulungan sa larangan ng
ekonomiya upang mapalakas ang
kalakalan at pamumuhunan.
3.Pagtutulungan sa mga usaping
pangkalikasan at pangkultura
upang mapanatili ang yaman ng
rehiyon.
5. E. Paglinang sa Kabiihasaan
(Tungo sa Formative Assessment)
Gawain 2: Pair share activity (5 minutes)
A. Bilang isang mag-aaral na opisyal sa ating paaralan o sa iyong silid aralan, magbigay ng kahit dalawa o tatlo na adhikain
nio para sa ikauunlad ng ating paaralan.
F. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw araw na
Buhay
Gawain 3: Deliberation
A. Batay sa iyong nasulat sa Gawain 2, paano nio ito ipinapatupad ang inyong adhikain?
G. Paglalahat
ASEAN- Association of Southeast Asian Nations
Itinatag ang ASEAN noong Agosto 8, 1967, sa Bangkok, Thailand, ng limang bansa: Indonesia, Malaysia, Pilipinas,
Singapore, at Thailand.
Brunei noong 1984
Vietnam noong 1995
Laos at Myanmar noong 1997
Cambodia noong 1999.
H. Pagtataya
PAGSUSULIT: Maglabas ng
1
4
na paper at sagutin ang mga sumusunod.
Tama o Mali: Isulat ang salitang TAMA sa patlang kung ang pahayag ay wasto at MALI kung hindi ito wasto.
________1. Itinatag ang Southeast Asia Treaty Organization upang masugpo ang paglaganap ng komunismo sa Timog Silangang Asya.
________2. Sa pagkakatatag ng ASEAN, nagkaroon ng pagkakataon ang Pilipinas na ipakitang nakasandig pa rin ito sa Amerika sa mga
pulitikal na patakaran nito.
________3. Kasama sa regional economic integration ang malayang palitan ng kalakal sa mga bansang kasapi sa ASEAN.
________4. Higit na makikinabang sa malayang kalakalan ang mga bansang maraming produktong maaring i-export.
________5. Tumatalima ang mga patakarang panlabas at pangkalakalan ng Pilipinas sa mga layon o goals ng ASEAN.
I. Karagdagang Gawain para sa Takdang-
Aralin at Remediation
Panuto: Panoorin ang balita tungkol sa posisyon ng ilang bansa sa ASEAN sa isyu ng West Philippine Sea. Ipahayag kung ano ito at kung ano ang opinyon
mo dito. https://www.youtube.com/watch?v=yeGV8H4_eCA
6. V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba
pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba angremedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy
saremediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng aking punongguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho
na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?
INIHANDA NI:
LESLY B. GUINYANG
JHS Teacher Applicant