際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
MATAAS NA PAARALAN NG PEDRO E.DIAZ Up Side Subdivision Alabang , Lungsod ng Muntinlupa   KAGAWARAN NG FILIPINO  PANDIBISYONG PAKITANG-TURO  SA FILIPINO 1  (PAGPAPALALIM)  Inihanda ni:  Gng. Brenda A. Escopete Guro,Filipino 1
A:Madamdaming awitin you raise me up revised.mpg B :Lupang Hinirang.mpg
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pakikipagtunggali ng tauhan ang mga sumusunod na sitwasyon: a)Tao vs tao   c) Tao vs kalikasan b) Tao vs sarili  d) Tao vs lipunan  ______1. Sina Don Juan at Namongan ay nagkaroon ng anak subalit bago pa man ito isilang ay namatay si Don Juan sa pakikipagdigma. ______2. Sumisid si Lam-ang sa karagatan para sa gintong kabibe subalit siya namang pagsalubong sa kanya ng halimaw ng karagatan na lumamon sa kanya. ______3. Sa matinding galit hinamon ni Lam-ang mga Igorot. Daan-daang sibat ang itinudla ng kanyang mga katunggali na sinalo lamang niya. ______4.Napag-isipan niyang hanapin ang nawawalang ama na matagal na niyang hangad makita at makilala,sa kabila ng pagtutol ng ina ay nagpatuloy pa rin si Lam-ang. ______5.Sa ilog Amburayan,walang nangangahas na maligo sapagkat tahanan ito ng mababangis na buwaya,ngunit nagpasya  si Lam-ang  na dito maligo,matapos makapaligo ay nangamatay ang mga  isda,hipon,halaman,at iba pang may buhay na nakatira sa ilog.
Pagpapakita  ng video footage sa isang video presentation na nagpapakita ng kabayanihan.   I:ideodemo2.mp4 Ipatala sa pisara ang mga katangian ng isang bayaning binanggit sa naturang video footage.
Ibigay ang ibat-ibang pananaw tungkol sa kabayanihan. Gawin ito sa pamamagitan ng word association kabayanihan
Isa sa mabisang paraan ng pagpapakilala ng tauhan ang pagsulat  ng talambuhay Ang  talambuhay  ay isang pag-uulat tungkol sa buhay  ng isang tao na nilikha ng ibang tao. Maari itong isinulat upang mailimbag bilang isang aklat o artikulo o maipalabas bilang sine o programa sa telebisyon. Layunin nitong maglahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao,buhay man o patay, kung paano siya makipagtunggali sa mga pagsubok na likha ng kanyang kapaligiran at kapanahunan.
Pagpapabasa ng talambuhay ng isang tao na maituturing na bayani. Ipasagot ang mga sumusunod na tanong:
EFREN PENAFLORIDA Isa sa mga Pilipinong nagbibigay ngayon ng inspirasyon sa maraming Pilipino saan  mang dako ng mundo at Pilipinas ay si Efren Penaflorida.Siya ang kauna-unahang nilalang na nakaani ng papuri at malaking karangalan mula sa CNN at tinagurian siyang BAYANI NG TAON. Ito ay dahil sa kanyang walang patid na pagtulong sa mga maralitang batang Pilipino na makapag-aral sa  pamamagitan ng kanyang programang  KARITUN KLASRUM.
Araw-araw ay itinutulak niya kasama ng kanyang grupo  ang isang karitun na puno ng mga aklat at kanyang sinisikap na turuan ang mga batang lansangan na bumasa at magsulat. Dahil sa kanyang walang imbot at totoong pagtulong sa masang Pilipino,lahat ng tao sa buong mundo ay naantig sa kanyang mabuting gawain. Naramdaman niya ang pagnanais na mapataas ang antas ng pamumuhay ng kanyang mga kababayan.
Ang kanyang mabuting hangarin ay nakapaghatid inspirasyon sa buong lahing Pilipino na kaya natin ito at may magagawa tayo kahit maliit na bagay lamang para sa ikauunlad ng bansa.  Tayo,katulad ni Efren ay kayang magbahagi ng kaalaman at buhay para sa ikabubuti ng mas nakararami.
D:ouTube        - CNN Heroes featuring Efren Penaflorida.mp4 D:ouTube        - CNN 2009 HERO OF THE YEAR.mp4
Ano ang layunin at adhikain ng tauhan? Paano niya ipinakita ang kabutihang ginawa sa ibang tao?sa bayan? May mga bahagi ba na nagpapakita ng pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan?
Paano niya ito nabigyan ng solusyon? Aling bahagi ang nakapagbigay sa iyo ng inspirasyon? Ibahagi.
Pagsusuring  Panggramatika Muling balikan ang tekstong lunsaran
EFREN PENAFLORIDA Isa sa mga Pilipino ng  nagbibigay ngayon ng inspirasyon sa marami ng  Pilipino saan  ma ng  dako ng mundo at Pilipinas ay si Efren Penaflorida.Siya ang kauna-unaha ng  nilalang  na   nakaani ng papuri at malaki ng  karangalan mula sa CNN at tinagurian siya ng  BAYANI NG TAON. Ito ay dahil sa kanya ng  wala ng  patid  na  pagtulong sa mga maralita ng  bata ng  Pilipino  na  makapag-aral sa  pamamagitan ng kanya ng   programa ng   KARITUN KLASRUM.
Paggamit ng mga pang-angkop o linkers na  na a t  ng . Ang mga  pang-angkop  ay mga kataga at titik na idinudugtong sa isang salita sa iniuugnay sa kasunod na salita. Tinatawag ding  linkers , ang mga ito ay pang-angkop  na  na  at  ng . Ginagamit ang  ng  kapag nagtatapos sa patinig ang unang salitang inuugnay sa kasunod na salita.
Ginagamit naman ang  na  kung nagtatapos sa katinig o consonant ang unang salitang iniuugnay sa kasunod. Samantala,kapag ang unang salitang iniuugnay sa kasunod ay nagtatapos sa katinig na n,nananatili ang n at idinaragdag na lamang ang g sa salita.
Itala sa pisara ang mga salitang ginamit na may pang-angkop o linkers mula sa tekstong binasa.
Araw-araw ay itinutulak niya kasama ng kanyang grupo  ang isang karitun na puno ng mga aklat at kanyang sinisikap na turuan ang mga batang lansangan na bumasa at magsulat. Dahil sa kanyang walang imbot at totoong pagtulong sa masang Pilipino,lahat ng tao sa buong mundo ay naantig sa kanyang mabuting gawain. Naramdaman niya ang pagnanais na mapataas ang antas ng pamumuhay ng kanyang mga kababayan.
Ang kanyang mabuting hangarin ay nakapaghatid inspirasyon sa buong lahing Pilipino na kaya natin ito at may magagawa tayo kahit maliit na bagay lamang para sa ikauunlad ng bansa.  Tayo,katulad ni Efren ay kayang magbahagi ng kaalaman at buhay para sa ikabubuti ng mas nakararami.
Pangkatang- gawain Pangkat 1- Ibahagi sa iba ang mga kabutihang nagawa para sa bayan o sa sariling lugar(Alam ba Ninyo). Ibigay ang pagkakakilanlan at katangian, gamit ang nakatalang paglalarawan(Character Profile) Pangalan: Pangunahing katangian : Kakayahang pangkaisipan: Kalagayan sa buhay: Layunin o motibo: Nagawa para sa sariling lugar o bayan:
Pangkat 2- (Think And Share)  Sumulat ng  talambuhay ng isang tao na itinuturing na bayani o nakagawa ng kabayanihan sa sariling lugar o bayan. Ipakilala sa pamamagitan ng  Character Webbing.
Pangkat 3- Nakapagkikritik ng talambuhay ng isang tao. Tukuyin ang katangiang tinaglay  nito,pinagdaanang pakikipagtunggali at hakbang na ginawa sa paglutas ng suliranin.  PAKIKIPAGTUNGGALI PAGLUTAS/HAKBANG NA GINAWA 1 2 3 4 5 1 2 3 4 5 PANGALAN:
Pangkat 4- Bibigyan ang pangkat ng pinaghati-hating talambuhay ng isang bayani. Buuin sa tamang pagkakaayos. Hanapin din ang mga pangungusap na gumagamit ng mga pang-angkop o linkers. Salungguhitan ito.
Pangkat 5-Bigyan ng angkop na marka ang bawat pangkat gamit ang rubrics para sa pangkatang gawain. BATAYAN Pangkat1 Pangkat2 Pangkat3 Pangkat4 1.Kasiya-siya ba ang ginawang pag-uulat?pagpapaliwanag ng tagapag-ulat? 2.Mahusay bang nakasunod sa ipinagawa  ng guro ang pangkat? 3.Napukaw ba ng tagapag-ulat ang atensyon /damdamin? 4.May sapat bang kaugnayan ang kasagutan sa paksang tinalakay? 5.Nakiisa ba ang bawat kasapi ng  pangkat sa pagbuo ng  gawain?
PAGPAPAHALAGA Bilang kabataan,paano mo maibabahagi sa kapwa at sa bayan ang iyong munting kabayanihan?Ipaliwanag.
Pagtataya: Panuto  : Punan  ng angkop na pang-angkop ang bawat patlang. Mula sa isa(1) __ lahi at bayan(2)__marangal, bunga(3) __pinagsanib na kultura(4)__ kanluran at silangan kaya nananalaytay sa ugat ng  bawat Pilipino ang dugo(5)__ tunay(6)__ kabayanihan.  Ang tao,katulad ng  salita,ay nagsisilbi(7)__ instrumento(8)__ paghahatid ng mga bagay  dahil sa natatangi(9)__ paggawa at dedikasyon ay kabayanihan(10)__ maituturing.
Sintesis: Paano nakatulong ang angkop na pang-angkop o linkers sa pagbubuo ng talata?
Kasunduan: Magtungo sa silid-aklatan o computer laboratory upang magsaliksik tungkol sa buhay ng isang tao sa kasalukuyan na itinuturing na bayani o nakagawa ng kabayanihan sa sariling lugar.

More Related Content

Lessonplan demo epiko

  • 1. MATAAS NA PAARALAN NG PEDRO E.DIAZ Up Side Subdivision Alabang , Lungsod ng Muntinlupa KAGAWARAN NG FILIPINO PANDIBISYONG PAKITANG-TURO SA FILIPINO 1 (PAGPAPALALIM) Inihanda ni: Gng. Brenda A. Escopete Guro,Filipino 1
  • 2. A:Madamdaming awitin you raise me up revised.mpg B :Lupang Hinirang.mpg
  • 3. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pakikipagtunggali ng tauhan ang mga sumusunod na sitwasyon: a)Tao vs tao c) Tao vs kalikasan b) Tao vs sarili d) Tao vs lipunan ______1. Sina Don Juan at Namongan ay nagkaroon ng anak subalit bago pa man ito isilang ay namatay si Don Juan sa pakikipagdigma. ______2. Sumisid si Lam-ang sa karagatan para sa gintong kabibe subalit siya namang pagsalubong sa kanya ng halimaw ng karagatan na lumamon sa kanya. ______3. Sa matinding galit hinamon ni Lam-ang mga Igorot. Daan-daang sibat ang itinudla ng kanyang mga katunggali na sinalo lamang niya. ______4.Napag-isipan niyang hanapin ang nawawalang ama na matagal na niyang hangad makita at makilala,sa kabila ng pagtutol ng ina ay nagpatuloy pa rin si Lam-ang. ______5.Sa ilog Amburayan,walang nangangahas na maligo sapagkat tahanan ito ng mababangis na buwaya,ngunit nagpasya si Lam-ang na dito maligo,matapos makapaligo ay nangamatay ang mga isda,hipon,halaman,at iba pang may buhay na nakatira sa ilog.
  • 4. Pagpapakita ng video footage sa isang video presentation na nagpapakita ng kabayanihan. I:ideodemo2.mp4 Ipatala sa pisara ang mga katangian ng isang bayaning binanggit sa naturang video footage.
  • 5. Ibigay ang ibat-ibang pananaw tungkol sa kabayanihan. Gawin ito sa pamamagitan ng word association kabayanihan
  • 6. Isa sa mabisang paraan ng pagpapakilala ng tauhan ang pagsulat ng talambuhay Ang talambuhay ay isang pag-uulat tungkol sa buhay ng isang tao na nilikha ng ibang tao. Maari itong isinulat upang mailimbag bilang isang aklat o artikulo o maipalabas bilang sine o programa sa telebisyon. Layunin nitong maglahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao,buhay man o patay, kung paano siya makipagtunggali sa mga pagsubok na likha ng kanyang kapaligiran at kapanahunan.
  • 7. Pagpapabasa ng talambuhay ng isang tao na maituturing na bayani. Ipasagot ang mga sumusunod na tanong:
  • 8. EFREN PENAFLORIDA Isa sa mga Pilipinong nagbibigay ngayon ng inspirasyon sa maraming Pilipino saan mang dako ng mundo at Pilipinas ay si Efren Penaflorida.Siya ang kauna-unahang nilalang na nakaani ng papuri at malaking karangalan mula sa CNN at tinagurian siyang BAYANI NG TAON. Ito ay dahil sa kanyang walang patid na pagtulong sa mga maralitang batang Pilipino na makapag-aral sa pamamagitan ng kanyang programang KARITUN KLASRUM.
  • 9. Araw-araw ay itinutulak niya kasama ng kanyang grupo ang isang karitun na puno ng mga aklat at kanyang sinisikap na turuan ang mga batang lansangan na bumasa at magsulat. Dahil sa kanyang walang imbot at totoong pagtulong sa masang Pilipino,lahat ng tao sa buong mundo ay naantig sa kanyang mabuting gawain. Naramdaman niya ang pagnanais na mapataas ang antas ng pamumuhay ng kanyang mga kababayan.
  • 10. Ang kanyang mabuting hangarin ay nakapaghatid inspirasyon sa buong lahing Pilipino na kaya natin ito at may magagawa tayo kahit maliit na bagay lamang para sa ikauunlad ng bansa. Tayo,katulad ni Efren ay kayang magbahagi ng kaalaman at buhay para sa ikabubuti ng mas nakararami.
  • 11. D:ouTube - CNN Heroes featuring Efren Penaflorida.mp4 D:ouTube - CNN 2009 HERO OF THE YEAR.mp4
  • 12. Ano ang layunin at adhikain ng tauhan? Paano niya ipinakita ang kabutihang ginawa sa ibang tao?sa bayan? May mga bahagi ba na nagpapakita ng pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan?
  • 13. Paano niya ito nabigyan ng solusyon? Aling bahagi ang nakapagbigay sa iyo ng inspirasyon? Ibahagi.
  • 14. Pagsusuring Panggramatika Muling balikan ang tekstong lunsaran
  • 15. EFREN PENAFLORIDA Isa sa mga Pilipino ng nagbibigay ngayon ng inspirasyon sa marami ng Pilipino saan ma ng dako ng mundo at Pilipinas ay si Efren Penaflorida.Siya ang kauna-unaha ng nilalang na nakaani ng papuri at malaki ng karangalan mula sa CNN at tinagurian siya ng BAYANI NG TAON. Ito ay dahil sa kanya ng wala ng patid na pagtulong sa mga maralita ng bata ng Pilipino na makapag-aral sa pamamagitan ng kanya ng programa ng KARITUN KLASRUM.
  • 16. Paggamit ng mga pang-angkop o linkers na na a t ng . Ang mga pang-angkop ay mga kataga at titik na idinudugtong sa isang salita sa iniuugnay sa kasunod na salita. Tinatawag ding linkers , ang mga ito ay pang-angkop na na at ng . Ginagamit ang ng kapag nagtatapos sa patinig ang unang salitang inuugnay sa kasunod na salita.
  • 17. Ginagamit naman ang na kung nagtatapos sa katinig o consonant ang unang salitang iniuugnay sa kasunod. Samantala,kapag ang unang salitang iniuugnay sa kasunod ay nagtatapos sa katinig na n,nananatili ang n at idinaragdag na lamang ang g sa salita.
  • 18. Itala sa pisara ang mga salitang ginamit na may pang-angkop o linkers mula sa tekstong binasa.
  • 19. Araw-araw ay itinutulak niya kasama ng kanyang grupo ang isang karitun na puno ng mga aklat at kanyang sinisikap na turuan ang mga batang lansangan na bumasa at magsulat. Dahil sa kanyang walang imbot at totoong pagtulong sa masang Pilipino,lahat ng tao sa buong mundo ay naantig sa kanyang mabuting gawain. Naramdaman niya ang pagnanais na mapataas ang antas ng pamumuhay ng kanyang mga kababayan.
  • 20. Ang kanyang mabuting hangarin ay nakapaghatid inspirasyon sa buong lahing Pilipino na kaya natin ito at may magagawa tayo kahit maliit na bagay lamang para sa ikauunlad ng bansa. Tayo,katulad ni Efren ay kayang magbahagi ng kaalaman at buhay para sa ikabubuti ng mas nakararami.
  • 21. Pangkatang- gawain Pangkat 1- Ibahagi sa iba ang mga kabutihang nagawa para sa bayan o sa sariling lugar(Alam ba Ninyo). Ibigay ang pagkakakilanlan at katangian, gamit ang nakatalang paglalarawan(Character Profile) Pangalan: Pangunahing katangian : Kakayahang pangkaisipan: Kalagayan sa buhay: Layunin o motibo: Nagawa para sa sariling lugar o bayan:
  • 22. Pangkat 2- (Think And Share) Sumulat ng talambuhay ng isang tao na itinuturing na bayani o nakagawa ng kabayanihan sa sariling lugar o bayan. Ipakilala sa pamamagitan ng Character Webbing.
  • 23. Pangkat 3- Nakapagkikritik ng talambuhay ng isang tao. Tukuyin ang katangiang tinaglay nito,pinagdaanang pakikipagtunggali at hakbang na ginawa sa paglutas ng suliranin. PAKIKIPAGTUNGGALI PAGLUTAS/HAKBANG NA GINAWA 1 2 3 4 5 1 2 3 4 5 PANGALAN:
  • 24. Pangkat 4- Bibigyan ang pangkat ng pinaghati-hating talambuhay ng isang bayani. Buuin sa tamang pagkakaayos. Hanapin din ang mga pangungusap na gumagamit ng mga pang-angkop o linkers. Salungguhitan ito.
  • 25. Pangkat 5-Bigyan ng angkop na marka ang bawat pangkat gamit ang rubrics para sa pangkatang gawain. BATAYAN Pangkat1 Pangkat2 Pangkat3 Pangkat4 1.Kasiya-siya ba ang ginawang pag-uulat?pagpapaliwanag ng tagapag-ulat? 2.Mahusay bang nakasunod sa ipinagawa ng guro ang pangkat? 3.Napukaw ba ng tagapag-ulat ang atensyon /damdamin? 4.May sapat bang kaugnayan ang kasagutan sa paksang tinalakay? 5.Nakiisa ba ang bawat kasapi ng pangkat sa pagbuo ng gawain?
  • 26. PAGPAPAHALAGA Bilang kabataan,paano mo maibabahagi sa kapwa at sa bayan ang iyong munting kabayanihan?Ipaliwanag.
  • 27. Pagtataya: Panuto : Punan ng angkop na pang-angkop ang bawat patlang. Mula sa isa(1) __ lahi at bayan(2)__marangal, bunga(3) __pinagsanib na kultura(4)__ kanluran at silangan kaya nananalaytay sa ugat ng bawat Pilipino ang dugo(5)__ tunay(6)__ kabayanihan. Ang tao,katulad ng salita,ay nagsisilbi(7)__ instrumento(8)__ paghahatid ng mga bagay dahil sa natatangi(9)__ paggawa at dedikasyon ay kabayanihan(10)__ maituturing.
  • 28. Sintesis: Paano nakatulong ang angkop na pang-angkop o linkers sa pagbubuo ng talata?
  • 29. Kasunduan: Magtungo sa silid-aklatan o computer laboratory upang magsaliksik tungkol sa buhay ng isang tao sa kasalukuyan na itinuturing na bayani o nakagawa ng kabayanihan sa sariling lugar.